- Para sa anak niya na isa ring politiko, tingnan angJames Rudolph Garfield.
SiJames Abram Garfield (19 Nobyembre 1831 – 19 Setyembre 1881) ay naglingkod bilangpangulo ngEstados Unidos. Siya ang ika-20 pangulo ng Estados Unidos. Naupo siya sa loob lamang ng anim na buwan. Noong 2 Hulyo 1881, kulang dalawang buwan sa pagkakaupo niya bilang pangulo, nabaril si Garfield habang naghihintay sa isangtren sa isang estasyon ng tren saWashington, D.C.. Si Charles J. Guiteau ang asesinong pumatay kay Garfield, na ang dahilan ay ang pagtanggi ni Garfield na bigyan si Guiteau ng trabaho sa pamahalaan. Namatay si Garfield noong Setyembre 19 matapos maghirap ng higit sa dalawang buwan. Isa lamang siyang mahirap na bata na naging presidente sa kolehiyo, heneral, kongresista, at pangulo ng Estados Unidos. Si Garfield ang unang pangulo ng Estados Unidos na gumamit ngtelepono.[1]
Isinilang si Garfield sa Orange, Ohio noong 19 Nobyembre 1831. Nagtapos siya mula sa Kolehiyong Williams noong 1856. Naging presidente siya ng Western Reserve Electric Institute mula 1857 hanggang 1861. Napangasawa niya si Lucretia Rudolph noong 1858.[1]
Nahalal siya sa Senado bilang kinatawan ng Ohio noong 1859. Noong 1861, naglingkod siya sa Hukbo ng Unyon at naging tenyente-koronel. Noong taon ding iyon, nilisan niya ang hukbo na may ranggong komandante-heneral upang maupo sa Kongreso.[1]
Mula 1863 hanggang 1880 naglingkod siya sa House of Representatives ng Estados Unidos. Noong 4 Marso 1880, nanumpa siya bilang ika-dalawampung pangulo ng Estados Unidos. Namatay siya sa Elberon, New Jersey.[1]
Anak niya ang isa ring kilalang politiko sa Amerika, siJames Rudolph Garfield.
Ang lathalaing ito ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.