Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Han Hyo-joo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Han Hyo-joo
Kapanganakan (1987-02-22)22 Pebrero 1987 (edad 38)
Cheongju, Hilagang Lalawigan ng Chungcheong,Timog Korea
EdukasyonPamantasan ng Dongguk - Teatro at pelikula
TrabahoArtista
Aktibong taon2003–kasalukuyan
AhenteBH Entertainment (Korea)
FlaMme (Hapon)
Pangalang Koreano
Hangul한효주
Hanja
Binagong RomanisasyonHan Hyo-ju
McCune–ReischauerHan Hyo-ju

SiHan Hyo-joo (ipinanganak 22 Pebrero 1987) ay isang artista sa mula saTimog Korea. Kilalang-kilala siya sa kanyang nangungunang mga ginampanan sa serye sa telebisyon:Spring Waltz (2006);Brilliant Legacy (2009);Dong Yi (2010) atW - Two Worlds (2016); pati na rin ang pelikulangCold Eyes (2013), kung saan siya ay nanalo ng Pinakamahusay na Aktres sa ika-34 naBlue Dragon Awards Film.

Maagang buhay

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Si Han Hyo-joo ay ipinanganak saCheongju, Hilagang Lalawigan ng Chungcheong.[1] Ang kanyang ina ay isang guro ng elementarya bago maging inspektor para sa mga pampublikong paaralan, at ang kanyang ama ay isang opisyal ng Hukbong Panghimpapawid. Bilang isang bata, siya ay mahusay sapalakasan, lalo na sa takbuhan. Sa kanyang ikalawang taon sa mataas na paaralan, lumipat siya saSeoul at pumasok saBulgok High School, sa kabila ng mga pagtutol ng kanyang mahigpit at konserbatibong ama. Pagkatapos ay pumasok siya saDongguk University, kung saan siya sumali sa departamento ng teatro at pelikula.

Karera

[baguhin |baguhin ang wikitext]

2003-2006: Pagsimula

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Si Han ay unang natuklasan sa isang patimpalak sa kagandahan ng kabataan na inorganisa ng korporasyon ng pagkain na Binggrae noong 2003. Sinimulan niya ang kanyang karera sa pag-arte sasitcom naNonstop 5 at ang komedyang pelikula naMy Boss,My Teacher. Sa bandang huli ay pinalaki ni Han ang kanyang ginawa sa pamamagitan ng pagbida saSpring Waltz, ang ikaapat at huling pagtatapos ng serye ng drama ng director ng TV na si Yoon Seok-ho."[2]

Noong 2006, sinama ng direktor na si Lee Yoon-ki si Han bilang pangunahing bituin sa kanyang mababang-badyett na malayang pelikula naAd-lib Night, na nilalahad ang kuwento ng isang kabataang babae na muling natuklasan ang sarili sa pamamagitan ng nakakatakot na magdamag na pakikipagtagpo sa mga estranghero. Nanalo siya ng mga parangal bilang Pinakamahusay na Bagong Aktress saKorean Association of Film Critics Awards atSingapore International Film Festival para sa kanyang pagganap.

2007-2010: Mga ginampanang pambihirang tagumpay at katanyagan sa ibang bansa

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Si Han ay bumida sa dalawang napakalaking proyekto sa telebisyon at tumataas sa katanyagan - ang araw-araw na drama ng KBS naLike Land and Sky kasama Park Hae-jin noong 2007,[3] at nakamaskarang nakikipagsapalaran na serye naSBSIljimae kasama siLee Joon-gi noong 2008.[4] Ang parehong mga drama ang nakakuha ng solidong marka sa manonood sa buong bansa sa pagtakbo nito kasama ang mataas na marka ng manonood na naglunsad kay Han na maging pangalan sa mga sambahayan. Pagkatapos, bumida pa siya sa isang malayang pelikula naRide Away, na unang lumabas sa 2008Jeonju International Film Festival.

Bumida si Han satelecinema naHeaven's Postman na magkasamang ginawa ng Koreano-Hapon, na nagtatampok din sapopstar na si Jaejoong mula sa TVXQ (JYJ ngayon ).[5] Matapos ang ilang mga pagpapaliban, nailabas ito sa mga sinehan noong huling bahagi ng 2009, at sinahimpapawid sa telebisyon noong 2010.

Ang pambihirang tagumpay ni Han ay dumating saBrilliant Legacy kasama si Lee Seung-gi, na naging napakalaking tagumpay noong 2009, na umaabot sa 47.1% na marka sa mga manonood.[6][7][8] Nagdulot ito kay Han ng kasikatan, at pagkatapos ng konklusyon ng drama, naranasan niya ang isang matinding pagtaas sa mga kasunduan sa pag-endorso at mga kahilingan sa midya para sa mga panayam, pati na rin ang pagtaas ng popularida sa pan-Asyano.[9][10] Sa bandang huli ng taong iyon, bumida uli si Han bilang pangunahing bituin sa dramang pang-musika naSoul Special, na nailabas sa KBS Joy.

Noong 2010, kinuha ni Han ang pangunahing bida saDong Yi na ikag-49 na anibersaryong proyekto ng MBC.[11][12] Ang serye ay naging matagumpay sa panahon ng pagtakbo nito sa Timog Korea at sa buong Asya.[13][14] Nanalo si Han ng ilang mga parangal sa pag-arte para sa kanyang pagganap ng Choi Suk-bin, kasama ang Daesang (Malaking Premyo) na gawad saMBC Drama Awards at ang Pinakamahusay na Aktres na gawad ngBaeksang Arts Awards.[15][16]

2011-2015: Mga ginagampanan sa pelikula

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Noong 2011, si Han ay gumanap bilang isang bulag natelemarketer kasama ang dating boksingero na si So Ji-sub sa melodramang pelikula naAlways.[17] Sa direksyon ni Song Il-gon, unang lumabas ito bilang pambungad na pelikula noong2011 Busan International Film Festival.[18][19][20] Sa kalaunan, nag-ambag si Han ng kanyang boses sa pagsasalaysay sa "walang-hadlang" na bersyon ng pelikulang Hapon naMy Back Page, na nagtatampok ng mapaglarawang awdyo at subtitulo para sa mga taong bingi at bulag.

Si Han ay gumanap bilang isang reyna sa Gwanghae niLee Byung-hun sa patok sa takilya noong 2012 na kapanahunang pelikula naMasquerade,[21] na naging isa sa pinakamataas ang kita sa mga pelikulang Koreano sa lahat ng panahon. Sinundan niya ito sa pagbida saLove 911, isang pelikula na tungkol sa di-inaasahang pag-iibigan sa pagitan ng isang doktor at isang bumbero (Go Soo).[22][23]

Noong 2013, bumida si Han kasama si Sol Kyung-gu at Jung Woo-sung sa aksyon-katakutan naCold Eyes, isangremake ng pelikula noong 2007 saHong Kong naEye in the Sky.[24][25] Pumatok sa takilya ang pelikula matapos itong ilabas at naging isa sa pinakamalaking domestikong tagaumpay ng 2013.[26] Nakatanggap si Han ng pagkilala sa pag-arte para sa kanyang pagganap, nanalo siya ng Pinakamahusay na Aktres saBlue Dragon Film Awards at Buil Film Awards.

Noong 2014, si Han at ang kasama niya saLove 911 na si Go Soo ay muling nagkasama saMyohyangsangwan ("Tanaw ng Bundok Myohyang"), na kinukwento ang pagtatagpo ng isang taga-Timog Korea na pintor at isang taga-Hilagang Korea na tagapagsilbi sa isang restawran sa Hilagang Korea. Ang maikling pelikula ay isang pakikipagtulungan ng kontemporaryong mga artista na sina Moon Kyung-won at Jeon Joon-ho, at pinagsama ang isang drama sa teatro, pang-eksperimentong koleksyon ng imahe, sayaw at sining sa pagganap.[27][28]

Pagkatapos ay nakipagsapalaran siya sa merkado sa ibang bansa sa pamamagitan ng paglabas sa kanyang unang pelikulang Hapon naMiracle: Debikuro-kun no Koi to Maho ("Himalang Kuko ng Demonyo: 'Pag-ibig at Mahika'). Itinakda ang tagpo sa panahon ng Pasko, ang pelikula ay isang kuwento ng pag-ibig tungkol sa isang mabait na empleyado ng tinadahan ng aklat (ginampanan ni Masaki Aiba mula sa J-pop naboyband na Arashi) na nakilala ang tatlong babae.[29][30]

Noong 2015, bumida si Han sa isangbiopic na musikal naC'est Si Bon, na naglalarawan ng mga pakipagsapalaran ng pangkat musikong pambayan na Twin Folio, na aktibo mula 1960 hanggang dekada 1980. Sikat sa mga pagtatanghal nalive, ang C'est Si Bon ay ang pangalan ng isang tanyag nalounge o pahingaan ng musika na matatagpuan sa Mugyo-dong noong dekada 1970, kung saan ang Twin Folio ay nagsimula. Si Han ay gumanap bilang lakambini ng grupo.[31] Sinundan ito ng pelikulang romantikong komedya naThe Beauty Inside, kung saan ang karakter ni Han ay umibig sa isang tao na nagbabago sa iba't ibang tao araw-araw.[32][33][34] Sa bandang huli ng taon, kasama muli ni Han sina Yoo Yeon-seok at Chun Woo-hee, parehong kanyang mga kasama saThe Beauty Inside, saLove, Lies, isang pelikula na naglalarawan ng huling kuwento ng gisaeng sa panahon ng pananakop ng Hapon sa dekada 1940.[35][36]

2016-kasalukuyan: Ang pagbalik sa telebisyon at mga pelikula

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Noong 2016, bumalik si Han sa telebisyon sa pagbida niya sa serye ng pantasya ng MBC naW kasama siLee Jong-suk.[37] Ito ay dinirehe ni Jung Dae-yoon na nag-direhe ngShe Was Pretty at sinulat ni Song Jae-jung na kabilang sa mga nakaraang gawa angNine: Nine Time Travels atQueen In-hyun's Man. Naging mataas ang mga inaasahan dito dahil ito ang muling pagbabalik ni Han sa telebisyon sa loob ng anim na taon.[38][39] Nanalo siya sa gawad sa Pinakamataas na Mahusay sa5th APAN Star Awards atMBC Drama Awards para sa kanyang pagganap sa seryengW.

Noong 2018, bumida si Han sa katakutan naGolden Slumber kasama siKang Dong-won.[40] Siya rin ay lumabas bilang ang pangunahing babaeng gumaganap sa katakutan na aksyon nasci-fi na Illang: The Wolf Brigade na batay sa animasyong Hapong pelikula na may kaparehong pangalan.[41][42]

Pilmograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Pelikula

[baguhin |baguhin ang wikitext]
TaonPamagatGinampananMga tanda
2006My Boss, My TeacherYoo Mi-jung
Ad-lib NightBo-kyungMalayang pelikula
2008Ride AwayIm Ha-jung
My Dear EnemyBabae sa himpilan ng bus / boses sa teleponokameyo
2009Heaven's PostmanJo Hana / SakiTele Cinema
(umere din saSBS)
2011AlwaysHa Jeong-hwa
2012MasqueradeQueen Consort
Love 911Mi-soo
2013Cold EyesHa Yoon-ju
2014Miracle Devil Claus' Love and MagicSo-yeonPelikulang Hapon
View of Mount MyohyangOh Yeong-ranMaikling pelikula
2015C'est Si BonMin Ja-young (20s)
The Beauty InsideYi-soo
2016Love, LiesJung So-yul
2018Golden SlumberSun-young
In-rangLee Yoon-hee

Telebisyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]
TaonPamagatGinampananHimpilan
2005Nonstop 5Han Hyo-jooMBC
2006Spring WaltzSeo/Park Eun-youngKBS2
2007Like Land and SkySuk Ji-sooKBS1
2008IljimaeEun-chaeSBS
2009Brilliant LegacyGo Eun-sung
Soul SpecialJin Mi-ahKBS Joy
2010Dong YiChoi Dong-yi (kalaunan Choi Suk-bin)MBC
2016W - Two WorldsOh Yeon-joo

Diskograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]
TaonPangalan ng kantaKumantaAlbum
2005"It's the First Time"Han Hyo-jooNonstop 5 OST
2008"Ride Away"Han Hyo-jooRide Away OST
2009"Sudden Burst of Tears"Gan-D tinatampok Han Hyo-jooSoul Special OST
"바람이 불어... 널 이별해 (Prologue)"Narration ni Han Hyo-jooLove Tonic
2010"Oh Seoul"My-Q tinatampok Han Hyo-jooFor This, I Was Born
"Don't You Know"No Reply tinatampok Han Hyo-jooGrand Mint Festival 2010
2011"You"Browneyed Soul tinatampol Han Hyo-jooBrown Eyed Soul
"8 A.M."My-Q feat. Han Hyo-jooReady For The World
"Alone in Love"Lee Seung-gi tinatampok Ra.D
(pagsasalaysay ni Han Hyo-joo)
2012"I Love You"Han Hyo-joo tinatampok Sweet SorrowLG Su:m37 5th Anniversary CF song
"Hide and Seek"[43]Han Hyo-joo tinatampok Broccoli, You Too?
2015"Let us forget"Han Hyo-jooC'est Si Bon OST
"I'll Give It All To You"Han Hyo-joo tinatampokJung Woo
2016"Love, Lies"Han Hyo-jooLove, Lies OST
"Spring lady"Han Hyo-joo tinatampok Chun Woo-hee

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 한효주.Nate (sa wikang Koreano). Inarkibo mula saorihinal noong 12 Nobyembre 2012. Nakuha noong28 Oktubre 2012.
  2. "Han reserves seat as nextJiwoohime".Hancinema (sa wikang Ingles). The Korea Herald. 30 Enero 2006.
  3. "I want to try out for more extreme roles".The Dong-a Ilbo. 5 Abril 2007.
  4. "Drama `Iljimae` has tough act to follow".The Korea Herald. 4 Abril 2010. Inarkibo mula saorihinal noong 15 Hulyo 2022. Nakuha noong2 Hunyo 2018.
  5. "TVXQ Hero hopesPostman will be assurance to fans".10Asia (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 2009.
  6. "Light-hearted romance joins weekend lineup".The Korea Herald (sa wikang Ingles). 24 Abril 2009. Inarkibo mula saorihinal noong 4 Agosto 2020. Nakuha noong2 Hunyo 2018.
  7. "Brilliant drama leaving its own legacy".Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). 16 Hulyo 2009.
  8. "Han Hyo-joo: 'Good People Deserve to be Happy'".KBS Global (sa wikang Ingles). 5 Hunyo 2009. Inarkibo mula saorihinal noong 5 Disyembre 2013. Nakuha noong2 Hunyo 2018.
  9. "Lee, Han Picked as Rising Ad Models".The Korea Times (sa wikang Ingles). 24 Setyembre 2009.
  10. "Korean Wave: The New Generation".10Asia (sa wikang Ingles). 23 Abril 2010.
  11. "Will Dong-yi Become Next Jewel in the Palace?".The Korea Times (sa wikang Ingles). 21 Marso 2010.
  12. "Han Hyo-joo Changes Tack in Costume Drama".The Chosun Ilbo (sa wikang Ingles). 13 Abril 2010.
  13. ""Dong Yi" dominates Mon and Tues night primetime lineup".10Asia. June 16, 2010.
  14. ""Dong Yi" wins award as most popular drama in Hong Kong".10Asia. October 1, 2010.
  15. "Kim Nam-joo, Han Hyo-joo win grand prize at MBC Acting Awards".10Asia (sa wikang Ingles). 3 Enero 2011.
  16. "Hyun Bin, Lee Byung-hun win top prizes at Paeksang".10Asia (sa wikang Ingles). 27 Mayo 2011.
  17. So Ji-sub, Han Hyo-joo start filming new pic.10Asia. 4 Abril 2011. (sa Ingles)
  18. Song Il-gon hopesAlways will be a reminder of true value of love.10Asia. 6 Oktubre 2011. (Sa Ingles)
  19. Han Hyo Joo: 'My Best Decision Ever Is Becoming Actress'Naka-arkibo 2013-12-05 saWayback Machine..KBS Global. 10 Oktubre 2011. (sa Ingles)
  20. Han Hyo-joo Seeking More Challenging Roles in Movies.The Chosun Ilbo. 15 Oktubre 2011.(sa Inlges)
  21. Han Hyo-joo to join Lee Byung-hun in historical film.10Asia. 4 Enero 2012 (sa Ingles).
  22. "Finecut dials up Love 911".Korean Film Council. 14 Marso 2012.
  23. "Ko Soo, Han Hyo-joo Ask to DialLove 911".10Asia. 22 Nobyembre 2012.
  24. "Police Are Hot in Pursuit of a Kingpin in COLD EYES".Korean Film Council (sa wikang Ingles). 8 Pebrero 2013.
  25. "Cold Eyes is a story of firsts for the cast".Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). 6 Hunyo 2013.
  26. "Cold Eyes Hits 5-Million Mark in Cinema Attendance".The Chosun Ilbo. 29 Hulyo 2013.
  27. "Mergers with pop culture good for art business".Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). 16 Enero 2014.
  28. "Myohyangsangwan".News From Nowhere (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 4 Abril 2023. Nakuha noong22 Agosto 2014.
  29. "HAN Hyo-joo to Take Lead Role in Japanese Film".Korean Film Council (sa wikang Ingles). 27 Disyembre 2013.
  30. "Will Han Hyo-joo win Japanese fans?".The Korea Times (sa wikang Ingles). 2 Disyembre 2015.
  31. "KIM Yun-seok, HAN Hyo-joo Board Music Biopic".Korean Film Council (sa wikang Ingles). 11 Marso 2014.
  32. "Actresses lead Korean film industry this summer".Yonhap (sa wikang Ingles). 29 Hulyo 2015.
  33. "Actress Han stars opposite 21 men".Korea JoongAng Daily. 14 Agosto 2015.
  34. "Herald Interview: Han Hyo-joo:Beauty Inside is chance of a lifetime".The Korea Herald. 23 Agosto 2015.
  35. "'Love, Lies' portrays gisaeng's life in 1940s".The Korea Times. 5 Abril 2016.
  36. "Actress Han Hyo-joo says baddie totally new experience".Yonhap (sa wikang Ingles). 4 Abril 2016.
  37. "Lee Jong-suk and Han Hyo-joo in new drama 'W'".Kpop Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong7 Abril 2016.
  38. "Han Hyo-joo to return to TV after 6 years".The Korea Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong7 Abril 2016.
  39. "Han Hyo Joo Confirms Her Comeback to the Small Screens in July".BNT News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 8 Abril 2016. Nakuha noong7 Abril 2016.
  40. "GANG Dong-won & HAN Hyo-joo Headline Thriller GOLDEN SLUMBER".Korean Film Biz Zone. December 27, 2016.
  41. Jean Noh (17 Hulyo 2017)."'The Good, The Bad, The Weird' director Kim Jee-woon sets cast, shoot date for new sci-fi".Screen Daily (sa wikang Ingles). Nakuha noong20 Hulyo 2017.
  42. "KIM Jee-woon's Sci-fi Action INRANG Starts Shooting in August".Korean Film Biz Zone (sa wikang Ingles). 28 Hulyo 2017.
  43. "Korean Starlets Fall in Love with Indie Musicians".10Asia. November 21, 2012.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Han_Hyo-joo&oldid=2144689"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp