Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Itaewon

Mga koordinado:37°32′24″N126°59′31″E / 37.54000°N 126.99194°E /37.54000; 126.99194
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Itaewon
Transkripsyong Korean
 • Hangul
 • Hanja
 • Revised RomanizationItaewon
 • McCune–ReischauerIt'aewŏn
Itaewon na itinatampok ang Moskeng Sentral ng Seoul
Itaewon na itinatampok angMoskeng Sentral ng Seoul
Itaewon is located in South Korea
Itaewon
Itaewon
Mga koordinado:37°32′24″N126°59′31″E / 37.54000°N 126.99194°E /37.54000; 126.99194
CountrySouth Korea

AngItaewon (Koreano: 이태원,IPA[itʰɛwʌn]) ay tumutukoy sa lugar na pumapaligid saItaewon-dong,Yongsan-gu,Seoul,Timog Korea. Naghahatid dito angIka-6 na Linya ng Metro ng Seoul sa mga istasyon ngItaewon,Noksapyeong atHanganjin. Halos 22,000 katao ang naninirahan sa distrito, at sikat ang lugar na ito para sa mga residente ng Seoul, turista,ekspat attauhang militar ng Estados Unidos.[1]

Etimolohiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Nagmula ang salitang Itaewon sa pangalan ng bahay-tuluyan na pinatakbo ng pamahalaan sa dinastiyang Chosun. Ngayon, kilala ang lugar bilang Itaewon dahil sa kanyang mga masaganang puno ng peras, angTsino panitik na nangangahulugang "peras." Ayon sa mga sinaunang tala, isinulat din ang lugar gamit ang mga iba pang transkripsyonghanja, tulad ng李泰院 , at異胎院.

Mga atraksyong lokal

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Kilala ang Itaewon para sa paghahain ng mga lutuing di-mahahanap saanman sa Korea, tulad ng mga mula saIndya,Pakistan,Turkiya,Timog Silangang Asya,Bretanya,Alemanya,Italya,Pransya,Portugal,Espanya atMehiko. Sa pinaka-diwa, kilala ito bilang "Kanluraning Bayan," kahawig ng mga Chinatown sa mga Kanluraning bansa.

Ang Itaewon, pati na rin ang mga kapitbahayan at atraksyon tulad ngHongdae,Insadong atToreng Seoul, ay isa sa mga pinakasikat na pook sa Seoul para sa mga turista.[2] Narito ang mga pangunahing otel tulad ng Grand Hyatt Seoul at Otel Hamilton, isang lokal na palatandaan, pati na rin ang mga ilang mas maliit na otel at bahay-tuluyan. Tumutudla ang dose-dosenang tindahan sa mga turista, at nag-aalok ng mga Kanluraning o tradisyonal na Koreanong subenir. Ibinebenta rin sa makatuwirang presyo ang mga de-kalidad na produktong katad, tingi o pasadyang ginawa (inaasahan na may pakikipagtawaran pa rin).

Matagal nang kilala ang Itaewon bilang sentro ng mga de-kalidad na peke, ngunit halos nawala na ang mga produktong iyon.[3] Mahahanap din ang mga ilang tunay na kalakal na gawa lamang sa Korea para sa pandaigdigang merkado, pati na rin ang mga ilang tunay na angkat. Kilala ang Itaewon para sa mga mananahi nito na gumagawa ng mga pasadyang kamiseta at amerikana.

Bukod sa mga lokal na negosyo, mayroong mayamang pamayanan ng mga may-ari ng pandaigdigang negosyo, kabilang ang isang may-ari ngpie shop mula sa Amerika (Tartine), tunay na Amerikanong burger, barikan, isang Austrianong delicatessen (na may sari-saring keso at karne), isang beterinaryo/tagapag-alaga ng hayop na may mahusay na reputasyon, isang manghihilot mula sa Oregon, mga doktor at nars, parmasyutiko at may-ari ng groseri.

  • Isang kalye sa Itaewon
    Isang kalye sa Itaewon
  • Ang kalyeng Bogwang at Otel Hamilton sa Itaewon
    Ang kalyeng Bogwang at Otel Hamilton sa Itaewon

Nakatira ang mararaming dayuhan sa Korea sa loob o malapit sa Itaewon, pati na rin ang ilan sa mga pinakamayamang Koreanong negosyante, kabilang si Lee Kun-Hee, ang tagapangulo ng pangkat-Samsung.

Kalyeng Gyeongnidan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Itaewon Gyeongnidan-gil

Sa Itaewon mayroong multinasyonal na Kalyeng Gyeongnidan. Nasa gitna ito ng distritong elementarya ng Itaewon. Maraming mga kakaibang restawran sa tabi ng kalye.[4]

Sa kalinangang tanyag

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Naglabas si JYP (Park Jin-young), isang Koreanong mang-aawit/kompositor, at UV, anghip hop duo niYoo Se-yoon ng kantang "Itaewon Freedom" noong Abril 2011.[5] Tinutukoy ng pamagat (at ipinagdiwang ng mga liriko) ang pangkaraniwang pang-unawa ng Korea ukol sa pagiging banyaga ng Itaewon at bukas na kapaligiran, na iba sa napakakonserbatibong kalinangang Koreano.[6] Nagbigay-inspirasyon ang katanyagan ng kanta at music video nito saparody cover song at video mula sa girl group,Crayon Pop, noong 2013. Bahagyang kinunan sa Itaewon mismo ang dalawang video.[7]

Nakatakda sa Itaewon angItaewon Class, isang Timog Koreanong teleserye.[8]

Mulang pagsigla matapos ang 9/11

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang Itaewon ay ang distritong komersyal na pinakamalapit sa Garisong Yongsan ngUnited States Forces Korea (USFK). Noong 2001, pinakakilala ang Itaewon para sa mga nakaririmarim na barikan at mga bahay-prostitusyon na pinupuntahan ng mga dayuhang sundalo at beteranong nakabase sa Yongsan. Pagkatapos ng 9/11, inilagay sa lockdown ang lahat ng mga base-militar na may mahigpit na mga curfew na ipinataw. Bilang resulta, nagsara ang maraming barikan. Pinalitan ang mga ito ng mga kaiphan,trendy bar, at restawrang halu-halo at pandaigdigan, kaya naging sikat ang distrito ng Itaewon para sa mga kabataan, makamundong Koreano at dayuhang residente. Ngayon, nagaganap dito ang isang taunangPista ng Pandaigdigang Nayong Itaewon na nagpatibay sa reputasyon nito bilang kakaibang, multikultural naGangnam.[9]

Transportasyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Tingnan din

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Lai, Ah Eng; Collins, Francis Leo; Yeoh, Brenda S. A. (2013).Migration and Diversity in Asian Contexts.ISBN 9789814380478.
  2. Government, Seoul Metropolitan (2010-02-02)."Seoul's best 100".
  3. Kim, Monica."Listen to Monica Kim Discuss How Korea's Counterfeit Culture Shaped Her Style".Vogue (sa wikang Ingles). Nakuha noong2019-03-12.
  4. Government, Seoul Metropolitan (2014-09-18)."Soul food of Seoul: Seoul Dining, A DELICIOUS EPICUREAN JOURNEY".
  5. "[New Releases] UV".Korea JoongAng Daily.
  6. Kim, Chan-hee (2011)."The Cultural Identity of Itaewon"(PDF).Yonsei University. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 15 Nobiyembre 2016. Nakuha noong3 October 2018.{{cite web}}:Check date values in:|archive-date= (tulong)
  7. "Crayon Pop takes to the streets for parody MV of 'Itaewon Freedom'".
  8. Choi, Ji-won (January 30, 2020)."Park Seo-joon to show perfect sync with original webcomic in 'Itaewon Class'".The Korea Herald. Nakuha noongFebruary 7, 2020.
  9. "Seoul's Red-Light District Turns Trendy" – sa pamamagitan ni/ng www.wsj.com.

Mga kawing panlabas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Itaewon&oldid=2118299"
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp