Pagkaraang magsimula sa larangan ng pag-aartista noong 1950, sa gulang na 20, lumitaw si Grace Kelly sa mga produksiyong pangteatro ng Lungsod ng New York pati na sa mahigit sa apatnapung mga episodyo ng buhay na pagpapalabas ng mga produksiyon ng drama noong kaagahan ngGinintuang Panahon ng Telebisyon noong dekada ng 1950. Noong Oktubre 1953, sa paglabas ngMogambo, siya ay naging isang bituin ng pelikula, isang katayuang natiyak noong 1954 sa pamamagitan ng isang Gantimpalang Ginintuang Globo (Golden Globe Award) at isang nominasyon saGantimpala ng Akademya (Academy Award) pati na mga pangunahing gampanin sa limang mga pelikula, kabilang na angThe Country Girl, kung saan nagbigay siya ng isang mapagkumbabang pagganap na nagkamit para sa kanya ng isangGantimpala ng Akademya para sa Pinaka Mahusay na Aktres (Academy Award for Best Actress). Nagretiro siya mula sa pag-arte sa edad na 26 dahil sa kanyang mga tungkulin saMonako. Siya at si Prinsipe Rainier ay nagkaroon ng tatlong mga anak: sina:Caroline,Albert, atStéphanie. Napanatili rin niya ang kanyang pagka-Amerikana, na pinanatili ang pagkakaroon ng dalawang pagkamamayan, bilang mamamayan ng Estados Unidos at bilangMonégasque (ang tawag sa isang mamamayan ng Monako).
Namatay siya pagkaraang makaranas ng isangatakeng serebral (stroke sa Ingles) noong Setyembre 14, 1982, kung kailan nawalan siya ng kontrol sa minamaneho niyang kotse at nabangga. Ang kanyang anak na babaeng si Prinsesa Stéphanie ay kasama niyang nakasakay sa kotse, ngunit nakaligtas mula sa aksidente.