AngGuyana (pagbigkas: ga•yá•na), na ang opisyal na pangalan ayKooperatibang Republika ng Guyana (Ingles:Co-operative Republic of Guyana)[6] ay isang nakapangyayaring bansa sa hilagang rehiyon ngTimog Amerika. Napalilibutan ito ngKaragatang Atlantiko sa hilaga,Brazil sa timog at timog-kanluran,Suriname sa silangan, atVenezuela sa kanluran. Sa lawak nitong 215,000 kilometro kuwadrado (83,000 sq mi), ang Guyana ay ikaapat na pinakamaliit na bansa sa punong-lupain ng Timog Amerika kasunod ngUruguay,Suriname, andFrench Guiana.
Sakop ng rehiyong tinatawag naGuianas ang malaking kalupaang hilaga ngIlog Amazon at silangan ngIlog Orinoco. Naninirahan na dito ang iba't ibang katutubong pangkat nang dumating ang mga Dutch. Napasailalim naman saBritanya ang bahagi na naging Guyana noong huling bahagi ng ika-18 siglo. Pinamahalaan ito bilang isang ekonomiyang batawan ngBritish Guiana hanggang matamo nito angkasarinlan nito noong 1966, at opisyal na naging republika sa loob ngCommonwealth of Nations noong 1970. Makikita ang naging pamana ng mga Briton sa magkakahalo nitong populasyon na kinabibilangan ng mgaIndiano, Africano, Amerindian, at grupong may halong-lahi.
Natatangi rin ang Guyana bilang nag-iisang bansa sa Timog Amerika kung saan opisyal na wika ang Ingles. Ito'y bagaman ang karamihan sa populasyon ay nagsasalita ngGuyanese Creole isang wikang kriyolyong batay sa Ingles, na may halong Dutch,Arawakan at Caribbean. Dagdag sa pagiging bahagi ngAnglophone Caribbean, ang Guyana ay isa sa iilang bansa saCaribbean na hindi pulo sa West Indies. Ang punong-tanggapan ngCaribbean Community (CARICOM), kung saan kasapi ang Guyana, ay nasa kabisera at pinakamalaking lungsod nito naGeorgetown. Noong 2008, sumanib ang bansa saUnion of South American Nations bilang isa sa tagapagtaguyod nito.