Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Hydrogen bond

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Anghydrogen bond (salitangIngles, literal saTagalog: pagkakabit ng hidroheno) ay isang elektrostatikang atraksyon sa pagitan ng mga polar namolekula na nagaganap kapag angatomonghidrohenong nakakabit sa isang atomong lubhang elektronegatibo, tulad ngnitroheno (N),oksiheno (O), o pluorina (F) ay nakakaranas ng atraksyon sa iba pang kalapit na atomong elektronegatibo.

Itong mga atraksyon ng bigkis ng hidroheno ay maaaring maganap sa pagitan ng mga molekula (intermolecular), o sa loob ng iba't ibang parte ng nag-iisang molekula (intramolecular). Ang isang bigkis ng hidroheno (5 hanggang 30 kJ/mole) ay mas matibay kaysa sa puwersangvan der Waals, ngunit mas mahina kaysa sa mga bigkis na kobalente o ioniko. Ang uri ng bigkis na ito ay maaaring maganap sa mga inorganiko na molekula tulad ng tubig, at sa mga inorganikong molekula tulad ngDNA at protina.

Angintermolecular na pagkabigkis ng hidroheno ang sanhi nang mataas na boiling point ng tubig (100degC) kumpara sa ibang mgahydride na nasa ika-16 na pangkat na walang bigkis ng hidroheno. Angintramolecular na pagkabigkis ng hidroheno ay isa sa mga bahagyang responsable sa mga sekundaryo at tersiyaryong estruktura ng protina at mganucleic acid. Mayroon rin itong importanteng papel na ginagampanan sa estruktura ng mga polimer, sintetiko man o likas.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Hydrogen_bond&oldid=1493595"
Kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp