AngInternational Business Machines Corporation (IBM) ay isang Amerikanong multinasyunal nateknolohiya at kumukunsultang kompanya na may punong himpilan sa Armonk,New York, na may higit sa 350,000 empleyado na nasisilbi sa mga kliyente sa 170bansa.
Inanunsyo ng IBM noong Oktubre 8, 2020 na ii-spin-off nila ang yunit na Managed Infrastructure Services ng dibisyong Global Technology Services sa isang bagong publikong kompanya, isang aksyon na inasahan na makukumpleto sa katapusan ng 2021.[5]
Bago ang pahayag ng paghahati, ang IBM ay nakagawa at nakabenta ng mgahardware ngkompyuter, middleware,software, at nagbigay ng serbisyong hosting at pagkonsulta sa mga larangang mula sa mga kompyuter na mainframe hanggangnanoteknolohiya. Pangunahin itong organisasyon nananaliksik, noong 2020, hawak nito ang tala para sa pinakamaramingpatente saEstados Unidos na nakalikha sa 27 sunod-sunod na taon.[6] Kabilang sa imbensyon ng IBM angfloppy disk, anghard disk drive, ang magnetic stripe card, ang relational database, angSQL programming language, ang UPC barcode, at dynamic random-access memory (DRAM). Naging napakitang-halimbawa ang IBM mainframe, sa pamamagitan nge System/360, bilang dominanteng plataporma sa pagkokompyut noong dekada 1960 at dekada 1970.
Ang IBM, na minsan tinutukoy bilang angBig Blue, ay isa sa mga 30 kompanyang kasama Dow Jones Industrial Average at isa sa mga pinakamalaking kompanya sa mundo, na may higit sa 352,600 empleyado noong 2019. Hindi bababa sa 70% ng mga empleyado ng IBM, kilala bilang "IBMers", ay nakabase sa labas ng Estados Unidos, na may malaking bilang saIndya.[7] Napangaralan ang mga empleyado ng IBM ng limangGantimpalang Nobel, anim na Gawad Turing, sampung Pambansang Medalya ng Teknolohiya (Estados Unidos) at limang Pambansang Medalya ng Agham (Estados Unidos).