AngHeorhiya (Heorhiyano:საქართველო,tr.Sakartvelo) ay bansang transkontinental sa interseksyon ngSilangang Europa atKanlurang Asya. Bahagi ng rehiyongKaukasya, pinapaligiran ito ngDagat Itim sa kanluran,Rusya sa hilaga at hilagang-silangan,Turkiya sa timog-kanluran,Armenya sa timog, atAserbayan sa timog-silangan. Sumasaklaw ang bansa ng lawak na 69,700 km2 at mayroong populasyon na umaabot sa 3.7 milyon. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ayTiflis.
Ang Heyorhiya ay kasalukuyang nakikipag-ugnay saRusya para sa kapayapaan dahil sa pag-atake ng Rusya kamakailan lamang. Tumigil na ang "maliit na digmaan" at kasalukuyang nagaayos ang dalawang bansa sa pinsalang nagawa ng bakbakan.