AngHilagang Masedonya (Masedonyo:Северна Македонија,tr.Severna Makedonija;Albanes:Maqedonia e Veriut), opisyal naRepublika ng Hilagang Masedonya, ay bansang walang pampang saTimog-Silangang Europa. Matatagpuan saBalkanikong Tangway, pinapaligiran ito ngSerbiya sa hilaga,Albanya sa kanluran,Kosovo sa hilagang-kanluran,Bulgarya sa silangan, atGresya sa timog. Sumasaklaw ito ng lawak na 25,436 km2 at tinatahanan ng mahigit 1.8 milyong mamamayan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito aySkopje.