Angindibiduwal osarili (Ingles:individual,self) ay isangtao o isang partikular nabagay. Angindibiduwalidad, na tinatawag dingpagkatao okasarilihan (Ingles:individuality,selfhood) ay isang katayuan o kalidad o katangian ng pagiging isang indibiduwal; isangpersona o tao na nakabukod mula sa iba pang mga persona o mga tao at nag-aangkin kaniyang pansariling mga pangangailangan o mga layunin; at may pagiging mapagpahayag ng sarili, at may pagsasarili o hindi umaasa sa ibang mga tao (independiyente).
Mula ika-15 daantaon at mas maaga pa, at pati na rin ngayon sa mga larangan ngestadistika atmetapisika, ang indibiduwal ay nangangahuluganghindi mahahati (hindi mapapagparte-parte, hindi maihihiwalay), na karaniwang naglalarawan ng anumang bagay na pangnumerong nag-iisa, subalit paminsan-minsang nangangahulungang "isang tao" o "isang persona" (tingnan din ang "ang suliranin ng mgapangngalang pantangi). Mula ika-17 daantaon at pasulong pa, angindibiduwal ay nagpapahiwatig ngbukod opagkakabukod, katulad ng saindibiduwalismo.
Ang indibiduwalismo ay maaaring kasingkahulugan o may kaugnayan sa mga salita o mga pariralang ito:nag-iisa,pang-isa,isa,para sa isa,bawa't,para sa bawa't isa, atpanarili.[1][2]
Ang lathalaing ito na tungkol saTao ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.