AngHunyo ay ang ikaanim na buwan ng taon sa mgakalendaryong Huliyano atGregoryano. May haba ito na 30 araw. Nasa Hunyo ang soltisyo ng tag-init saEmisperyong Hilaga, ang araw na may pinakamaraming oras na sumisikat angaraw, at ang soltisyo ngtagniyebe saEmisperyong Katimugan, ang araw na may pinakakaunting oras na sumisikat ang araw (maliban sa mga rehiyong polar sa parehong kaso). Ang Mayo sa Emisperyong Katimugan ay ang katumbas na panahon ngDisyembre sa Emisperyong Hilaga at ang kabaligtaran nito. Sa Emisperyong Katimugan, nag-umpisa ang tagniyebengmeteorolohikal sa Hunyo.[1]
(Umaapoy na Hunyo)Flaming June (1895) niLord Leighton
Ang pangalangLatin ng Hunyo ayJunius. Nag-aalok siOvidio ng maramingetimolohiya ng pangalan saFasti, isangtula tungkol sa kalendaryong Romano. Ang unang etimolohiya ng Hunyo ay ipinangalan sa diyosang si Huno, ang diyosa ngkasal at ang asawa ng kataasan-taasang diyos na siHupiter; ang ikalawang etimolohiya ay nagmula sa salitang Latin naiuniores, na nangangahulugang "mga nakakabata", salungat samaiores ("mga nakakatanda") kung saan ipinangalan ang nakaraang buwan naMayo(Maius).[2] May isa pang sanggunian ang sinasabing ipinangalan ang Hunyo kay Lucius Junius Brutus, tagapagtatag ng Republikang Romano at ninuno ng Romanonggens Junia.[3]
Noongsinaunang Roma, tinuturing ang panahon mula kalagitnaan ng Mayo hanggang kalagitnaan ng Hunyo na hindi katanggap-tanggap para sa pagpapakasal. Sinabi ni Ovidio na kinunsulta niya si Flaminica Dialis, ang mataas na saserdotisa ni Hupiter, tungkol sa pagtatakda ng petsa sa kasal ng kanyang anak na babae, at pinayuhan na maghintay hanggang pagkatapos ng Hunyo 15.[4] bagaman, ipinahiwatig niPlutarko, na ang buong buwan ng Hunyo ang mas kanais-nais para sa mga kasal kaysa Mayo.[5]
Mga hibla ngperlasBahagyang tapyas ng alehandritaBinabaligtad-baligtad na piedad de lunaGaujard naRosasGrandilya
Ang mgabirthstone o batong-kapanganakan ng Hunyo ayperlas, alehandrita at pieded de luna.Rosas at granidilya ang mga bulaklak-kapanganakan ng Hunyo. Ang mga senyas ngsodyak ng Hunyo ayGemini atCancer (mula Hunyo 21 pataas). Ang parehong petsa ito ay para sa Estados Unidos (Eastern Daylight Time o Oras ng Liwanag ng Araw sa Silangan). Para sa UT/GMT na petsang pang-mundo, ang mga petsa ay 19–20.[6][7]