Anggonad ay ang organong gumagawa ng mgagameto. Ang mga gonad sakalalakihan ay ang mgaitlog ng bayag at ang mga gonad sakababaihan ay ang mgabahay-itlog. Ang produktong gameto ay mga selulanglithayop obinhi (germ cell) nahaploid. Halimbawa, angispermatosoon atobum (itlog) ay mga gameto. Bagamang sa agham, ang katawagang "gonad" ay maaaring tumukoy sa panlalaking gonad (testis) o kaya sa pambabaeng gonad (mgaobaryo), ang gonad sa bernakular o salitang-kanto ay tumutukoy lamang sa itlog ng bayag o testis.
Nagsisimulang umunlad ang mga gonad bilang isang pangkaraniwanganlage, sa anyo ng mgatalungtong na panggonad, at sa paglaon lamang na maipagkakaiba sa panlalaki o kaya pambabaeng mgaorganong pangkasarian. Ang pagkakaroon nghenengSRY, na nasakromosomang Y at pagsasakodigo ngpaktorang nagtatakda ng itlog ng bayag, ang nagtatakda ng pagkakaibang pangkasarian na panglalaki. Sa kawalan ng heneng SRY mula sa kromosomang Y, umuunlad naman ang kasariang pambabae (bahay-itlog o obaryo sa halip na itlog ng bayag o testis).