Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Java (pulo)

Mga koordinado:7°29′30″S110°00′16″E /7.49167°S 110.00444°E /-7.49167; 110.00444
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Translation arrow icon
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin.(walang petsa)

Kung ang wikang pangkompyuter at ang kompanyang kinauugnay nito ang ukol ninyo, sumangguni saJava (programming language) atJava (Sun). Kung sa iba pa, sumangguni saJava,Haba (paglilinaw), atHabanes.
Java
Jawa (Indones)
ꦗꦮcode: na-promote ang jav sa code: jv (Javae)
ᮏᮝcode: na-promote ang sun sa code: su (Sunda)
Heograpiya
LokasyonSoutheast Asia
Mga koordinado7°29′30″S110°00′16″E /7.49167°S 110.00444°E /-7.49167; 110.00444
ArkipelagoGreater Sunda Islands
Ranggo ng sukat13th
Pamamahala
Demograpiya
Populasyon145 million

AngJava[1] (Ingles:Java,Indones:Jawa,Javae:ꦗꦮ,Sunda:ᮏᮝ) ay isangisla ngIndonesia at ang kinalalagyan ngkabisera ng bansa, angJakarta. Ito angpinakamataong isla, at isa sa mga pinakapinakamataong rehiyon sa mundo. Ang dating lugar ng mga makapangyarihang kaharian ngHindu at ang sentro ng kolonyal naDutch East Indies, ang Java ngayo'y may importanteng papel na ginagagampanan sa aspetong pampolitika at ekonomiya ng Indonesia. Tinatawag naHabanes (lalaki) atHabanesa (babae) ang mga taga-Java.[kailangan ng sanggunian]

Heograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang Java[2] ay isang parte ngArkong Isla ng Sunda na kinabibilangan ngSumatra sa hilagang-kanluran at angBali sa silangan. AngBorneo ay nasa Hilaga habang angIsla ng pasko ay nasa timog. Ito ay angika-13 na pinakamalaking isla sa buong mundo. Ang Java ay halos hango saBulkan; nandirito ang di-kumulang na 38 na bundok na sa isang pagkakataon ay aktibo. Ang pinakamataas na bulkan sa Java ay ang BundokSemeru (3,676 m). Sumangguni saMga bulkan ng Java.

Ang pinakamahabangilog sa isla ay angIlog Solo ng Bengawan, na may 600km[3] ang haba. Ang Bengawan Solo ay umaagos mula sa sentral Java papasok ng bulkangTawu, papuntang hilaga tapos papasilangan sa kanyang bukana saDagat Java, malapit sa siyudad ngSurabaya.

Bundok Semeru atBundok Bromo saSilangang Java
SentralJakarta

Sa Java matatagpuan ang kabisera ngIndonesia, angJakarta. Ang mga tanyag na destinasyong panturista sa lugar ay kinabibilangan ng siyudad ngYogyakarta, ang malaking mala-piramide na monumento kayBuddha na kilala sa tawag naBorobudur, at angPrambanan, ang pinakamalaking templo sa Java.Ang Java din ang pinakamataong lugar sa Indonesia, na may humigit-kumulang sa 62% sa kabuuangpopulasyon sa bansa.[4] Sa 130 milyon na tao sa 940 tao kada km², ito din ang ikalawang pinakamatong isla sa mundo. Kung ito'y magiging bansa, ito'y magiging pangalawa lamang saBangladesh sa kakapalan. Humigit-kumulang na 45% ng populasyon ng Indonesia ay Javanes.[5] Mula noong 1970, ang gobyerno ng Indonesia ay nagpatakbo ng mgaprogramang transmigrasyon na naglalayong ilagay ang iba pang mga tao sa Java sa iba pang mga isla ng Indonesia. Ang programang ito'y nagkaroon ng mga nagsasalungat na reaksiyon at may pagkakataong lumubha ng tensiyon sa paggitan ng mga lokal at ng mga dayo. Ang isla ay pinag-babahagi sa 4 naprobinsiya, isang rehiyong espesyal* (daerah istimewa), at isang espesyal na distritong pangkabisera** (daerah khusus ibukota):

Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Para sa artikulong "Taong Java" (Java Man) ginamit ang baybay na Java para banggitin sa wikang Tagalog,Ang Unang Tao, Elaput.org
  2. Volcano World - Island of JavaNaka-arkibo 2006-10-22 saWayback Machine. (volcano.und.edu) Nakuha 26 Hulyo 2006
  3. Management of Bengawan Solo River AreaNaka-arkibo 2007-10-11 saWayback Machine. Jasa Tirta I Corporation 2004. Retrieved 26 Hulyo 2006
  4. "Embassy of Indonesia, Ottawa". Inarkibo mula saorihinal noong 2010-06-20. Nakuha noong2006-09-28.
  5. "CIA factbook". Inarkibo mula saorihinal noong 2008-12-10. Nakuha noong2009-06-08.
May kaugnay na midya tungkol saJava ang Wikimedia Commons.
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Java_(pulo)&oldid=2105117"
Mga kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp