Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Henoponte

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

SiHenoponte ng Atenas (/ˈzɛnəfən,_ziʔ,_ʔfɒn/;Sinaunang Griyego:Ξενοφῶν[ksenopʰɔ̂ːn];c.430[1] – marahil 355 o 354 BC[2]) ay isang Griyegong pinuno ng militar,pilosopo, at mananalaysay, na ipinanganak saAtenas. Sa gulang ng 30, nahalal si Henopante bilang kumander ng isa sa pinakamalaking hukbong mersenaryo ngImperyong Akemenida, ang Sampung Libo, na nagmartsa at halos nakalapit sa pagkuha ngBabilonia noong 401 BC. Sa sinulat ng mananalaysay ng militar na si Theodore Ayrault Dodge, "ang mga siglo simula noon ay walang nagawa na malagpasan ang kahenyohan ng mandirigmang ito".[3] Naitatag ni Henoponte ang mga alinsunuran para sa mga operasyong lohistikal, at isa sa mga unang isalarawan ang mgaestratehikong maniobrang pag-aagapay at panlalansi sa labanan.

Sinasalaysay saAnabasis ni Henopante ang kanyang pakikipagsapalaran kasama ang Sampung Libo habang nasa serbisyo ni Siro ang Mas Bata, ang pagkabigo ni Siro sa kampanya na makuha ang tronong Persa mula kayArtaherhes II ng Persa, at ang pagbabalik ng mga mersenaryong Griyego pagkatapos ng pagkamatay ni Siro sa Labanan ng Kunaksa. AngAnabasis ay isang kakaiba personal, mapagkumbaba, at sariling-mapanimdim na pag-aalala ng karanasan ng isang pinuno ng militar sa sinaunang panahon. Sa paksa ng mga kampanya sa Asya Mior at saBabilonia, sinulat ni Henoponte angSiropedia na pagbabalangkas ng parehong militar at pampolitikang mga kaparaanan na ginamit niSiro ang Dakila upang sakupin angImperyong Neobabiloniko noong 539 BC. Pinukaw ngAnabasis atSiropedia siAlehandro ang Dakila at ibang mga Griyego na sakupin angBabilonia atImperyong Akemenida noong 331 BC.[4]

Kinikilala si Henoponte bilang isa sa pinakamamagaling ng mga manunulat ng sinaunang panahon.[5] Ang mga gawa ni Henoponte ay nasa iba't ibang uri at sinulat sa karaniwang wikang Griyegong Atiko, kung kaya ginagamit ito kadalasan sa mgapagsasanay ngpagsasalin ng mga wikangSinaunang Griyego. SaMga Buhay at Mga Opinyon ng Mga Tanyag na Pilosopo (Griyego:Βίοι καὶ γνῶμαι τῶν ἐν φιλοσοφίᾳ εὐδοκιμησάντων;Latin:Vitae Philosophorum), minasid ni Diogenes Laercio na kilala si Henoponte bilang ang "Musang Atiko" dahil ng kanyang kalambingan ng kanyang pananalita.[6]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Strassler et al.,xviiNaka-arkibo 2022-04-20 saWayback Machine. (sa Ingles)
  2. Lu, Houliang (2014).Xenophon's Theory of Moral Education (sa Ingles). Cambridge Scholars Publishing. p. 155.ISBN 978-1443871396.In the case of Xenophon's date of death most modern scholars agree that Xenophon died in his seventies in 355 or 354 B.C.
  3. Theodore Ayrault Dodge,Alexander: A History of the Origin and Growth of the Art of War from Earliest Times to the Battle of Ipsus, B.C. 301, Vol. 1, Houghton Mifflin, 1890,p. 105 (sa Ingles).
  4. Nadon, Christopher (2001),Xenophon's Prince: Republic and Empire in the Cyropaedia (sa Ingles), Berkeley: UC Press,ISBN 0520224043
  5. Gray, Vivienne J., pat. (2010).Xenophon (Oxford Readings in Classical Studies) (sa Ingles). Xenophon's works and controversies about how to read them: Oxford University Press.ISBN 978-0199216185.
  6. Diogenes Laërtius.Lives and Opinions of Eminent Philosophers (sa Ingles). Book II, part 6.
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Henoponte&oldid=2085905"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp