Natuklasan ito niHenry Cavendish noong 1766. Kabilang rin sa mga angking katangian nitong pagkakaroon ng atomikong bilang na 1, atomikong timbang na 1.00797, punto ng pagkatunaw na 259.14°C, punto ng pagkulong 252.5°C, densidad na = 0.08988 gramo sa bawat litro, atbalensiyang 1.[12]
Idrohino
Sa karaniwang temperatura atpresyon ito ay walang kulay, walang amoy, hindimetaliko, nagtataglay ng isang balensiyang elektron, at mabilis magdingas o magsiklab kung nasa porma ngdiyatomikong gas (may dalawahang atomo). Ito rin ang pinakamagaan at pinakamarami o pinakamalaganp na elementong likas sa buong mundo at maging sa buong sansinukob.[12] Matatagpuan ang idroheno satubig at sa lahat ng organikong kawi at maging sa lahat ng may bahay na may buhay. Ang idroheno din ay may kakayahan na magkaroon ng reaksiyon sa kimikal na pamamaraan sa napakaraming elemento. Maging ang mgabituin ay nagtataglay ng idroheno sa kanilangplasmang estado. Ang elemento ring ito ang ginagamit sa paggawa ngamonya — isa alternatibong panggatong at sa kasalukuyan ay mas mabisang pinanggagalingan ng mga selulang panggatong (mgafuel cell).
Nagagamit ang hidroheno sa paggawa ng sintetikongamonya atmetanol. Ginagamit din ito sa pagrerepina o pagdadalisay ngpetrolyo, sa hidrohenasyon ng mga materyal na organiko, at maging sa pagpapasindi ng mga sulong oksihidroheno. Sangkap din ito sa mga panggatong napangkuwitis.[12]
Hango ang salitang hidroheno mula saKastilang salita nahidrógeno na nagmula naman sa salitangLatin nahydrogenium na hango naman sa katagangGriyego nahydro: tubig atgenes: nabubuo.
↑Arblaster, John W. (2018).Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International.ISBN978-1-62708-155-9.