Gumaca Bayan ng Gumaca | |
---|---|
![]() Mapa ng Quezon na nagpapakita sa lokasyon ng Gumaca. | |
![]() | |
Mga koordinado:13°55′16″N122°06′01″E / 13.921°N 122.1002°E /13.921; 122.1002 | |
Bansa | ![]() |
Rehiyon | Calabarzon(Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Quezon |
Distrito | Pang-apat na Distrito ng Quezon |
Mgabarangay | 59 (alamin) |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Webster D. Letargo |
• Manghalalal | 46,520 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 189.65 km2 (73.22 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 71,942 |
• Kapal | 380/km2 (980/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 19,260 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 19.76% (2021)[2] |
• Kita | ₱ 340 million (2022) |
• Aset | ₱ 643.4 million (2022) |
• Pananagutan | ₱ 129.9 million (2022) |
• Paggasta | ₱ 287.1 million (2022) |
Kodigong Pangsulat | 4307 |
PSGC | 045619000 |
Kodigong pantawag | 42 |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima |
Mga wika | wikang Tagalog |
Websayt | gumaca.gov.ph |
AngGumaca ay isang ika-1 klasengbayan salalawigan ng Quezon,Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 71,942 sa may 19,260 na kabahayan.
Dating kilala bilang Bumaka (makipaglaban), ang kasalukuyangbayan ng Gumaca ay isang pinaglalagiang naitatag sa may timog na bahai ng ilog Palanas noong ika-14 nasiglo ng isang grupo ng mga tao mula sa Borneo at Peninsulang Malay.
Ang pinakaunang kilalang pinuno ay si Lakan Bugtali. Ang kanyang nasasakupan ay umaabot sa mga rehiyon malapit sa Gusuan, na tinatawag na ngayongLawa ng Lamon, mula sa Gamao papunta sa hilaga, patungo sa isla sa kabilang ibayo ng lawa na tinatawag na ngayong isla ng Alabat, patungo sa timog-kanlurang dadaan sa hilagang-silangang bahagi ng ngayong bayan ngCalauag, sa pinagmumulan ng Talolong, na bumabaybay sa bayan ngLopez, at sa mga ilog ng Pandanan at sa hilagang-kanluran hanggang sa may itaas na bahagi ng ilog Kalilayan. Binubuo ito ng 93 mga barangay. Kaya naman nang ang unang mgaEspanyol na dumating dito noong 1574 na pinamumunuan ni Fr. Diego Oropesa, itinatag nila ang grupo ng mga barangay na mayroong kanya-kanyang kalinangan at pamahalaan.
Mula 1574 hanggang 1670 ang bayan ng Gumaca ay pinamumunuan ng mga prayleng Espanyol. At mula 1671 hanggang 1893 ang bayan ay pinamumunuan na nang mga Espanyol atPilipinong Gobernadorcillos. Mula 1893 hanggang 1900 ang mga namumuno sa bayan ay tinatawag na Capitan Municipal at mula 1901 ang namumuno sa bayan ay inihahalal na nang mga tao at tinatawag na Presidente Municipal. Taong 1963 ang taguri ay pinalitan na bilang mgaPunong-bayan ng bayan.
Makikitang walang anumang batas na nabanggit na nagtatalaga sa bayan ng Gumaca bilang isang bayan at hindi rin ito nanggaling sa kung ano pa mang bayan. Ito pa nga ang nagsilang nang ilang bayan na ang pinakanatatangi ay ang bayan ng Lopez dahil sa ito ang pinakamalaki at pinakamaunlad sa bahaging iyon nglalawigan.
Sa ilalim ng Batas ng Republika bilang 9495, na base sa magiging desisyon nang mga mamamayan nang lalawigan ng Quezon, ito ang magiging kapitolyo nang mabubuong bagong lalawigan kung maaaprubahan.
Ang bayan ng Gumaca ay nahahati sa 59 na mgabarangay.
|
|
|
Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 5,324 | — |
1918 | 7,540 | +2.35% |
1939 | 12,904 | +2.59% |
1948 | 19,131 | +4.47% |
1960 | 27,284 | +3.00% |
1970 | 36,366 | +2.91% |
1975 | 39,337 | +1.59% |
1980 | 42,143 | +1.39% |
1990 | 48,189 | +1.35% |
1995 | 53,568 | +2.00% |
2000 | 60,191 | +2.53% |
2007 | 63,778 | +0.80% |
2010 | 69,618 | +3.24% |
2015 | 73,877 | +1.14% |
2020 | 71,942 | −0.52% |
Sanggunian:PSA[3][4][5][6] |
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link){{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link){{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) CS1 maint: url-status (link)