AngHomo ergaster na kilala rin bilang"AprikanongHomo erectus"[1]) ay isang ekstintongchronospecies ng henus naHomo na namuhay sa silanganin at katimugang Aprikano noong panahong maagangPleistocene sa pagitan ng 1.8 milyon at 1.3 milyong taong nakakalipas.[1]
Itinuturing ng ilang mga paleoantroplogo angH. ergaster na simpleng uring Aprikano ngHomo erectus. Ito ay humahantong sa paggamit ng terminong "Homo erectussensu stricto" para sa AsyanongHomo erectus, at "Homo erectussensu lato" para sa mas malaking species na bumubuo ng parehong maagang mga populasyong Aprikano (Homo ergaster) at mga populasyong Asyano.[3][4] Iminungkahi ng ilang siyentipiko na ang Homo ergaster ang direktang ninunong Aprikano ng Homo erectus na nagmumungkahing ang Homo ergaster ay lumisan sa Aprika at lumipat sa Asya na nagsanga sa isang natatanging species.[5]
AngH. ergaster ay pinaniniwalaangnag-ebolb mula sa ninuno nitongHomo habilis sa pagitan ng 1.9 at 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang angkan ng H. ergaster na lumisan sa Aprika at tumungo sa Asya ay humiwalay sa linyang ergaster at naging mgaHomo erectus. Ang parehongHomo antecessor atHomo heidelbergensis ay pinaniniwalaang nag-ebolb mula sa H. ergaster. AngH. ergaster aynanatiling matatag sa loob ng ca. 500,000 sa Aprika bago naglaho sa fossil record noong mga 1.4 milyong taong nakakalipas.
Ang Homo ergaster ay gumamit ng mas iba iba at mga sopistikadongkasangkapang bato kesa sa ninuno nitongHomo habilis. Nilinang nito ang namanangOldowan at pinaunlad ang unang mga palakol naAcheulean[6] Bagaman ang paggamit ng mga kasangkapang Acheulean ay nagsimula noong ca. 1.6 milyong taong nakakalipas, ang linyang H. erectus ay humiwalay noong mga 200,000 taong nakakalipas bago ang pangkalahatang pagpapakilala ng teknolohiyang Acheulean at kaya ang mga inapong Asyano ng H. ergaster ay hindi gumamit ng teknolohiyang Acheulean.
Angdipormismong seksuwal saH. ergaster ay malaking nabawasan mula sa mga ninuno nitongaustralopithecine (mga 20%[7]) ngunit mas malaki pa rin kesa sa dimorpismo sa mga modernong tao. Ang nabawasang dimorpismong ito ay pinagpapalagay na tanda ng nabawasang kompetisyon para sa mga makakatalik sa pagitan ng mga lalake nito.[8]
Ang mga mga H.ergaster ay katulad ng mga modernong tao sa organisasyon at pakikisalamuha kesa sa anumang mas naunang mga species. Pinaniwalaang ang H.ergaster ang unang hominin na kumontrol sa apoy o nakakalikha ng apoy ngunit pinagtatalunan pa rin ito ng mga siyentipiko. Ngayong pinaniniwalanag angHomo erectus ang nakakontrol ng apoy[9] gayundin ang ibang mga hominin na nagsasalo ng karaniwang ninuo sa H.ergaster.
Ayon saBBC series naWalking With Cavemen, angHomo ergaster ang malamang na unang hominid na gumamit ng "makikilalang isang tinig ng tao" bagaman ang kognisyong simboliko ay malamang na limitado kumpara sa mga modernong tao. Pinaniniwalaang ang H.ergaster ay nalilimitahan sa kakayahang pisikal nito sa pagreregula ng paghinga at paglikha ng mga masalimuot na tunog. Ito ay batay sacervical vertebrae ngTurkana boy na higit na mas makitid kesa sa mga kalaunang tao. Ang mga natuklasang cervical vertebrae saDmanisi,Georgia noong mga mas maagang 300,000 taon kesa sa Turkana boy ay nasa loob ng normal na saklaw ng tao.[10]
↑1.01.1Hazarika, Manji (16–30 June 2007). "Homo erectus/ergaster and Out of Africa: Recent Developments in Paleoanthropology and Prehistoric Archaeology".
↑G. Philip Rightmire (1998). "Human Evolution in the Middle Pleistocene: The Role ofHomo heidelbergensis".Evolutionary Anthropology.
↑Antón, S. C. (2003), Natural history of Homo erectus. Am. J. Phys. Anthropol., 122: 126–170.doi:10.1002/ajpa.10399 "By the 1980s, the growing numbers of H. erectus specimens, particularly in Africa, led to the realization that Asian H. erectus (H. erectus sensu stricto), once thought so primitive, was in fact more derived than its African counterparts. These morphological differences were interpreted by some as evidence that more than one species might be included in H. erectus sensu lato (e.g., Stringer, 1984; Andrews, 1984; Tattersall, 1986; Wood, 1984, 1991a, b; Schwartz and Tattersall, 2000)." ... "Unlike the European lineage, in my opinion, the taxonomic issues surrounding Asian vs. African H. erectus are more intractable. The issue was most pointedly addressed with the naming of H. ergaster on the basis of the type mandible KNM-ER 992, but also including the partial skeleton and isolated teeth of KNM-ER 803 among other Koobi Fora remains (Groves and Mazak, 1975). Recently, this specific name was applied to most early African and Georgian H. erectus in recognition of the less-derived nature of these remains vis à vis conditions in Asian H. erectus (see Wood, 1991a, p. 268; Gabunia et al., 2000a). It should be noted, however, that at least portions of the paratype of H. ergaster (e.g., KNM-ER 1805) are not included in most current conceptions of that taxon. The H. ergaster question remains famously unresolved (e.g., Stringer, 1984; Tattersall, 1986; Wood, 1991a, 1994; Rightmire, 1998b; Gabunia et al., 2000a; Schwartz and Tattersall, 2000), in no small part because the original diagnosis provided no comparison with the Asian fossil record."
↑Suwa, Gen, Yohannes Haile-Selassie, Tim White, Shigehiro Katoh, Giday Woldegabriel, William K. Hart, Hideo Nakaya, Yonas Beyene. 2007.Early Pleistocene Homo erectus fossils from Konso, southern Ethiopia.Anthropological Science Vol. 115 No. 2 p 133-151doi:10.1537/ase.061203 joi:JST.JSTAGE/ase/061203
↑McHenry, Henry M. (1994). "Behavioral ecological implications of early hominid body size". Academic Press Limited.
↑Gray, Peter B. (2010). "The Evolution and Endocrinology of Human Behavior: a Focus on Sex Differences and Reproduction". Cambridge, UK: Cambridge University Press. pp. 277–292.ISBN978-0-521-70510-3.