Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Inseminasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

AngInseminasyon, na kilala rin bilangpagpupunla opagbibinhi, ay ang sinasadyang pagpapasok ngesperma sabahay-bata ng isangmamalya o ngobidukto ng isangobiparong (nangingitlog) hayop para sa layunin ngimpregnasyon (pertilisasyon) ng isang babae para sareproduksiyon. Normal na nagaganap ang inseminasyon habang, at bilang resulta ng,pagtatalik sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae, kapag ang semen o tamod ay nailabas (ehakulasyon) ng isang lalaki papasok sa rehiyong pangreproduksiyon ng babae, subalit maaaring maganap sa mga paraan hindi kinasasangkutan ng pagtatalik.

Ang inseminasyon sa pamamagitan ng pagtatalik ay pangkaraniwang tinutukoy bilang likas na inseminasyon (likas na pagpupunla o likas na pagbibinhi). Sa mga tao, ang inseminasyon (literal na "pagtatanim") ay pinaka pangkaraniwang isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatalik na may lalakingkatambal sa pagtatalik na napili ng babae, at kung minsan ay hindi ang babae ang pumili. (Tingnan angseleksiyong seksuwal.) Maaari rin itong isagawa ng isangtagapagkaloob ng esperma. Sa karamihan ng mga kultura, ang inseminasyong papaloob sa puke (pagpupunlang papasok sa loob ng puke) ng isang lalaki na hindi ang normal na kaparehang pangpagtatalik ng babae ay nakapailalim sa pagsasawata at mga pagbabawal na panlipunan at pangpagtatalik, at may mga kahihinatnang legal, moral at interpersonal. Ang kalimitan ng inseminasyong intrabahinal (papaloob sa puke) ng isang tagapagbigay ng esperma ay hindi nalalaman, sapagkat ang mga kasunduan ay karaniwang impormal at lahat ng mga partido ay nagnanais na panatilihin ang kasunduan bilang palihim (kumpidensiyal).

Tingnan din

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga kawing na panlabas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Sikolohiya
at biyolohiya
Kalusugan at
aralin
Identidad atdibersidad
Batas
Kasaysayan
Mga ugnayan
atlipunan
Ayon sa bansa
Mga gawaing seksuwal
Industriyang seksuwal
Relihiyon at
seksuwalidad
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Inseminasyon&oldid=1866012"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp