Ang isangimbensiyon oimbento (Ingles:invention) ay isang natatangi o bagongmakina,aparato,komposisyon, oproseso. Ito ay maaaring isang bagong pagpapainam o pagpapabuti sa isang makina o produkto, o isang bagong proseso para sa paglikha ng isang bagay o isang resulta. Ang isang imbensiyon na nagkakamit ng isang talagang natatanging tungkulin o resulta ay maaaring maging isang malaki o lubos na pambihirang tagumpay. Ang ganiyang mga akda aybagong bagay atmaimbentong hakbang at hindi lantad saibang mga tao na mayroong kasanayan sa iisang larangan. Sa payak na pananalita, ang mga imbensiyon ay mga bagong aparato na nakakagawa ng ilang uri ng mga tungkulin. Ang karamihan sa mga imbensiyon ay mga bagay o aparatongelektrikal (may kuryente) omekanikal.
Ang salitang imbensiyon ay maaaring maging katumbas o may kaugnayan sa mga salitanglikha,katha, atbungang-isip. Sa diwa ng pagiging isang bagong bagay na nagawa at nalikha ng isang tao, angkompyuter atkotse ay mga halimbawa ng mga imbensiyon noong una itong mabuo. Kaya't mayroong pariralang "noong ito ay maibento". Ang mga baong bagay na nagawa, nabuo, onalikha ay tinatawag na mga imbensiyon. Ang bagong mga ideya ay tinatawag din bilang mga imbensiyon. Ang mga manunulat ay maaaring makaimbento ng mga bagong tauhan, at pagdaka ay umiimbento sila ng isang kuwento patungkol sa mga tauhang ito. Ang mga imbensiyon ay ginagawa ng mgaimbentor, ang mga tao na gumagawa ng bagong mga imbensiyon. Ang isang tao na nakaimbento ng bagong mga ideya o mgametodo (kaparaanan) hinggil sa kung paano gawin ang mga bagay-bagay o mga gawain ay maaari ring tawagin bilang isang imbentor.
Ang ilang mga imbensiyon ay maaaring maipatente. Ang isangpatente ay makabatas na nagbibigay ng proteksiyon sa mga karapatang na pampag-aaring intelektuwal o pang-isipan ng imbentor at legal na kumikilala na ang isang inangking imbensiyon ay talagang isang imbensiyon. Ang mga patakaran at mga kailangan para sa pagpapatente ng isang imbensiyon ay nag-iiba-iba sa bawat isang bansa, at ang proseso ng pagkuha ng isang patente ay madalas na magastos.
Ang isa pang kahulugan ng imbensiyon ay ang may kaugnayan saimbensiyong kultural, na isanginobatibong pangkat ng talagang magagamit nakaugaliang panlipunan okaasalang pangpakikisalamuha na inako ng mga tao at ipinasa sa iba pang mga tao.[1] Ang imbensiyon ay isa ring mahalagang bahagi ng pagkamalikhaing pangsining at sa disenyo. Ang mga imbensiyon ay madalas na lumalampas sa mga hangganan ng kaalaman, karanasan, at kakayahan ng tao.
Sa paglipas ng mga panahon, ang mga tao ay nakaimbento ng mga bagay na nakapagpapadali at nakapagpapaginhawa ng buhay para sa sarili nila. Dahil dito, naisulat ang parirang nasawikang Ingles na"necessity is the mother of invention", na may katumbas na diwang "angpangangailangan ay ang ina [o pinagmumulan] ng imbensiyon". Ang siping ito ay nangangahulugan na ang isang kakulangan ng isang bagay ay dapat na makapagbigay ng inspirasyon o makapagtulak sa isang tao upang makalikha ng isang bagay upang mapunan o malagyan ng laman ang puwang na iyon na walang laman. Subalit, hindi lahat ng mga tao ang naniniwala na ito ay totoo; iniisip ng mga taong ito na hindi naniniwala sakasabihang ito na ang kalabisan ng isang bagay ay maaaring humantong sa isang imbensiyon. Ang karamihan sa mga imbensiyon ay sadyang mgabaryasyon lamang ng isang bagay na umiiral na, o may pagkakaiba lamang ng kaunti mula sa orihinal. Marami sa mga imbentor ang gumagawa ng maliliit na mga pagbabago sa lumang mga imbensiyon. Halimbawa na, sa paglipas ng kasaysayan at panahon, maraming mga tao ang nakaimbento ng bagong mga paraan upang makalikha ng mgaorasan. Ang sinaunang mga orasan ay dating mgaorasang nakabatay sa sinag ng araw (mgasundial). Sa paglaon, ang mga orasan ay ginamitan ng tubig. Sa paglipas pa ng panahon, ginamitan na ang mga orasan ng mga bumabagsak na mgapabigat na mayroong mgamekanismo ng pagpuslit (mgaescapement), na mga aparatong katulad ng mgapendulum upang mapahinto ang mabilis na pagbagsak ng pabigat. Ang modernong mga orasan ay madalas na may uringelektroniko.
Karl Drais, imbentor ng Laufmaschine ("makinang tumatakbo") o unangbisikleta.
Harry John Lawson, imbentor ng ligtas na biseklata (safety bicycle).
Nicolas-Joseph Cugnot, imbentor ng unangkotse (ang unang behikulong mekanikal na bumubunsod nang kusa at dahil sa sarili lamang nito), ang sasakyang ito ay kumikilos sa pamamagitan ngmakinang pinasisingawan.
Ang ilan sa mga bahagi ng artikulong ito ay hinango mula sa mga artikulong "Invention" ng Ingles na Wikipedia at ng "Invention" at "Inventor" ng Simple Wikipedia (wikipediang ginagamitan ng payak na wikang Ingles).