Ang grabidad o grabitasyon ang nagpapanatili sa mgaplaneta sa kani-kanilangligiran sa palibot ngaraw.
Angbalani[1] ograbedad (Ingles:gravity) ay isang natural naphenomenon kung saan ang mga pisikal na katawan ay nabibighani o naaakit sa isang pwersangproporsiyonal sa mgabigat nito. Ang grabitasyon ay pinakapamilyar na ahente na nagbibigay ng timbang sa mga bagay na maybigat at nagsasanhi sa mga ito na bumagsak sa lupa kapat ito ay nahulog. Ito ay nagsasanhi sa mga nakakalat na mga bagay para magtipon at kaya ay nagpapaliwanag ng pag-iral, pagkakabuo at hugis ng mga bagay sa kalawakan kabilang ang mga planeta gaya ngmundo, mga bituin gaya ngaraw, at iba pang mga katawangmakroskopiko na makikita sasansinukob. Ang "grabitasyon" ang sanhi ng: pagkakapanatili ng mundo at ng ibang mgaplaneta ngsistemang Pang-araw sa mgaligiran nito sa araw, pananatili ngbuwan sa ligiran nito sa mundo, sa pagkakaroon ng mga agos at pagtaas at pagbaba ng antas ng tubig (pagkati at paglaki ng tubig), sakumbeksyon (convection; kung saan umaangat ang mga maiinit na pluido sa pamamagitan nito), sa pagpapa-init ng mga panloob ng mga nabubuong mgabituin at mga planeta magpahanggang sa mga labis na pinakamataas na mga antas ng temperatura at marami pang ibang mga phenomena. Ang grabitasyon ay inilalarawan ngpangkalahatang relatibidad bilang kurbada o pagbaluktot ngespasyo-panahon na nangangasiwa ng mosyon ng mga bagay natigal. Ang mas simpleng batas ng grabitasyon niNewton ay nagbibigay ng isang tumpak na aproksimasyon para sa karamihan ng mga pisikal na sitwasyon. Ang grabitasyon ay isa saapat na pundamental na interaksiyon ngkalikasan. Ang iba ay angdagitabbalani,malakas na interaksiyon atmahinang interaksiyon. Ito ay mas mahina kung ihahambing sa tatlo pang pangunahing lakas, datapwa't mas malayo ang nasasakop nito.
Pormula ng batas ng unibersal na grabitasyon niIsaac Newton
Noong 1687, angmatematikong Ingles na siIsaac Newton ay naglimbag ngPrincipia na nagmungkahi ng kabaligtarang-batas kwadrado ng unibersal na grabitasyon. Ang teoriyang ito ni Newton ay nagtamasa ng pinakadakilang tagumpay nang ito ay gamitin upang hulaan ang eksistensiya ngNeptune batay sa mga mosyon ngUranus na hindi maipapaliwanag sa pamamagitan ng mga aksiyon ng ibang mga planeta. Ang mga kalkulasyon ng parehong sina John Couch Adams at Urbain Le Verrier ay humula ng pangkalahatang posisyon ng planetang ito at ang mga kalkulasyon ni Le Verrie ang tumungo sa pagkakatuklas ni Johann Gottfried Galle ng Neptune. Ang pagkakaiba saligiran ng planetangMercury ang nagturo sa kamalian ng teoriya ni Newton. Sa dulo ng ika-19 na siglo, nabatid na ang ligiran ay nagpakita ng kaunting mgaperturbasyon na hindi buong maipapaliwanag ng teoriya ni Newton ngunit ang lahat ng mga paghahanap sa isang pang katawang nagugulo gaya ng isang planetang umikot saaraw na mas malapit kesa sa Mercury ay hindi naging mabunga. Ang isyung ito ay nalutas noong 1916 ngteoriyang pangkalahatang relatibidad niAlbert Einstein na nagpaliwanag ng maliit na pagkakaiba sa ligiran ng planetang Mercury.