AngHarmonyOS (HMOS ) (Tsino:鸿蒙;pinyin:Hóngméng) ay isangibinahaging sistemang tumatakbo na binuo ngHuawei para sa mgasmartphone, tablet, smart TV,smartwatch, personal computer at iba pang smart device. Mayroon itong disenyong multikernel na may dalawahang balangkas: pinipili ng operating system ang mga angkop na kernel mula sa layer ng abstraksyon sa kaso ng mga device na gumagamit ng magkakaibang mapagkukunan.[4][5][6]
Ang HarmonyOS ay opisyal na inilunsad ng Huawei at unang ginamit sa Honor smart TV noong Agosto 2019[7][8]. Ito ay ginamit kalaunan sa mga Huaweiwireless router, ang IoT noong 2020, na sinundan ng mgasmartphone, tablet at mgasmartwatch mula Hunyo 2021.[9]
Ang ibinahaging sistemang tumatakbo (operating system) ay unang batay sa code mula saAndroid Open Source Project (AOSP) at sa Linux kernel; maraming Android app ang maaaring i-sideload sa HarmonyOS.[10]
Ang susunod na huling pagsasagawa ng HarmonyOS na kilala bilang HarmonyOS NEXT ay inihayag noong Agosto 4, 2023. Pinapalitan nito ang sistemang OpenHarmony multikernel ng sarili nitong HarmonyOS microkernel sa core nito, inaalis ang lahat ng pang-kodigong Android at sinusuportahan lamang ang mga app sa native na format ng App nito.[11][12] Ito ay kasalukuyang nasa beta testing at inaasahang ilulunsad sa ikaapat na kuwarter ng 2024.[13]