AngIsda (Ingles:Fish) ay mgahayop na naninirahan satubig,craniata, mayhasang na walang mgabiyasna may mga digit o daliri. Kabilang sa mga isda ang nabubuhay nahagfish,lamprey, atcartilaginoso atmabutong isda gayundin ang mgaekstinkt na kaungyan na pangkat. Ang tinatayang 95% ng mga isda ayActinopterygii na ang 99% ay mgateleost.
Ang pinakamaagang organismo na inuri bilang isda ay may mga katawang malambot nachordate na unang lumitaw sa panahongKambriyano. Bagaman wala silangtunay na espina, sila ay nag-aangkin ng mganotochord na pumapayag sa kanilang mas makagalaw ng mabilis at madali kesa sa mgaimbertebrado. Ang mga isda ay patuloy na nag-ebolb sa panahongPaleosoiko at sumangay sa iba't ibang mga anayo. Ang maraming isda sa Paleosoiko ay nag-ebolb ngplacodermi na pumpoprotekta sa kanila laban sa mgapredator. Ang unang isda na may panga ay unang lumitaw noong panahongSiluriyano kung saan ang marami gaya ng mgapating ay mga malalakas napredator sa halip na mgaprey lamang ng mgaarthropod. Ang karamihan sa isda ayektotermo (malamig ang dugo) na pumapayag sa kanilang katawan na umangkop sa nagbabagong temperatura bagaman ang mga isdang gaya ngputing pating attuna ay maaaring magkaroon ng mataas na temperatura.[1][2] Fish can acoustically communicate with each other, most often in the context of feeding, aggression or courtship.[3]
Ang mga isda ay nakatira sa tubig ngunit hindi may mga isda na nabubuhay sa parehong tubig at lupa gaya ngmudskipper.Ang ilang isda ay nakatira sa matataas na mga tubigan sa kabundukan gaya ngchar at anggudgeon) ay sa kalaliman at kahit sa mga lalim nahadal ng pinakakalaliman ng mga karagatan. (e.g.,cusk-eels and [.[4] Ang isda ay naglalaman ng 34,300 inilarawangespesye at may pinakamalaking pagkakaiba kesa sa anumang pangkat ngmgabertebrado.[5]
Ang mga isda ay mahalagang pagkain ng mgatao sa buong mundo. Ang ilang isda ay ginagawang alagang hayop. Ang mgaTetrapod (amphibian,reptile, mgaibon at mgamamalya ay lumitaw mula sa lob ng mga isdangSarcopterygii gaya sa usapingkladistiko, ang mga ito ay mga isda rin. Gayunpaman, sa tradisyon, ang isda (pisces oichthyes) ay ginawangparaphyletiko sa pamamagitan ng hindi pagsasama ng mga tetrapod at kaya ay hindi itinturing na isang pormal nataksonomikong pagpapangkat sa kahulugangsistematikangbiyolohiya maliban na lamang kung ito ay ginagamit sa kahulugangkladistiko kabilang ang mga tetrapods[6][7] bagaman ang karaniwangbertebrado ay mas pinipili at sa halip ay ginagamit para sa layuning ito (isda kasama ng tetrapod). Ang mgacetacean gaya ng mgabalyena atdolphin bagaman mgamamalya ay itinuturing ng ilang kultura sa mga sinaunang panahong bilang isang isda.