AngHominini ang tribo ngHomininae na bumubuo sa henus naHomo at ibang mga kasapi ng kladong tao pagkatapos ng paghihiwalay mul asa tribongPanini (mga chimpanzee).[1][2] Ang mga kasapi nito ay tinatawag na mgahominin (Padron:Dabbr Hominidae, "mga hominid"). Ang subtribongHominina ang sangay ng tao na kinabibilangan ng henus naHomo. Iminungkahi ng mga mananaliksik ang taxon na Hominini batay sa ideya na pinakakaunting katulad na species ngtrikotomiya ay dapat ihiwalay mula sa dalawang iba pa. Ang ilang mas maagang mga skema ng klasipikasyon ay kinabibilangan ng henus naPan (chimpanzee) sa loob ng Hominini ngunit ang klasipikasyong ito ay bihira ngayong sinusunod. AngSahelanthropus tchadensis ay isang ekstintong espesye nghominidae na nabuhay noong mga 7 milyong taong nakakalipas na napakalapit sa panahon ng paghihiwalay ng chimpanzee/tao. Hindi maliwanag kundi ito ay maituturing na kasapi ng tribong Hominini.
Sa pamamagitan ng paghahambing ngDNA, naniniwala ang mga siyentipiko na ang paghihiwalayPan /Homo ay nangyari sa pagitan ng 5.4 at 6.3 milyong taong nakakalipas pagkatapos ng isang hindi karaniwang proseso ngspeciation na sumaklaw sa loob ng 4 milyong taon.[3]
Sa mungkahi nina Mann at Weiss (1996),[4] ang tribong Hominini ay kinabibilangan ng Pan gayundin ng Homo ngunit magkahiwalay na mga tribo. Ang Homo ay nasa subtribongHominina samantalang ang Pan ay nasa subtribong Panina. Tinalakay ni Wood (2010) ang iba't ibang mga pananaw ng taksonomiyang ito.[5]