Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Internet Protocol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

AngInternet Protocol (IP) ay ang pangunahingcommunication protocol na ginagamit para sa pagpapasa ng mgadatagram (mga packet) sa kahabaan ng isanginternetwork na gumagamit ngInternet Protocol Suite. Bilang may pananagutan o responsable sa pagruruta ng mga packet sa kahabaan ng mga hangganan ng mga network, ito ang pangunahing protocol na naglulunsad ngInternet. Ito ang pangunahing protocol saInternet Layer ng Internet Protocol Suite at may tungkulin gawin ang pagdadala ng mga datagram mula sa pinanggalingang mgahost papunta sa destinasyonghost na tanging nakaayon sa kanila mga address o tirahan ng IP. Para sa ganitong layunin, nilalarawan ng IP ang mga paraan at mga kayarian ng pagbibigay ng address para saencapsulation ng datagram.

Ayon sa kasaysayan, ang IP ay ang serbisyo ng datagram na walang ugnay o walang koneksiyon (hindi kailangan ng pagkonekta) sa orihinal naTransmission Control Program (TCP) na ipinakilala ninaVint Cerf atBob Kahn noong 1974; ang isa pa ay ang nangangailangan ng pag-ugnay o pagkonektangTransmission Control Protocol (TCP). Kaya't ang Internet Protocol Suite ay madalas na tinutukoy bilang TCP/IP.

Ang unang pangunahing bersyon ng IP, na kasalukuyang tinatawag naInternet Protocol Version 4 (IPv4) ay ang nangingibabaw na protokol ng Internet, bagama't ang kapalit naInternet Protocol Version 6 (IPv6) ay nasa masigla at lumalaki nang pagpapalaganap sa buong mundo.


InternetKompyuterAng lathalaing ito na tungkol saInternet atKompyuter ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Internet_Protocol&oldid=2176028"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp