Nakaturo ang "Japan" dito. Para sa para sa ibang gamit ng Japan, tingnan angJapan (paglilinaw).
Tungkol sa bansang Hapon ang artikulo na ito. Para sa oras sa pagitan ng tanghali at gabi, tingnan angHapon (panahon). Para sa ibang mga gamit, tingnan angHapon (paglilinaw).
Ang Hapon ay binubuo ng 14,125 mga pulo. Karamihan sa mga pulo dito ay mabundok, at ang iba ay may mga bulkan, kabilang na ang pinakamataas na bahagi ng bansa, angBundok Fuji. Ang Hapon ay pang-sampu sa may pinakamalaking populasyon, na may 128 milyong katao. Ang Kalakhang Tokyo, kasama ang Tokyo at ang iba pang nakapalibot na prepektura, ay ang pinakamalaking metropolitanong lugar, na tinitirahan ng 30 milyong katao.
May mga pagsasaliksik na nagsasabi na may mga taong nanirahan na sa mga kapuluan ng Hapon noong panahon pa ng paleolitiko. Ang bansang Hapon ay ang ikatlong pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo noong 2012 (ayon sa nominal GDP), at ang ikaanim sa pinakamalaking naaangkat at tagapag-angkat. Ito ay kasapi ngmga Nagkakaisang Bansa,G8, at ngAPEC.
Isinusulat sawikang Hapones ang pangalan para sa Hapon gamit angkanji na日本 at binibigkas naNippon oNihon. Nangangahulugan ang simbolong日 (nichi) na "araw" at本 (hon) na "base" o "pinagmulan"; kapag pinagsama, maisasalin ito na "pinagmulan ng araw". Galing ang nomenklaturang ito sa pagsusulatan saDinastiyang Sui, dahil sa perspektibo ng mga Tsino ay sumisikat ang araw mula sa Hapon. Dito galing ang tanyag na Kanluraning epiteto na "Lupain ng Sumisikat na Araw".[1]:143–144
Bago opisyal na ginamit angNihon, nakilala ang Hapon sa Tsina bilangWa (倭) oWakoku (倭国), at sa lokal na lugar sa endonimongYamato. Pangalan ang Wa na ginamit noong maagang bahagi sa Tsina upang tumukoy sa pangkat-etnikong Yayoi na naninirahan sa Hapon noong panahon ngTatlong Kaharian. Pangunahing nanirahan sila sa islangKyushu hanggang sa rehiyongKantō saHonshu. Kinaugaliang isinulat ng mga eskribang Tsino, Koreano, at Hapones ang Hapon bilangWa oYamato na may Tsinong karakter na 倭 hanggang sa ika-8 siglo, nang makita ng mga Hapones ang pagkakamali dahil sa lapastangang konotasyon nito, at pinalitan ng 和 o "armonya, kapayapaan, balanse".
Sasakyang pandagat ng mgaJomon (3000 hanggang 2000 BC)
Ang isang kulturangPaleolitiko noong mga 30,000 BCE ang bumubuo ng unang alam na pagtira ng tao sa kapuluang Hapones. Ito ay sinundan noong mga 14,000 BCE na pasimula ng panahongJōmon ng isang kulturangMesolitiko hanggangNeolitiko na semi-sedentaryong mangangaso-tagpagtipon na kultura na kinabibilangan ng mga ninuno ng parehong mga kontemporaryongtaong Ainu attaong Yamato na inilalarawan ng mga tirahang hukay at isang rudimentaryong agrikultura. Ang mga pinalamutiang putik na tapayan ang ilan sa mga pinakamatandang umiiral na halimbawa ng palayukan sa mundo. Noong mga 300 BCE, ang isang uri ng mga bagong tao na mgaYayoi na marahil ay galing sa kontinenteng Asya ay nagsimulang pumasok sa kapuluang Hapon. Sila ang nagmarka ng mga bagong kasanayan tulad ng pagtatanim ngbigas, mga sinaunang uri ngpananahi, pagpapaamo sa mgakabayo atbaka, at paggamit ng mgabakal attanso bilang kagamitan. Ang kanilang kultura ay humalo sa unang kultura ng Jomon. Ang Hapon ay unang lumitaw sa isinulat na kasaysayan sa isang Aklat na Tsino naAklat ng Han. Ayon saTalaan ng Tatlong Kaharian, ang pinakamakapangyarihang kaharian sa kapulugang Hapones ay noong ikatlong siglo na tinatawagYamataikoku. Ang pinakaunang naisulat na kasaysayan patungkol sa Hapon angKojiki atNihon shoki na nagsasalaysay ngmito ng paglikhang Hapones hinggil sa pinagmulan ng langit at mundo gayundinsa pinagmulan ng kapuluang Hapon, kung paano nabuo ang pundasyon ng estado at ang unang emperador ng Hapon na siEmperador Jimmu noong 660 BCE. Si Emperador Jimmu ay apo sa tuhod niNinigi-no-Mikoto na bumabang mula sa langit na apo naman ng Diyosa ng araw na siAmaterasu. Sa mga Hapones, ang kanilang mga Diyos ay mababait, matatalino at marangal. Angpanahong Nara (710–794 CE) ay nagmarka ng pag-ahon ng isang malakas na estadong Hapones na nakasentro sa isang korteng imperyal sa Heijō-kyō (modernongNara). Ito ay inilalarawan ng paglitaw ng umaahong panitikan gayundin ang pag-unlad ng mga sining at arkitekturang Budista. Noong 784, nilipat niEmperador Kammu ang kabisera mula Nara tungo saNagaoka-kyō bago muling ilipat saHeian-kyō (modernongKyoto) noong 794. ito ang pasimula ngpanahong Heian (794–1185 CE) kung saan ang isang natatanging katutubong kulturang Hapones ay lumitaw na kilala sa sining, tula at prosa. AngAng Kuwento ni Genji at titik ng pambansang awitin ng Hapon naKimi ga Yo ay isinulat. AngBudismo ay kumalat sa panahong Heian na pangunahing sa pamamagitan ng dalawang mga sektangTendai niSaichō atShingon niKūkai. AngBudismong Dalisay na Lupain (Jōdo-shū, Jōdo Shinshū) ay sumikat sa huling kalahati ng ika-11 siglo. AngPanahong Yamato, mula sa ika-6 siglo hanggang ika-9 siglo, ay nakitaan ng pagbuo ng isang dominanteng politika na nakasentro sa kapatagang Yamato sa katimugang bahagi ng pangunahing pulo ng Hapon ng Honshu. Sinasabi nila na ang kanilang mga ninuno ay ang mga diyos ng araw at natamo ang kaisahang pampolitika,mga nasa kalagitnaan ng ika-apat na siglo. Pinag-igi naman ang reporma ngTaika ng 645, kung saan ang lahat ng lupain ay kinukuha ng hari at ang pagsisimula ng mas pinagbuting pagbubuwis. Ang panahong ito ay nakitaan din ng unang paggamit sa salitangNihon (日本) bilang pangalan ng pabuo ng estado.
Ang panahongpyudal ng Hapon ay inilalarawan ng paglitaw at pananaig ng klase ng mga mandirigma nasamurai. Noong 1185 kasunod ng pagkatalo ng lipingTaira sadigmaang Genpei noong, ang samurai na siMinamoto no Yoritomo ay hinirang nashogun at nagtatag ng base ng kapangyarihan saKamakura. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang lipingHōjō ay umakyat sa kapangyarihan bilang mga regent ng mga shogun. AngBudismong Zen ay ipinakilala mula sa Tsina sa panahong Kamakura at sumikat sa klaseng samurai. Pinaurong ng shogunatong Kamakura ang mga pananakop ngMongol noong 1274 at 1281 ngunit kalaunang pinabagsak niEmperador Go-Daigo. Si Go-Daigo ay natalo niAshikaga Takauji noong 1336. Itinatag ni Ashikaga Takauji ang shogunato sa Muromachi, Kyoto na nagpasimula napanahong Muromachi (1336–1573). Ang shogunatong Ashikaga ay nagkamit ng kaluwalhatian sa panahon niAshikaga Yoshimitsu at ang kulturang batay saBudismong Zen ay umunlad. Sa kabilang dako, ang humaliling shogunatong Ashikaga ay nabigong kumontrol sa mga pyudal na daimyo o panginoon ng digmaan at ang isangdigmaang sibil naDigmaang Ōnin na nagbubukas ng tumagal ng isang daan taong panahongSengoku. Noong ika-16 siglo, ang mga mangangalakal at misyonaryong Heswita mula sa Portugal ay dumating sa Hapon sa unang pagkakataon na nagpasimula ng isang tuwirang palitang pang-kalakalan at pang-kultura sa pagitan ng Hapon at Kanluran. Sinakop niOda Nobunaga ang maraming ibang mga daimyo gamit ang mga baril at teknolohiyang Europeo. Pagkatapos niyang paslangin noong 1582, pinag-isa ng kanyang kahaliling siToyotomi Hideyoshi ang bansang Hapon noong 1590. Dalawang beses na sinakop ni Hideyoshi ang Korea ngunit pagkatapos ng mga pagkatalo sa mga pwersang Korean at Tsinong Ming gayundin pagkatapos ng kamatayan ni Hideyoshi, ang mga hukbong Hapones ay umatras noong 1598. Ang panahong ito ay tinatawag na panahong Azuchi-Momoyama (1573–1603). SiTokugawa Ieyasu ang regent para sa anak ni Hideyoshi at ginamit ang kanyang posisyon upang magkamit ng suportang militar at pampolitika. Si Ieyasu ay hinirang na shogun noong 1603 at itinatag angshogunatong Tokugawa saEdo sa modernongTokyo. Ang shogunatong ito ay nagpatupad ng mga hakbang kabilang ang buke shohatto na isang kodigo ng pag-aasal upang kontrolin ang autonomosong daimyo. Noong 1639 ay ipinatpuad ang patakarang pakikipaghiwalay na sakoku o saradong bansa na tumagal ng 250 taon ng pagkakaisang pampolitika na kilala bilangpanahong Edo (1603–1868). Ang pag-aaral ng mga agham na Kanluranin na kilala bilangrangaku ay nagpatuloy sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Dutch enclave sa Dejima sa Nagasaki. Ang panahong ito ay nagpalitaw rin ngkokugaku o mga pambansang pag-aaral na pag-aaral ng Hapon ng mga Hapones.
Noong 31 Marso 1854, pwersahang binuksan niCommodore Matthew Perry at ng "Black Ships" ng Hukbong Pandagat ng Estados Unidos ang Hapon sa panlabas na daigdig saKumbensiyon ng Kanagawa. Ang mga kalaunang kasunduan sa mgabansang Kanluranin sa panahongBakumatsu ay nagdulot ng mga krisis ekonomiko at pampolitika. Ang pagbibitiw ngshogun ay humantong sa pagtatatag ng isang sentralisdong estado na pinagkakaisa ng Emperador o restorasyong Meiji. Sa pag-ampon ng Hapon ng mga institusyong pampolitika, hudisyal at militar ngKanluranin, angGabinete ng Hapon ay pinangasiwaan ng Konsehong Privy na ipinakilala ngSaligang Batas na Meiji at nagtipon ngImperyal na Diet. Ang pagpapanumbalik na Meiji ay nagpabago sa Imperyo ng Hapon tungo sa isang industriyalisadong pandaigdigang kapangyarihan na nagpursigi ng mga alitang militar upang palawakin ang impluwensiya nito. Pagkatapos ngUnang Digmaang Sino-Hapones (1894–1895) atDigmaang Ruso-Hapones (1904–1905), nakontrol ng Hapon ang Taiwan, Korea at katimugang kalahati ngSakhalin. Ang maagang ika-20 siglo ay nakakita ng maikling panahon ng demokrasyang Taishō na napanaigan ng papalaking pagpapalawig at militarisasyon ng Hapon. AngUnang Digmaang Pandaigdig ay pumayag sa Hapon sa panig ng mga nagwaging Alyado na palawakin ang teritoryo nito. Ito ay nagpatuloy sa pananakop ngManchuria noong 1931. Dahil sa pagkundena ng ibang bansa sa pananakop ng Hapon, ang Hapon ay nagbitiw saLiga ng mga Bansa pagkatapos ng dalawang taon. Noong 1936, ang Hapon ay lumagda sa Kasunduang Anti-Comintern saAlemanyangNazi. AngKasunduang Tripartite noong 1940 ay gumawa sa Hapon na isa saKapangyarihang Aksis. Noong 1941, ang Hapon ay nakipagkasundo saKasunduang Neutralidad na Sobyet-Hapones. Sinakop ngImperyo ng Hapon ang ibang mga bahagi ngTsina noong 1935 na nagtulak saIkalawang Digmaang Sino-Hapones (1937–1945). Mabilis na nabihag ng Hukbong Imperyal na Hapones ang kabiserangNanjing at isinagawa angMasaker sa Nanking. Noong 1940, sinakop ng Imperyo ng Hapon ang Pranses naIndotsina na nagtulak sa Estados Unidos na maglagay ngembargo ng langis sa Hapon. Noong 7 Disyembre 1941,sinalakay ng Hapon ang baseng pandagat ng hukbo ng Estados Unidos saPearl Harbor at nagdeklara ng digmaan dito na nagtulak sa Estados Unidos upang pumasok saIkalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Pilipinas ay surpresang sinalakay ng mga Hapones noong 8 Disyembre 1941 mga 10 oras pagkatapos ngpag-atake sa Pearl Harbor sa Hawaii. Ang mga tagapagtanggol na Amerikano at Pilipino sa Bataan laban sa mga Hapones ay sumuko noong 9 Abril 1942 at napilitang magtiis saMartsa ng Kamatayan sa Bataan kung saan ang mga 2,000 hanggang 10,000 Pilipino at mga 100 hanggang 650 Amerikano ay namatay o pinatay. Ang mga 13,000 nakaligtas ay sumuko sa Corregidor noong 5 Mayo 1942. Agad na binuwag ng mga autoridad na Hapones ang nakaraang pamahalaan ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos at itinatag ang isang bagong puppet na pamahalaan noong 1943 sa ilalim ni PangulongJose Laurel. Ang Hong Kong ay sumuko sa mga Hapones noong 25 Disyembre 1941. SaMalaya, napaatras ng mga Hapones ang hukbong alyado na binubuo ng mga pwersang British, Indian, Australian at Malay sa Singapore. Noong 15 Pebrero 1942, angSingapore ay bumagsak sa mga pwersang Hapones na nagdulot ng pinakamalaking pagsuko ng pinamunuan ng British na militar na personnel sa kasaysayan. Ang tinatayang mga 80,000 Indian, Australyano at British ay binihag. Pagkatapos ng pananakop ng Sobyet saManchuria at mga pagbagsak ng Estados Unidos ng mga bombang atomiko saHiroshima atNagasaki noong 1945, ang Hapon ay umayon sa isang walang kondisyong pagsuko noong 15 Agosto 1945. Ang digmaan ay nagdulot ng maraming mga kamatayan sa Hapon at pagkasira ng industriya at imprastruktura nito. Ibinalik ngMga Alyado ng Digmaan na pinamunuan ng Estados Unidos ang mga katutubong Hapones mula sa kolonya at mga kampong militar sa buong Asya. Ito ay malaking nag-alis ng Imperyo ng Hapon at nagbalik ng kalayaan sa mga sinakop nitong teritoryo. Nagtipon rin angMga Alyado ng isang Internasyonal na Tribunal na Miltaryo para saMalayong Silangan noong 3 Mayo 1946 upang litisin ang ilang mga pinunong Hapones para sa mgakrimeng pandigmaan. Gayunpaman, ang mga unit ng pananaliksik na hinggil sa bakterya gayundin ang mga kasapi ng Hukbong Imperyal ng Hapon na nasangkot sa digmaan ay napalaya mula sa paglilitis na kriminal ng Supreme Allied Commander sa kabila ng mga pagtawag sa paglilitis ng parehong pangkat. Noong 1947, ang isang bagong Saligang Batas ay nilikha sa Hapon na nagbibigay diin sa mga kasanayang liberal demokratiko. Ang pananakop ngMga Alyado sa Hapon ay nagtapos saKasunduan sa San Francisco noong 1952 at ang Hapon ay pinagkalooban ng pagsapi saUnited Nations noong 1956. Kalaunan ay nagkamit ang Hapon ng isang mabilis na paglago at naging ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo hanggang sa malampasan ng Tsina noong 2010.
Ang Hapon ay isangmonarkiyang konstitusyonal, kung saan ang kapangyarihan ngEmperador ay kakaunti o limitado lamang. Siya ay itinakda ngsaligang batas bilang "simbolo ng estado at ng pagkakaisa ng pamayanan". Pangunahing hawak ngPunong Ministro ng Hapon at ng mga halal na kasapi ngDiet ang kapangyarihan sa pamamahala, samantalang nasa mga Hapones ang karapatan sa soberenya.[2]
Ang lehislatibong sangay ng pamahalaan ng Hapon ay angPambansang Diet, isangparliyamentong bikameral. Ang Diet ay binubuo ng isangKapulungan ng mga Kinatawan, na may 480 na puwesto, hinahalal bawat apat na taon o kung ito ay buwagin at ngKapulungan ng mga Konseho na may 242 puwesto at hinahal bawat anim na taon. Ang pangkalahatang karapatang bumoto ay itinakda sa 20 taong gulang.[3]
Pinapanatili ng Hapon ang malapit na ugnayang pang-ekonomiya at pansandatahan sa kanyang pangunahing kaalyado, angEstados Unidos, na angAlyansang katiwasayan ng Estados Unidos-Hapon ang nagsisilbing haligi ng kanilangpatakarang panlabas.[4] Isang bansang kasapi ngMga Nagkakaisang Bansa simula pa noong 1956, at nanilbihang bilang isang hindi-permanenteng kasapi ngKapulungang Panseguridad na may kabuuang labing siyam na taon, na ang pinakahuli ay noong 2009 at 2010. Isa rin ito sa mga kasapi ngPangkat ng Apat na naglalayong makakuha ng permanenteng pagkakasapi sa Kapulungang Panseguridad.[5]
Bilang kasapi ngG8,APEC,ASEAN Plus Three, at bilang kalahok ngEast Asia Summit, Ang Hapon ay aktibong nakikilahok sa mga pandaigdigang kapakanan at sa pagpapabuti ng mga diplomatikong relasyon sa mga mahahalagang bansa buong mundo. Lumagda ang Hapon nang isang kasunduang panseguridad saAustralia noong Marso 2007[6] at saIndiya noong Oktubre 2008.[7] Ang Hapon din ang ikatlong pinakamalaking tagapagbigay ng tulong pagpapaunlad pagkatapos ngEstados Unidos atNagkakaisang Kaharian, na nagbigay ng EU$8.86 bilyon noong 2004.[8]
Binubuo ang Hapon ngapatnapu't pitong mga prepektura, na pinamamahalaan ng isang gubernador na tagapagbatas at administratibong burokrasya. Ang bawat ay nahahati pa sa mga lungsod, bayan at mga nayon.
Ang Hapon ay isang bansang may mahigit sa tatlong libong mga pulo na matatagpuan sa baybayin ngPasipiko. Ang panguning mga pulo nito, mula timog hanggang timog, ay angHokkaidō,Honshū (ang pangunahing pulo),Shikoku atKyūshū. AngKapuluan ng Ryukyu, kasama angOkinawa, ay tanikala ng mga pulo sa timog ng Kyushū. Sa kabuuan tinatawag silangKapuluang Hapones.
Nasa 70% hanggang 80% ng bansa ay kagubatan, mabundok,[9][10] at hindi angkop sa pagsasaka, industriya, o paninirahan. Ito ay dahil sa pangkahalatang katarikan ng lupa, klima at ang banta ng pagguho ng lupa dahil sa lindol, malambot na lupa at malalakas na ulan. Ito ay nagdulot ng napakataas na densidad ng populasyon sa mga sonang maaaring tirahan na pangunahing matatagpuan sa mga baybayin lokasyon. Isa ang Hapon sa mga bansang may pinakamataas ang densidad ng populasyon sa buong mundo.[11]
Ang lokasyon nito saPacific Ring of Fire, sa sugpungan ng tatlong platong tektoniko, ang nagbibigay sa Hapon ng madalas na mahihinang pagyanig at okasyunal na aktibidad ng mga bulkan. Ang mga malalakas nglindol, na kadalasang nagdudulot ngtsunami, ay nagaganap ng ilang ulit bawat isang dantaon.[12]
Ang klima ng Hapon ay pangkalahatang katamtaman, subalit labis na nag-iiba mula hilaga patimog.[13] Ang katangiang heograpikal ng Hapon ay nahahati sa anim na pangunahing sonang pangklima:
Hokkaidō: Ang pinakahilagang sona na may katamtamang klima na may mahaba, malamig na taglamig at malamig na tag-araw. Hindi madalas ang pag-ulan, subalit ang mga pulo ay kadalasang nakakabuo ng malalalim na niyebe tuwing tag-lamig.
Dagat ng Hapon: Sa kanlurang bahagi ng Honshū, ang hanging hilagang kanluran tuwing taglamig ay nagbibigay ng maraming niyebe. Tuwing tag-init,a ng rehiyon ay mas malamig kaysa sa bahaging Pasipiko, subalit paminsan minsan ay nakakaranas ng mainit na temperatura, dahil sa hindi pangkaraniwanghanging foehn
Gitnang Kabundukan: May tipikal na klimang panloob, na may malaking pagkakaiba sa temperatura sa pagitan ng tag-init at tag-araw, at sa pagitan ng araw at gabi. Ang pag-ulan ay hindi madalas.
Panloob na Dagat ng Seto: Ang kabundukan ngChūgoku at ang rehiyongShikoku ay humaharang sa pana=panahong pagbabago ng hangin, at nagbibigay ng mahinahon na klima sa kabuuan ng taon.
Karagatang Pasipiko: ang silangang baybayin ay nakakaranas ng malamig na tag-lamig na may kakaunting niyebe, at mainit, maalinsangang tag-init dahil sa timog-silangang hangin.
Kapuluan ng Ryukyu: Ang kapuluan ng Ryuku ay may klimang subtropikal na may mabanas na tag-lamig at mainit na tag-init. Madalas ang pag-ulan, lalo na tuwing panahon ng tag-ulan. Ang mgabagyo ay madalas.
Ang ilang mga katangiang pangistruktura ng paglago ng ekonomiya ng Hapon ay umunlad noongpanahong Edo gaya ng network ng mga ruta ng paghahatid sa kalye at tubig at mga kontrata sa future, pagbabangko at insurance sa mga broker ng kanin sa Osaka. Noong panahongpanahong Meji mula 1868, ang ekonomiya ng Hapon ay lumawig sa pagyakap nito ng ekonomiyang pamilihan. Ang karamihan ng mga negosyo ay itinatag sa panahong ito at ang Hapon ang umahon na pinaka-maunlad na bansa sa Asya. Ang panahon ng kabuuang paglagong real sa ekonomiya mula 1960 hanggang 1980 ay tinatawag namilagrong Hapones pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Sa isang bahagi, ito ay natulungan ng tulong pananalapi ng Estados Unidos ngunit pangunahing sinanhi ng mga isinagawang patakaran ng pamahalaan ng Hapon. Ang natatanging mga katangian ng ekonomiya ng Hapon sa panahong ito ng milagro ay kinabibilangan ng pakikipagtulungan ng mga tagapagmanupaktura, mga tagapagsuplay, mga distributor, at mga bangko sa isang malapit na magkakaugnay na mga pangkat na tinatawag nakeiretsu; ang mabuting mga unyon ng negosyo at shuntō; mabuting mga ugnayan sa mga byurokrata ng pamahalaan at katiyakan ng habang buhay na trabaho (Shūshin koyō) sa mga malalaking korporasyon at napaka unyonisadong mga manwal na manggagawa. Ang milagrong ito ay pangunahing itinulak ng mga patakaran ng pamahalaan sa ekonomiya ng Hapon partikular na sa Kagawaran ng Internasyonal na Kalakalan at Industriya. Noong 2012, ang ekonomiya ng Hapon ang ikatlong pinakamalaking ekomomiya sa buong mundo pagkatapos ng Estados Unidos at Tsina hinggil sa nominal na GDP. Ito ang ikaapat na pinakamalaking ekonomiya hinggil sa purchasing power parity.
Ito angToyota Prius, isang hybrid plug in na sasakyan. AngToyota ang isa sa pinakamalaking tagapaggawa ng kotse sa buong mundo. Ang Hapon ang ikalawang pinakamalaking prodyuser ng mga sasakyan sa buong mundo.
Ang Hapon ay may malaking kapasidad na industriyal. Ito ang tahanan ng ilan sa mga pinakamalalaki at pinakamaunlad sa teknolohiyang prodyuser ng mga sasakyang motor, elektronika, mga kasangkapan ng makina , mga bakal at mga hindi ferrous na metal, mga barko, mga sustansiyang kemikal, mga textile, at mga prinosesong pagkain.
Ang pangunahing mga inaangkat ng Hapon ang makinarya at mga kasangkapan, mga fossil fuel at mga pagkain sa partikular ang karne ng baka, mga kimikal, mga textile, at mga hilaw na materyal para sa mga industriya nito.
Ang Hapon ay isa sa mga bansang nangunguna sa pananaliksik pang-agham lalo na sa teknolohiya, makinarya, at biomedikal. Ang halos 700,000 mananaliksik na Hapones ay pinagkakalooban ng 130 bilyong US dolyar na budget ng pamahalaan ng Hapon na ikatlong pinakamalaki sa mundo. Ang Hapon ay isang pinuno ng daigdig sa pundamental na pagsasaliksik sa agham. Ang Hapon ay nakalikha ng 16 Nobel laureate sa pisika, kimika o medisina, 3 medalya sa gantimpalang Fields at isang gantimpala sa Gantimpalang Gauss. Ang mga kilalang ambag ng Hapon sa teknolohiya ay sa larangan ng elektronika, sasakyan, makinarya, inhenyeriya ng lindol, industriyal na robotiko, optika, kimikal, semikonduktor at metal. Ang Hapon ay nangunguna sa paglikha at paggamit ng mga robot na nag-aangkin ng higit sa kalahati ng pandaigdigang mga industriyal na robot.
Noong 2008, ang 46.4 porsiyento ng enerhiya sa Hapon ay nalilikha mula sa petrolyo, 21.4 porsiyento mula sa coal, 16.7 mula sa natural gas, 9.7 porsiyento mula sa nuclear power, 2.9 porsiyento mula sa hydropower. Gayunpaman, ang lahat ng mga plantang nukleyar sa Hapon ay pinatigil noong Mayo 2012, dahil sa nangyaringsakuna sa Fukushima Daiichi noong 2011.
Ang paggastos ng Hapon sa mga kalye ay ekstensibo. Ang 1.2 milyong km nitong nilatagang kalye ang mga pangunahing paraan ng paghahatid. Ang isang network ng napakabilis at limitadong paggamit na mga kalyeng may toll ay naguugnay ng ma pangunahing lungsod.
Isang tanaw ngtawiran sa Shibuya, isang halimbawa ng mataong kalsada sa Tokyo. AngGreater Tokyo Area ay ang pinakamataong pook metropolitan sa buong mundo na may 35 milyon katao.
Ang populasyon ng Hapon ay tinatayang nasa 127.3 milyon.[14] Ang lipunang Hapones ay magkakatulad sa pananalita at kultura na may maliit na bilang ng mga banyagang manggagawa.[15] Ang mgaKoreano,[16]Tsino,Pilipino, mgaBrasilyanong Hapones,[17]Perubyanong Hapones ay ang ilan lamang sa mga maliliit na minorya sa Hapon.[18] Noong 2003, mayroong tinatayang 136,000 kanluraning taga-ibang bansa ang nasa Hapon.[19] Ang pinakanangingibabaw na katutubongpangkat etniko ay ang mgaTaong Yamato; ang pangunahing pangkat minorya ay kinabibilangan ng katutubong mgaAinu[20] at mgaRyukyuano, pati rin ang pangkat minoryang panlipunan gaya ng mgaburakumin.[21]
Ang Hapon ay isa sa mga bansang may mataas na antas ng inaasahang haba ng buhay sa buong daigdig, sa gulang na 81.25 na taon noong 2006.[22] Ang populasyong Hapones ay mabilis na tumatanda, epekto ngbaby boom pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig na sinundan ng pagbaba ng ipinapanganak noong huling bahagi ng ika-20 dantaon. Noong 2004, nasa 19.5% ng populasyon ang may gulang na higit sa 65.[23]
Ang pagbabago sa istrukturang demograpiko ay nagdulot ng ilang mga isyung panlipunan, lalo na ang posibleng pagbaba ng populasyon ng mga manggagawa at ang pagtaas ng gastos ng mga benepisyong panlipunang paseguruhan gaya ng pampublikong planong pensiyon. Maraming mga kabataang Hapones ang tumataas ang pagnanais na hindi mag-asawa o magkapamilya pagtumanda.[24] Ang populasyon ng Hapon ay inaaasahang bababa sa 100 milyon pagdating ng 2050 at aabot sa 64 milyon pagdating ng 2100.[23] Ang mga Demograpo at ang taga-plano sa pamahalaan ng Hapon ay kasalukuyang nasa mainit na debate kung paano masusulusyunan ang suliranin.[24] AngImigrasyon at pagkakaroon ng insentibo sa mga bagong panganak ay minsang iminungkahing solusyon upang makapagbigay ng mga batang manggagawa upang matugunan ang tumatandang populasyon ng bansa.[25][26]
Dumaranas ang bansang Hapon sa mataas na antas ng pagpapakamatay.[27][28] Noong 2009, ang bilang ng nagpapakamatay ay lumagpas sa 30,000 sa ika-12 sunod sunod na taon.[29] Ang pagpapakamatay ay pangunahing sanhi ng kamatayan sa mga taong nasa gulang na 30.[30]
Higit sa 99 porsiyento ng populasyon ng Hapon ay nagsasalita ngwikang Hapones bilangunang wika. Ang wikang Hapones ay isang wikang agglutinative. Ang pagsulat ng wikang Hapones ay gumagamit ngkanji at dalawang hanay ngkana. Bukod sa Hapones, ang mga wikang Ryuukan na bahagi ng pamilya ng wikang Haponiko ay sinasalita rin saOkinawa.
Ang pinakamataas na tantiya ng bilang ngBudismo atShintoismo sa Hapon ay nasa 84-96%, na kumakatawan sa malaking bilang ng mga naniniwala sasinkretismo ng parehong relihiyon.[3][32] Subalit, ang mga tantiyang ito ay nakabatay sa mga taong may kaugnayan sa mga templo, hindi sa mga bilang ng taong talagang nananalig sa relihiyon.[33] Ipinahiwatig ni Dalubhasa Robert Kisala (Pamantasan ng Nanzan) na 30 bahagdan lang ng populasyon ang nagsasabi na sila ay kasapi ng isang relihiyon.[33]
AngTaoismo,Confucianismo atBudismo na nagmula sa Tsina ay nakaimpluwensiya din sa paniniwala at kaugalian ng mga Hapones. Ang relihiyon sa Hapon ay likas nanaghahalo, at ito ay nagdudulot ng iba't ibang uri ng nakasanayan, gaya ng ang mga magulang at anak nito na nagdiriwang ng mga ritwal nashinto, mga mag-aaral na nagdarasal bago kumuha ng pagsususulit, mga mag-asawang ikinakasal sa isangKristiyanong simbahan at ang paglilibing na ginaganap sa isang templongBudhismo. May minoridad (2,595,397, o 2.04%) ang nagpahayag na sila ay mga Kristiyano.[34] Dagdag pa dito, simula noong kalagitnaan ng ika-19 dantaon, may mga bilang ng sektang (Shinshūkyō) ang sumulpot sa Hapon, gaya ngTenrikyo atAum Shinrikyo (o Aleph).
Ang mga tradisyonal na sining Hapones ay kinabibilangan ng mga kasanayang seramiko, textile, lacquerware, mga espada at mga manika; mga pagganaap ngbunraku,kabuki,noh, pagsasayaw atrakugo; gayundin ang seremonya ngtsaa, ikebama, martial arts, kaligrapiya,origami,onsen,Geisha at mga laro.
↑Piggott, Joan R. (1997).The Emergence of Japanese Kingship. Prensa ng Pamantasang Stanford.ISBN978-0-8047-2832-4.
↑"The Constitution of Japan". House of Councillors of the National Diet of Japan. 1946-11-03. Inarkibo mula saorihinal noong 2007-03-17. Nakuha noong2007-03-10.
↑Ozawa-de Silva, Chikako (2008), "Too Lonely to Die Alone: Internet Suicide Pacts and Existential Suffering in Japan",Cult Med Psychiatry,32 (4): 516–551,doi:10.1007/s11013-008-9108-0{{citation}}:Unknown parameter|month= ignored (tulong) p. 519