Ang salitanghalal. Ipinangmamarka ito ng mga Muslim sa mga restawran, tindahan at sa mga produkto.
Anghalal (Arabe:حلال,ḥalāl) ay isang salitang Arabe na may kahulugang "pinapayagan" sa wikang Tagalog. SaKoran, sinasalungat ang salitanghalal saharam (ipinagbabawal). Ipinalawig itong binaryong oposisyon na maging mas komprehensibong pag-uuri na kilala bilang "ang limang desisyon": sapilitan, inirerekomenda, neutral, kasisisisi at ipinagbabawal.[1] Pinagtatalunan ng mga hukom sa Islam kung sinasaklaw ng salitanghalal ang unang dalawa o unang apat ng mga kategoryang ito.[1] Nitong nakaraang mga taon, binibigyang-diin ng mga kilusang Islam na naghahangad na magpakilos ng masa at mga sumusulat para sa pangkalahatang publiko ang mas simpleng pagkakaiba nghalal atharam.[2][3]
Karniwang nag-uugnay ang salitanghalal sa mga batas sa pagkain sa Islam at lalo na sa karneng pinoproseso at inihahanda alinsunod sa mga kahilingang iyon.
Isang karatula ng halal sa Tsino (清真,qīng zhēn) sa isang restoran saTaipei, Taiwan
Sa pangkalahatan, itinuturing ng Islam na halal ang lahat ng pagkain maliban kung ito ay ipinagbabawal sahadith oKoran.[4] Kung magiging tiyak, ang mga pagkaing halal ay:
Ginawa, ipinrodyus, niyari, ipinroseso, at inimbak gamit ang mga makinarya, kagamitan, at/o kasangkapan na nilinis ayon sa batas ng Islam (sharia).
Malaya mula sa anumang sangkap na hindi maaaring kainin ng mga Muslim ayon sa batas ng Islam.[5]
Karne ng baboy ang pinakakaraniwang halimbawa ng pagkaing haram (di-halal). Habang baboy ang tanging karne na tiyakang hindi makakain ng mga Muslim (ipinagbabawal ito ng Koran,[6] Surah 2:173 at 16:115)[7][8] kinokonsiderang haram ang mga ibang pagkain na wala sa kalagayan ng kadalisayan. Kabilang sa mga pamantayan para sa mga pagkaing di-baboy ang pinagmulan nito, dahilan ng pagkamatay ng hayop at kung paano ito ipinroseso. Itinuturing ng karamihan ng Islamikong iskolar na halal ang molusko at iba pang pagkaing-dagat.[9] Halal ang lutuing behetaryano kung wala itonginuming nakakalasing.[10]
Kailangan ding siguraduhin ng mga Muslim na halal ang lahat ng pagkain (lalo na ang mga pinrosesong pagkain), pati ang mga bagay na di-pagkain tulad ng mgakosmetiko at gamot.[11][12] Kadalasan, naglalaman ang mga produktong ito ng mga kakambal na produkto na de-hayop o mga ibang sangkap na hindi maaaring kainin o gamitin ng mga Muslim sa kanilang mga katawan. Kabilang sa mga pagkain na hindi kinokonsiderang halal para sa mga Muslim na ikonsumo ang dugo[13] at mga nakalalasing tulad ng mgainuming alkoholiko.[14]
↑1.01.1Vikør, Knut S. (2014)."Ḥalāl". Sa Emad El-Din Shahin (pat.).Sharīʿah.The Oxford Encyclopedia of Islam and Politics (sa wikang Ingles). Oxford University Press.ISBN978-0-19-530513-5. Nakuha noong18 Mayo 2017.
↑Ensiklopedya ng Islam (2009). "Halal" [e]. Sa Juan Eduardo Campo (pat.).Encyclopedia of Islam (sa wikang Ingles). Infobase Publishing. p. 284.
↑Lowry, Joseph E (2006). "Lawful and Unlawful" [Ensiklopedya ng Koran]. Sa Jane Dammen McAuliffe (pat.).Encyclopaedia of the Qurʾān (sa wikang Ingles). Brill.doi:10.1163/1875-3922_q3_EQCOM_00107.
↑"Definition of Halal" [Kahulugan ng halal].Halal Monitoring Committee U.K. (sa wikang Ingles).
↑"What is Halal? A Guide for Non-Muslims" [Ano ang Halal? Isang Gabay para sa Mga Di-Muslim].Islamic Council of Victoria (ICV) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 12 Abril 2022. Nakuha noong22 Pebrero 2022.
↑"Is Vegetarian Cuisine always Halal?" [Palagi Bang Halal Ang Lutuing Behetaryano?].Islamic Services of America (ISA) (sa wikang Ingles). 24 Hunyo 2020. Nakuha noong22 Pebrero 2022.