SiHomer oHomero (Griyego ΌμηροςHómēros) ay isang mala-alamat na unangGriyegongmanunula atrapsodista, na binigyan ng kredito, ayon sa tradisyon, sa pagkakalikha ngIliad atOdyssey (dalawang dakilang epikong Griyegong tumatalakay sa paglusob sa lungsod ng Troy at sa mga naganap pagkaraan), bagaman maaaring dalawang magkaibang mga tao ang sumulat ng mga ito.[1] Karaniwang sinasabing nabuhay si Homer noong ika-8 siglo BK. Isa siyang bulag na mang-aawit, manunula, at manunulat na nagbuhat saChios, isang pulo sa Gresya.[1]
Kaunti lamang ang nalalaman tungkol kay Homer. Wala ring katiyakan kung totoo nga ba siya o hindi. Subalit pinaniniwalaang isa siyang naglalakbay na tagapagsalaysay ng mga kuwentong tumutugtog ngkudyapi habang naglalahad.[1]
Nagtanong si EmperadorHadrian sa propesiya saDelphi kung sino talaga si Homer, at sinabi ngPythia na siya ay isang Ithacano, na anak ni Epikaste atTelemachus, mula saOdyssey.[2] Subalit kahit na iisa lang ang may-akda na responsable sa dalawang pangunahing epiko na sinabing akda niya, wala masyadong alam tungkol sa kanya.[1] Walang matibay na katibayan na siya ay tunay na nabuhay. Mayroon tayong mga tradisyon na pinanghahawakan na siya ay isangbulag (marahil dahil sa diyalektong Aeolian naCyme,homēros na nakuha ang kahulugan nito)[3] at siya ay ipinanganak sa pulo ngChios o saanman saIonia, kung saan maraming mga lungsod ang nagsasabing siya ay katutubong anak nito. Ayon kayDiodorus Siculus, nadalaw na ni Homer angHeliopolis ngEhipto.[4] Ang pagsasalarawan ni Homer bilang isang bulag na manunula ay maaaring nakuha sa isang pag-babanggit sa sarili nito sa isang bahagi ngOdyssey kung saan ay sa isang lumubog na barko nakikinig si Odysseus sa kuwento ng isang makatang nagngangalangDemodocus sa korte ng Haring Phaecian.[5]
Paulit-ulit na pinagtalunan at tinanong kung iisa nga lang ba ang manunula na responsable sa parehongIliad atOdyssey. Samantalang marami ang nagsasabi na hindi naisulat angOdyssey ng isang tao lamang, ang iba naman ay nagsasabi na ang epiko sa kabuuan ay may magkatulad na istilo, at labis ang pagkakahawig para suportahan ang teorya ng maraming pagkaka-akda nito. Isa pang masusing pagtingin ay ang Iliad ay nagawa ni 'Homer' sa kanyang tamang edad, at ang Odyssey naman ay nagawa niya nang siya ay matanda na. AngBatrachomyomachia,Himnong Homerico, at ang epikong sikliko ay pangkalahatang sinasang-ayunan na mas nahuli kaysa saIlliad at ngOdyssey.
Bago sumapit ang panahon ni Homer, mga kuwentong nagpasalin-salin lamang angIliad atOdyssey mula sa mga bibig ng iba't ibang mga tao. Isinulat at isinatitik o inilatag sa sulatan ni Homer ang mga "kuwentong-bibig" na ito, sa unang pagkakataon, noong mga 600 BK.[1]
Maraming mga dalubhasa ang sumasang-ayon na angIliad atOdyssey ay sumailalim sa proseso ng pamamamantayan at pagsasadalisay mula sa lumang mga kagamitan noong simula ng ika-8 dantaon BCE. At ang mahalagang papel sa pagpamamantayan nito ay lumalabas na ginampanan ng namumunong AthenoHipparchus, na nagbago sa pagsasaresitasyon ng mga tulang Homerico saPistang Panatenaiko. Maraming klasisista ang nagsasabing ang repormang ito ay maaaring kinapalooban ng pagbuo ngkathang pamantayan sa mga isinusulat.
↑1.01.11.21.31.4Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Was the Author of The Iliadand The Odyssey?".Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York,ISBN0671604767., pahina 72.
↑H.W.Parke,Greek Oracles, 1967 pp.136-7 na tumutukoy saCertamen,12