Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

iPod

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
iPod (ikalimang henerasyon) in Apple Universal Dock,iPod nano (ikalawang henerasyon) andiPod shuffle (ikalawang henerasyon)

AngiPod ay tatak ng mga nabibitbit na media player na ginawa at ipinagbibili ngApple. Inilunsad ito noong2001. Mga manunugtog ng tinig ang mga kagamitang sakop ng iPod, na idinisenyo sa palibot ng gulong na kliniklik sa gitna – bagaman mayroon ding mga butones ang iPod shuffle. NoongOktubre 2005, binubuo ang hanay ngpang-limang henerasyong iPod, na may kakayahang magpalabas ng video, ang mas maliit naiPod nano, ang ang walang displey naiPod shuffle. Nilalagay ng iPod ang media sa isanghard drive sa loob nito, samantalang ginagamit ng mas maliit na iPod nano at iPod shuffle angflash memory. Maaari ring magsilbingpanlabas na imbakan ng datos ang iPod. Idineklara ng Apple angiPhone noongEnero 2007, isang kagamitang nagsanib sa kakayahang magpalabas ng video sa iPod, kakayahan ng isangteleponong nabibitbit at mga kakayahang may kaugnayan sa Internet.

Ginagamit angiTunes sa paglilipat ng mga awit sa mga kagamitan. Iniipon ng iTunes ang buong librerya ng musika sa kompyuter ng manggagamit at maaaring magpatugtog ng mga awit mula sa CD. Nililipat din nito ang mga larawan, video, laro at kalendaryo sa mga modelong suportado ang mga ito. Tampok rin dito ang iTunes Store, na maaaring pagbilhan ng mga kanta at pelikula na nais mong ilagay sa iyong iPod.

Nilagay ng Apple ang kanilang pokus sa pagpapaunlad ng natatanginguser interface ng iPod at ng madaling paggamit nito. NoongOktubre2004, ito ang pinakamabiling hanay ng mga manunugtog ng awit at dahil sa maiinit na pagtangkilik ng mga iPod sa buong mundo, naging isa ito sa mga sikat na tatak ng konsumer. Ngunit, nagdulot sa kritisismo at mga kaso ang ilan sa mga piniling disenyo at mga aksiyon ng Apple.

Noong Lunes,Abril 9,2007, idineklara ng Apple na humigit-kumulang sa 100,000 mga iPod ang ipinagbili sa mundo. Naging pinakamabiling manunugtog ng musika ang iPod at isa sa mga pinakamatagumpay na elektronikong kagamitan sa kasaysayan.

Lingks panlabas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=IPod&oldid=1906713"
Mga kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp