AngHylobatidae /?ha?l?'be?t?di?/ ay isang pamilya ng mgabakulaw. Sa Ingles, tinatawag ang mga kasapi nito nagibbons. Sa kasaysayan, ang pamilyang ito ay naglaman ng isang henus ngunit nahahati na ngayon sa apat na henera. Ang mga gibbon ay nakatira sa mga tropikal at subtropikal na ulang kagubatan mula sa hilagang-silangang India hanggang Indonesia at mula hilaga hanggang katimugang Tsina gayundin sa mga kapuluan ngSumatra,Borneo, atJava. Ang mga gibbon ay tinatawag ringmga mas maliit na bakulaw dahil sa pagiging mas maliit nito mula sa mgadakilang bakulaw(mga chimpanzee, mga orangutan, mga gorilla, mgabonobo at mgatao). Ito ay nagpapakita ng mababangdimorpismong seksuwal at hindi gumagawa ng mga pugad. Ang mga gibbon ay nagpapakita rin ng pagbibigkis ng magkapares hindi tulad ng karamihan ng mgadakilang bakulaw. Ang mga ito ay mga bihasa rin sa kanilang pangunahing paraan ng lokomosyon nabrachiation, na nagduduyan sa mga sanga sa mga distansiyang hanggang 15 m (50 tal) at sa bilis hanggang sa 55 km/h (34 mph). Sila ay nakakatalon rin hanggang sa 8 m (26 tal) at naglalakad gamit ang kanilang dalawang hita(bipedal) na may mga braso ay nakataas para sa balanse. Sila ang pinakamabilis at pinakamaliksi sa lahat ng mga nakatira sa punong hindi lumilipad na mgamammal. Ang mga species ng gibbon ay kinabibilangan ngsiamang,lar gibbon, athoolock gibbon.
This list is generated from data inWikidata and is periodically updated byListeriabot.
Edits made within the list area will be removed on the next update!
End of auto-generated list.