AngIndibidwalismo ay ang paninindigangmoral,pilosopiyang pampolitika, ideyolohiya, o pananaw na panlipunan na nagbibigay-diin sa "ang kahalagahang moral ngindibidwal".[1] Isinusulong ng mga indibidwalista ang pagsasakatuparan ng mga layunin o mga nais ng isang tao, kaya't ang pinahahalagahan ay angkalayaan at pansariling kapakanan[2] habang tinututulan ang karamihan sa panlabas na mga panghihimasok sa pansariling mga kainaman, maging nglipunan,mag-anak o anumang iba pang pangkat oinstitusyon.[2]
Ginagawa ng indibidwalismo na maging tuon ng pansin nito ang indibidwal[1] kung kaya't nagsisimula "na may pundamental na premisa o pahayag na ang indibidwal na tao ay may pangunahing kahalagahan sa pagpupunyagi para sa kalayaan." AngLiberalismong klasikal (kasama anglibertaryanismo),eksistensiyalismo atanarkismo (natatangi na anganarkismong indibidwalismo) atobhetismo ay mga halimbawa ng mga kilusang ginagamit ang indibidwal na tao bilang isang panggitnang yunit ng pagsusuri.[3]
Ginamit din ito bilang isang termino o katagang nagpapahiwatig ng "kalidad ng pagiging isangindibidwal;indibidwalidad"[2] kaugnay na pag-ari ng "Isang katangiang pang-indibidwal; isangsumpong oidiosinkrasya."[2] Kaya't ang indibidwalismo ay may kaugnayan din sa mga kagustuhan at estilo ng pamumuhay na artistiko atBohemiano kung saan mayroong tendensiya o pagpaling papunta sa paglikha ng sarili at eksperimentasyon na kabaligtaran ng tradisyon o mga opinyon at ugaling popular ng masa o nakararami,[2][4] at gayundin ng mga posisyon at etikanghumanista.[5][6]
- ↑1.01.1"Individualism" sa Encyclopedia Britannica Online
- ↑2.02.12.22.32.4"individualism" sa The Free Dictionary
- ↑L. Susan Brown.The Politics of Individualism: Liberalism, Liberal Feminism, and Anarchism. BLACK ROSE BOOKS LID. 1993
- ↑http://www.jstor.org/pss/2570771 Bohemianism: the underworld of Art by George S. Snyderman and William Josephs
- ↑"Ang pangunahing katangiang intelektuwal ng kapanahunan ay ang pagpabalik, sa isang partikular na antas, ng pilosopiyang sekular at makatao ng Gresya at Roma. Isa pang usong humanista na hindi maaaring balewalain ay ang muling pagsilang ng indibidwalismo, na pinaunlad ng Gresya at Roma hanggang sa malaking kaantasan, ngunit pinigilan ng pagbangon ng isang sistemang may pagbibigay ng antas sa loob ng lipunan noong bandang huling panahon ng Imperyong Romano, ng Simbahan at ng peudalismo noong Gitnang mga Kapanahunan."The history guide: Lectures on Modern European Intellectual History"
- ↑"Ang antroposentrisidad at indibidwalismo... Humanismo at Italyanong sining ay magkahalintulad sa pagbibigay ng mahalagang pagtutuon sa karanasan ng tao, kapwa sa pang-araw-araw na kahalagahan nito at sa positibo at negatibong kasukdulan nito... Ang pagtuon ng sining ngRenasimyento sa tao, bilang karagdagan, ay hindi lamang isang pangkalahatang pagsusog sa karanasang makamundo. Katulad ng mga humanista, binigyang-diin ng mga Italyanong alagad ng sining ang autonomiya at dangal ng indibidwal.""Humanism" on Encyclopedia Britannica