Ang mgahalamang namumulaklak, na tinatawag dingAngilperma,Angiospermae oMagnoliophyta ay ang nangingibabaw na mga halamang panlupa sa kasalukuyan. Kasama ng mgagymnosperm, binubuo nila ang mgahalamang may buto. Kaiba sila mula sa mga gymnosperm dahil ang mga angiosperma ay nagkakaroon ng mgabulaklak, at may nakalakip o nakasarang mgaobyul. Ang mga gymnosperm ay nagkakaroon ng hubad na mga buto sa ibabaw ng mgaalimusod (balisungsong) o sa mga kayariang bukas.
Ang mga halamang namumulaklak ang pinaka iba't iba na pangkat ng mgaembryophyte (halamang panlupa). Dahil sa nagkakaroon sila ng mga buto, tinatawag silang mgaspermatophyte, katulad nga ng mga gymnosperm. Subalit kaiba nga sila mula sa mga gymnosperm dahil sa isang serye ng mgasinapomorpiya (mga hinangong mgakatangian). Ang mga katangiang ito kinabibilangan ng mgabulaklak,endosperma sa loob ng mga buto, at ang pamumunga ng mgaprutas na naglalaman ng mga buto. Sa pang-etimolohiya, angangiosperma ay nangangahulugang isang halaman na nakagagawa ng mga buto sa loob ng isang lakipan; sila ay mgahalamang namumunga (mga halamang maybunga o prutas), bagaman mas pangkaraniwan silang tinatawag bilang mga halamang namumulaklak.
Ang mga ninuno ng mga halamang namumulaklak ay humiwalay magmula sa mga gymnosperm noong bandang 245 hanggang 202 milyong mga taon na ang nakararaan, at unang mga halamang namumulaklak na nalalamang umiral ay magmula sa 140 milyong mga taon na ang nakalilipas. Malakihan ang naging pagkakasari-sari nila noong panahon ngMas Mababang Cretaceo at naging laganap noong nasa tinatayang 100 milyong mga taon na ang nakararaan, subalit pumalit sa mgaconifer bilang nangingibabaw na mga puno noong bandang 60 hanggang 100 milyong mga taon lamang ang nakalilipas.
↑Cantino, Philip D.; James A. Doyle, Sean W. Graham, Walter S. Judd, Richard G. Olmstead, Douglas E. Soltis, Pamela S. Soltis, & Michael J. Donoghue (2007). "Towards a phylogenetic nomenclature ofTracheophyta".Taxon.56 (3): E1–E44.{{cite journal}}:Invalid|ref=harv (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)