Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Gitnang Kabisayaan

Mga koordinado:10°00′N123°30′E / 10°N 123.5°E /10; 123.5
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gitnang Kabisayaan

Tunga-tungang Kabisay-an
Rehiyon VII
Cebu Metropolitan Cathedral in Cebu City, Cebu
Chocolate Hills in Carmen, Bohol
Taas at baba: Cebu Metropolitan Cathedral (Cebu); atChocolate Hills (Bohol).
Palayaw: 

Lokasyon sa Pilipinas
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado:10°00′N123°30′E / 10°N 123.5°E /10; 123.5
BansaPhilippines
Pangkat ng mga PuloKabisayaan
Sentro ng RehiyonLungsod ng Cebu
Lawak
 • Kabuuan15,895.66 km2 (6,137.35 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2024)
 • Kabuuan6,640,875
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo ng ISO 3166PH-07
Mga lalawigan
Mga lungsod
Mga Munisipalidad91
Mga Barangay2,312
Mga Distrito11
Mga Wika

AngGitnang Kabisayaan (Ingles:Central Visayas) ay isangrehiyon ngPilipinas na matatagpuan sa mga kapuluan ng Kabisayaan. Binubuo ito ng dalawanglalawigan:Bohol,Cebu, at ng mga nagsasarilinglungsod ngCebu,Lapu-Lapu, atMandaue. Katutubong sinasalita ang wikangSebwano. Ang lungsod ng Cebu ang sentro ng rehiyon.

Mga Lalawigan at mga Lungsod

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang Gitnang Kabisayaan ay binubuo ng 2 na mga lalawigan at 3 mataas na urbanisadong lungsod.

Mapang pampolitika ng Gitnang Kabisayaan
Lalawigan/LungsodKabiseraWikaPopulasyon
(2015)[1]
Lawak
(km²)
Kakapalan
(/km²)
BoholLungsod ng TagbilaranWikang Sebwano1,313,5604,820.95272.5
CebuLungsod ng CebuWikang Sebwano2,938,9824,943.72594.5
Lungsod ng Cebu¹Wikang Sebwano922,611315.002,928.9
Lungsod ng Lapu-Lapu¹Wikang Sebwano408,11258.107,024.3
Lungsod ng Mandaue¹Wikang Sebwano362,65425.1814,402.46

Bagaman angLungsod ng Cebu,Lungsod ng Mandaue, atLungsod ng Lapu-Lapu ay kadalasang nakapangkat sa ilalim ng lalawigan ngCebu para sa layuning estadistikal ng Pambansang Tanggapan ng Estadistika, bilang mga mataas na urbanisadong lungsod sila ay nagsasarili at hindi pinapamahalaan ng lalawigan ng Cebu.

Demograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Senso ng Populasyon ng Gitnang Kabisayaan
TaonPop.±% p.a.
19904,594,124—    
20005,706,953+2.19%
20106,800,180+1.77%
20157,396,898+1.61%
Nabibilang ang Negros Oriental sa datos ng taong 2015.
Source:Philippine Statistics Authority[2][3][4][5]

Ayon sa pinakahuling senso noong 2015, umabot sa 7 milyon ang populasyon ng Gitnang Kabisayaan. Ang Rehiyon VII ang ikalimang pinakamataong rehiyon ngPilipinas.

AngSebwano ang pinakalaganap na wika sa rehiyon. Nakakaintindi rin ang nakakarami ngTagalog,Ingles.

Transportasyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Pandagat

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Isang fastcraft terminal para sa mga pasaherong mulaCebu patungongNegros.

Dahil nahihiwalay ng dagat ang mga lalawigan sa rehiyon, isang malaking industriya sa rehiyon ang transportasyong pandagat. Ang Pantalan ng Cebu ang pangunahing daungan sa rehiyon na siya ring pinakamalaking daungan sa buong Kabisayaan. May mga biyahe rito papunta sa iba't ibang parte ng Kabisayaan, Mindanao at Luzon. Mayroon ring mga daungan sa ibang bahagi ng lalawigan ng Cebu. Marami ring daungan sa Bohol, Negros Oriental at Siquijor. Ilan dito ang mga pantalan ng Dumaguete, Tagbilaran at Larena.

Panghimpapawid

[baguhin |baguhin ang wikitext]
AngPaliparang Pandaigdig ng Mactan–Cebu.

AngPaliparang Pandaigdig ng Mactan–Cebu, na matatagpuan saLungsod ng Lapu-Lapu, ay ang ikalawang pinakaabalang paliparan sa Pilipinas (pagkatapos ngPaliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino) saKalakhang Maynila at ang tanging paliparan sa Kabisayaan na may mga pandaigdigang paglipad (maliban saPaliparang Pandaigdig ng Kalibo).

Mga Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities Based on 1990, 2000, and 2010 CensusesNaka-arkibo 2013-09-28 saWayback Machine. 2010 Census and Housing Population
  2. Census of Population (2015)."Region VII (Central Visayas)".Total Population by Province, City, Municipality and Barangay.PSA. Nakuha noong20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  3. Census of Population and Housing (2010).Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities(PDF).NSO. Nakuha noong29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  4. Census of Population and Housing (2010)."Region VII (Central Visayas)".Total Population by Province, City, Municipality and Barangay.NSO. Nakuha noong29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007)."Region VII (Central Visayas)".Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007.NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) CS1 maint: url-status (link)
Luzon
Kabisayaan
Mindanao
Dating Rehiyon


PilipinasAng lathalaing ito na tungkol saPilipinas ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Gitnang_Kabisayaan&oldid=2158003"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp