Ang mgagulay ay mga bahagi nghalaman na kinakain ng mga tao o hayop. Karaniwan pa ring tumutukoy ang gulay sa lahat ng parte ng mga halaman na maaaringlutuin atkainin, kabilang dito ang mgabulaklak,bunga, tangkay,dahon,ugat, atbuto. Ilan sa mga halimbawa nito angkadyos,mais,letsugas,gisantes atkamatis.[1] Inilalapat ang isang alternatibong kahulugan ngunit medyo arbitraryo, madalas base sa mga tradisyon sa pagluluto at kultura. Maaaring hindi kasama rito ang mga pagkaing hinango mula sa ilang halaman na mga prutas, bulaklak,nuwes, atangkak, pero kasama naman ang mga malinamnam na prutas tulad ngkamatis atpipino, bulaklak tulad ngbrokoli, at binhi tulad ngmonggo.
Noong unang panahon, pinulot ang mga gulay sa ilang ng mga mangangaso at sinimulang itanim sa ilang bahagi ng mundo, marahil noong mga 10,000 BK to 7,000 BK, kung kailan naging masagrikultural ang pamumuhay. Sa simula, itinanim ang mga halamang tumutubo sa lokalidad, ngunit sa paglipas ng panahon, dinala ng kalakalan ang mga kakaibang pananim mula sa ibang lugar na idinagdag sa mga katutubong uri. Ngayon, itinatanim ang karamihan ng gulay sa buong mundo basta pinapayagan ng klima, at maaaring tubuin ang mga pananim sa mga protektadong tagpuan sa mga lokasyon na di-gaanong angkop.Tsina ang pinakamalaking prodyuser ng gulay, at dahil sa pandaigdigang kalakalan, maaaring bilhin ng mga konsyumer ang mga gulay na itinatanim sa mga malalayong bansa. Nag-iiba ang laki ng produksiyon mula sa mga maliliit na magsasaka na nagsusuplay ng mga kinakailangang pagkain ng kani-kanilang pamilya, hanggang sa mga agrinegosyo na may malalawak na ektarya ng nag-iisang uri ng pananim. Depende sa uri ng gulay na pinag-uusapan, sinusundan ang pag-aani ng pananim ng paggrado, pag-iimbak, pagpoproseso, at marketing.
Maaaring kainin ang mga gulay nang hilaw o luto, at mahalaga ang papel nitong mga gulay sa nutrisyon ng tao, dahil mababa ang nilalamangtaba atkarbohidrata, habang mataas naman sa mgabitamina, mineral, at hiblang pandiyeta. Hinihikayat ng maraming nutrisyonista ang mga tao na kumain ng maraming prutas at gulay, lima o higit pang porsiyon bawat araw ang kadalasang inirerekomenda.
Nag-iiba-iba ang eksaktong kahulugan ng "gulay" dahil lamang sa pagkaraming mga bahagi ng halaman na kinakain sa buong mundo—ugat, tangkay, dahon, bulaklak,bunga, at binhi. Ang pinakamalawak na kahulugan ay ang paggamit nito bilang pantukoy sa mga "bagay mula sa halaman". Kung gagawing mas tumpak, maaaring tukuyin ang gulay bilang "anumang halaman, na pinagpagkain ang mga bahagi nito",[2] at may pangalawang kahulugan na "ang nakakaing bahagi ng naturang halaman".[2] Isang mas tumpak pang kahulugan ang "anumang bahagi ng halaman na kinakain na hindi prutas o binhi, ngunit kasama ang mga hinog na prutas na inuulam".[3][4] Hindi kasama sa kahulugan na ito ang mga nakakaingkolatkolat (tulad ng mga nakakaingkabute) at nakakaing damong-dagat, na tinatrato bilang gulay kahit hindi bahagi nghalaman ang mga ito.[5]
Mga prutas na karaniwang itinuturing na mga gulay sa pagluluto, kabilang dito angmais,kamatis, at iba't ibangkalabasa
Sa huling binanggit na kahulugan ng "gulay", na ginagamit sa pang-araw-araw na wika, kapwa eksklusibo ang mga salitang "prutas" at "gulay". May tumpak na kahulugan ang "prutas" sabotanika, isang bahagi na tumubo mula sa obaryo nghalamang namumulaklak. Lubos na naiiba ito sa kahulugan ng salita sa kulinarya. Habang "prutas" angmilokoton,sirwelas, atdalandan ayon sa dalawang kahulugan, marami ang mga pagkain na karaniwang tinatawag na "gulay", tulad ng mgatalong, kampanilya, atkamatis na bunga ayon sa botanika. Nakarating ang tanong kung ang kamatis ay prutas o gulay saKorte Suprema ng Estados Unidos noong 1893. Nagkaisa ang desisyon ng korte saNix v. Hedden na ang isang kamatis ay wastong kinikilala bilang, at sa gayon ay binubuwisan bilang, isang gulay, para sa mga layunin ng Taripa ng 1883 sa mga inaangkat na ani. Gayunpaman, inamin ng korte na sa usaping botanika, isang prutas nga ang kamatis.[6]
Importante ang papel ng mga gulay sa nutrisyon ng tao. Kaunti angtaba atkaloriya ng karamihan ngunit nakakabusog.[7] Pinagkukunan ito ng hiblang pandiyeta, mahahalagang bitamina, mineral, at katiting elemento. Partikular na mahalaga ang mga bitaminang antioksidante, A,C, at E. Kapag may isinamang gulay sa diyeta, makikitang may pagbabawas sakanser,istrok,sakit sa puso, at iba pang mga malalang karamdaman.[8][9][10] Ipinakita ng pananaliksik na, kumpara sa mga indibidwal na kumakain ng mas kaunti sa tatlong serbing ng prutas at gulay bawat araw, mas mababa ng halos dalawampung porsiyento ang tsansa na magkasakit sa puso o maistrok ang mga kumakain ng higit sa limang serbing.[11] Malaki ang pagkakaiba ngsustansiya ng mga gulay; may makabuluhang halaga ngprotina ang ilan ngunit sa pangkalahatan kaunti lamang ang nilalamangtaba,[12] at iba't ibang proporsiyon ng mgabitamina tulad ng bitamina A, bitamina K, at bitamina B6; probitamina; pandiyetang mineral; atkarbohidrata.
↑Leo James English,Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ngNational Bookstore, may 1583 na mga dahon,ISBN 971910550X
↑2.02.1"Vegetable" [Gulay] (sa wikang Ingles). Dictionary.com. Nakuha noong2015-03-03.
↑"Fungi vegetables" [Gulay na kolatkolat].Spices & Medicinal Herbs: Classification of vegetables (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong2015-03-24.