Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Imperyong Ruso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Imperyong Ruso
Россійская Имперія  (Pre-reformedRussian)
Российская Империя  (RussianCyrillic)
Rossiyskaya Imperiya  (transliteration)
1721–1917
Lahat ng teritorying nasakop ng Imperyong Ruso at mga saklaw ng impluwensiya.   Teritoryo[a]   Saklaw ng impluwensiya
Lahat ng teritorying nasakop ng Imperyong Ruso at mga saklaw ng impluwensiya.
  Teritoryo[a]
  Saklaw ng impluwensiya
KatayuanImperyo
Kabisera
Karaniwang wikaOpisyal
Russian
Relihiyon
Official
Russian Orthodox
PamahalaanAwtokrasya
Ganap na monarkiya bydivine right before
1906 · Constitutional monarchy from1906
Emperador 
• 1721–1725(una)
Peter I
• 1894–1917(huli)
Nicholas II
 
• 1905–1906(una)
Sergei Witte
• 1917(huli)
Nikolai Golitsyn
Lehislatura
Emperor exercises legislative
power in conjunction with the
State Council andState Duma[1]
• Mataas na Kapulungan
State Council
• Mababang Kapulungan
State Duma
Kasaysayan 
• Accession ofPeter I
7 May[O.S. 27 Apr] 1682[c]
• Empire proclaimed
22 Oct[O.S. 11 Oct] 1721
26 Dec[O.S. 14 Dec] 1825
3 Mar[O.S. 19 Feb] 1861
Jan–Dec 1905
23 Apr[O.S. 6 May] 1906
15 Mar[O.S. 2 Mar] 1917
7 Nov[O.S. 25 Oct] 1917
Lawak
186622,800,000 km2 (8,800,000 mi kuw)
191621,799,825 km2 (8,416,959 mi kuw)
Populasyon
• 1916
181,537,800
SalapiRuble
Pinalitan
Pumalit
Tsardom of Russia
Russian Republic
Ober Ost
Karafuto Prefecture
Department of Alaska
Northern Caucasus
State of
Buryat-Mongolia
Bahagi ngayon ng

AngImperyong Ruso (Lumang ortograpiyang Ruso: Россійская Имперія,Modernong Ruso: Российская империя,Rossiyskaya Imperiya) ay isangestadong umiral mula 1721 hanggang ito'y patalsikin ng isang panandaliang liberal na himagsikan noong Pebrero 1917.[2] Ito ay isa sa mga pinakamalaking imperyo sa kasaysayan ng daigdig, na umabot ang lawak sa tatlong kontinente; tanging angImperyong Briton atMongol lamang ang humigit sa kalupaan nito. Malaki ang ginampanang papel ng Imperyong Ruso noong 1812–1814 nang talunin nito siNapoleon sa kaniyang tangkang sakupin angEuropa, at noo'y lumawak pa ang nasakupan nito sa kanluran at timog. Malimit nitong kahidwaan angImperyong Ottoman na siya namang protektado ng mga Briton.

Sa simula ng ika-19 na siglo, umaabot mulaKaragatang Artiko sa hilaga hanggangDagat Itim sa timog, mula saDagat Baltiko sa kanluran hanggangKaragatang Pasipiko, at (hanggang 1867)Alaska saHilagang Amerika sa silangan ang teritoryo nito.[3] Ang 125.6 milyon kataong nasasakupan nito ayon sa tala ng senso noong 1897, ay ang ikatlong pinakamalaking populasyon sa daigdig noong panahong iyon, kasunod ng saTsina atImperyong Briton. Gaya ng lahat ng imperyo, malaki ang pagkakaiba-iba sa ekonomiks, etnisidad, at relihiyon nito. Maraming elementong laban sa imperyo ang naglunsad ng pag-aalsa at mga tangkang asasinasyon; na siya namang mahigpit na minatyagan ng lihim na pulisya, libu-libo sa mga ito ang pinatapon saSiberia.

Lubhang pangkanayunan ang ekonomiya ng imperyo at mababa ang produksiyon sa mga malalawak na lupaing sinasaka ng mga alipin, sila'y napalaya noong 1861. Sa tulong ng dayuhang pamumuhunan sa daang-bakalan at mga pabrika, dahan-dahang naging industriyalisado ang ekonomiya. Ang mga lupain ay hawak ng mganoblengBoyar mula ika-10 hanggang ika-17 siglo, at mula noo'y ng isangemperador na tinatawag na "Tsar". Ang isang malupit na patakaran ngRusipikasyon ay isinagawa sa loob ng 300 taon laban sa dose-dosenang mga nasakop na tao.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "The Sovereign Emperor exercises legislative power in conjunction with the State Council and State Duma".Fundamental laws,art. 7
  2. . Swain says, "The first government to be formed after the February Revolution of 1917 had, with one exception, been composed of liberals."Geoffrey Swain (2014).Trotsky and the Russian Revolution. Routledge. p. 15.; tignan dinAlexander Rabinowitch (2008).The Bolsheviks in Power: The First Year of Soviet Rule in Petrograd. Indiana UP. p. 1.(sa Ingles)
  3. In pictures: Russian Empire in colour photos, BBC News Magazine, Marso 2012.(sa Ingles)
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Imperyong_Ruso&oldid=2164061"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp