Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Gitnang Asya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gitnang Asya
Sukat4,003,451 km2 (1,545,741 sq mi)
Populasyon74,338,950 (2020) (ika-16)[1]
Densidad ng populasyon17.43 katao / km2 (6.73 katao / mi2)
GDP (PPP)$1.0 trilyon (2019)[2]
GDP (nominal)$300 bilyon (2019)[2]
GDP kada kapita$4,000 (2019; nominal)[2]
$14,000 (2019; PPP)[2]
HDIIncrease0.779 (mataas)
Pantawagtaga-Gitnang Asya
Gitnang Asyano
Mga bansa
Mga wikaBuryat,Kalmyk,Karakalpak,Kazakh,Kyrgyz,Mongol,Ruso,Tajik,Turkmen,Uyghur,Uzbek, at iba pa
Mga sona ng oras
InternetTLD.kg,.kz,.tj,.tm,.uz
Kodigo sa pagtawagSona 9 maliban sa Kasakistan (Sona 7)
Mga malalaking lungsod
UN M49 code143 – Gitnang Asya
142Asya
001Mundo
a Kabilang lang ang mga may populasyon naa lagpas 500,000 katao.

Gitnang Asya ang rehiyon ngAsya mula sa silangang baybayin ngDagat Kaspiyo hanggang sa kanlurang bahagi ngTsina atMongolia, at mula sa katimugang bahagi ngRusya hanggangIran atApganistan sa timog.[3] Sa kasalukuyang depenisyon ng rehiyon, kinabibilangan nito ang mga dating republika ngUnyong Sobyet naKasakistan,Kirgistan,Tayikistan,Turkmenistan, atUsbekistan, bagamat sinasama rin angApganistan ng ilang depenisyon.[3][4] Kilala rin ang rehiyon sa impormal na tawag nito namgastan dahil sa pagkakaroon ng mga pangalan ng mga bansang nandito nghulapingPersyano na nangangahulugang "lupain [ng mga]".[4] Sa kasaysayan, ang naturang lugar ay kilala naman sa tawag naTurkestan atTuran.

Daanan ang Gitnang Asya para sa mga kultura at sibilisasyon ngEuropa at Asya simula pa noon. Binabagtas ngDaang Sutla ang rehiyon upang makarating ang mga Europeo sa Asya at mga Asyano sa Europa.[4] Dahil dito, naging isa sa mga mahahalagang sentro ng kalakalan ang rehiyon sa malaking bahagi ng kasaysayan. Maraming lahi at kultura ang umusbong at yumabong sa lugar, partikular na anglahing Irani at kalaunan, anglahing Turkiko. Pagsapit ng ika-19 na siglo, naging dominante sa lugar angmga Ruso atEslabo dahil sa paglaki ngImperyong Ruso at noong sumunod na siglo, angUnyong Sobyet. Sa ngayon, mga Europeo ang dominanteng lahi ng tao na naninirahan sa lugar.[3] Dahil naman sa mga patakaran noong panahon niJoseph Stalin, may malaki-laki ring populasyon ng mga Koreano sa rehiyon.[5] Noong 2020, ang limang bansang nasa loob nito ay may kabuuang populasyon na aabot ng 74 milyong katao.[1]

Saklaw

[baguhin |baguhin ang wikitext]

SiAlexander von Humboldt ang isa sa mga unangheograpo na nagbanggit sa Gitnang Asya bilang isang hiwalay na rehiyon ng kontinente ng Asya. Gayunpaman, ang tiyak na saklaw ng rehiyon na ito ay pabago-bago. Sa kasaysayan, ginagamit ng mga akademiko ang heograpiyang politikal at kultura upang bigyang-kahulugan ang saklaw ng rehiyon.[6] Para kay Humboldt, ang rehiyon ay nasa pagitan ng 5° Hilaga at 5° Timog ng latitud na 44.5° Hilaga.[7] Binanggit din niya ang ilan sa mga katangiang heograpikal ng naturang rehiyon, kagaya ngDagat Kaspiyo sa kanluran, angkabundukang Altai sa hilaga, at angHindu Kush atkabundukang Pamir sa timog.[8] Wala siyang tinukoy na hangganan sa silangan. Samantala, kinuwestiyon ng Rusong heograpo na si Nikolai Khanykov ang depenisyon na ito na nakabatay sa latitud, at nagmungkahi na gamitin na lang ang isang depenisyon na nakabatay sa pisikal na lugar ng rehiyon.[9][10][11]

Mapang politikal ng Gitnang Asya, kasama angApganistan.
Pinalawig na saklaw ng Gitnang Asya ayon sa mga depenisyon. Madilim na berde ang kulay ng mga pinakakaraniwang kasama sa rehiyon. Berde naman ang Apganistan, na madalas ding isinasama sa rehiyon, samantalang magaan na berde naman ang kulay ng iba pang mga lugar na minsan ding kasama.
Saklaw ng Gitnang Asya ayon sa tatlong opisyal na depenisyon.

Sakulturang Ruso, may dalawang salita para sa rehiyon:Srednyaya Aziya (Ruso:Средняя Азия) atTsentralnaya Aziya (Ruso:Центральная Азия). Mas malawak ang saklaw ngTsentralnaya Aziya kesa saSrednyaya Aziya; sakop lang ng historikal na Rusya (Imperyong Ruso atUnyong Sobyet) ang saklaw ngSrednyaya Aziya, samantalang kasama naman saTsentralnaya Aziya ang mga lugar tulad ngApganistan atSilangang Turkestan (Xinjiang).[11] Sa depinisyon ngUnyong Sobyet, ang saklaw ng 'Gitnang Asya' ay ang mga republika ng Kirgistan, Tayikistan, Turkmenistan, at Usbekistan; hindi kasama angKasakistan sa depenisyong ito.[12] Gayunpaman, pagkataposbumagsak ang Unyong Sobyet noong 1991, nagkasundo ang mga pinuno ng rehiyon na isama sa depenisyon ng saklaw angKasakistan. Sa ngayon, ang depenisyong ito ang ginagamit ng maraming larangan. Samantala, sa isang aklat ngUNESCO noong 1993, Gitnang Asya ang rehiyon na kinabibilangan ng "Apganistan, hilagang-silangangIran, hilaga at gitnangPakistan, hilagangIndia, kanlurangTsina,Mongolia, at ang mga republika saGitnang Asya ng Unyong Sobyet."[7]

Isang alternatibong pagtingin sa saklaw ng rehiyon ay sa pamamagitan ng mgapangkat-etniko na naninirahan sa lugar. Ilan sa mga pinakamalalaking pangkat sa rehiyon ay anglahing Turkiko,Irani, atMongol. Kung ganito ang pananaw, mapapabilang sa rehiyon ang nagsasariling rehiyon ngXinjiang saTsina, gayundin ang katimugang bahagi ng Rusya, Apganistan, ang hilaga at kanlurang bahagi ng Pakistan, at ang lambak ngKashmir. Sinasama rin angTibet sa ilang depenisyon.[13][14][15]

Heograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Mapang topograpiko ng Gitnang Asya.
Mapang topograpiko ng Gitnang Asya.

Sari-sari ang heograpiya ng Gitnang Asya, mula sa mga nagtataasang kabundukan ngPamirs,Hindu Kush, atTian Shan, hanggang sa mga disyerto ngTakla Makan,Gobi,Karakum,Kyzylkum.[4] Sikat din ang rehiyon dahil sa mga malalawak nitongestepa, lalo na angestepa ng Eurasya.[4] Tuyo at hindi bagay para taniman ang malaking bahagi ng rehiyon, dahil na rin sa mga estepa at disyerto sa lugar, bukod pa sa mga bundok na nandito. Kaya naman, marami sa mga naninirahan dito ay nag-aalaga ng mga hayop at nagtatrabaho sa mga lungsod.[4][16]

Katimugang bahagi ng lawa ngIssyk Kul saKirgistan.
Ang pagliit ngDagat Aral mula 1989 hanggang 2014.

Ilan sa mga malalaking ilog sa rehiyon ay ang ilog ngSyr Darya,Amu Darya,Irtysh,Hari, at angMarghab.[3] Dito rin makikita ang mga malalakinglawa ngDagat Kaspiyo,Balkash, at angDagat Aral.[16] Ang huli sa mga nabanggit na lawa ay isa sa mga pinakamalalaking lawa sa mundo noon, pero dahil sa mga proyektong pang-irigasyon ng mga Sobyet sa lugar simula noong 1960s, unti-unti itong lumiit hanggang sa tuluyang itong matuyo noong 2010s.[17]

Klima

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Ang Gitnang Asya ayon saklasipikasyong pangklimang Köppen.

Tuyo ang klima ng 60% ng Gitnang Asya.[18] Mainit ang tag-init, samantalang malamig naman tuwing taglamig.[3] Bihirang umulan sa lugar, pinakamababa mula Hulyo hanggang Setyembre at pinakamataas pagsapit ng Marso o Abril, na susundan naman ng tagtuyo mula Mayo hanggang Hunyo. Dahil sa natatanging heograpiya sa lugar, malalakas ang hangin dito, na minsa'y nakakagawa ng mga malalaking bagyong alikabok lalo na tuwing tag-init mula Setyembre hanggang Oktubre. Ang mga lungsod ngSamarkand saUsbekistan,Ashgabat saTurkmenistan, atDushanbe saTayikistan ang ilan sa mga lugar sa rehiyon na nakakatanggap ng pinakamaraming ulan, na madalas umaabot nang lagpas 560 milimetro (22 in). Kung pag-uusapan angbioheograpiya ng lugar, kabilang ang Gitnang Asya saekosonangPaleartiko.[19]

Isa ang rehiyon sa mga pinakanasa peligro pagdating sapagbabago ng klima dulot ngpag-init ng mundo. Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa, nakakaranas ang rehiyon ng mas matataas na temperatura kesa sa pandaigdigang karaniwan.[20]

Kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Kasaysayan ng Gitnang Asya

Kumpara sa mga karatig na lugar nito tulad ngGitnang Silangan atTsina, kaunti lang ang mga magpagkukunan ng mga historyador ukol sa kasaysayan ng Gitnang Asya. Ipinagpapalagay nila na dahil ito sa pagiging "daanan" ng naturang lugar. Ang modernong kaalaman sa sinaunang kasaysayan ng rehiyon ay nakabase madalas sa mga isinulat ng mga tagalabas, partikular na ang mgaPersyano atTsino.[21] Gayunpaman, nakakatiyak ang mga historyador na isa ang rehiyon sa mga pinakaunang nakaimbento sagulong, gayundin sa mgakarong pandigma simula noong tinatayang 2000 BKP hanggang 1500 BKP sa ngayo'yKasakistan.[21]

Isa angmga Eskito sa mga pinakaunang tukoy na grupo ng mga tao na nanirahan sa Gitnang Asya. Orihinal na galing saTrasya sa kanluran, nagawa nilang manirahan sa rehiyon dahil na rin saestepa ng Eurasya simula noong ika-7 milenyo BKP hanggang ika-3 milenyo BKP.[3] Samantala, nagawa rinXiongnu, isang kumpederasyon ng mga tribo sa ngayo'y kanlurangTsina atMongolia at pinaniniwalaang mga ninuno ngmga Hun, na makarating at manirahan sa rehiyon simula noong ika-3 siglo BKP. Naging imperyo sila, hanggang sa matalo sila ngmga Han ng Tsina sa isangdigmaan na nagtagal nang ilang siglo.[3]

Noong bandang ika-8 siglo, naging dominante sa lugar anglahing Turkiko tulad ngmga Uyghur. Itinuturing bilang ang unang mahalagang lahing Turkiko sa lugar, sila ay mga negosyanteng responsable sa kalakalan sa pagitan ng Tsina at ng Europa noong panahong yon. Bumagsak sila kalaunan noong bandang 840 KP.[21]

Nakaranas ang rehiyon ng panahon ng kaguluhan mula noong ika-10 hanggang ika-13 siglo dahil sa mga kaganapan sa paligid nito, partikular na ang pagbagsak ng sentralisadong pamahalaan ng Tsina sa silangan. Habang nangyayari ito, mabilis ding kumalat ang relihiyongIslam mula sa Gitnang Silangan dahil na rin sa mga negosyantengMuslim na nakipagkalakalan sa lugar. Naging sentro ng relihiyon sa lugar noong panahong yon angSamarkand atBukhara.[21][3]

Noong 1200s, sinakop ngImperyong Mongol ang halos kabuuan ng rehiyon sa isang serye ng mga matatagumpay na kampanyang pangmilitar. Matapos bumagsak ang imperyo, nahati ang rehiyon sa mgakanato. Pagsapit ng ika-15 siglo, nagawa ngmga Uzbek na masakop ang mga ito.[3]

AngImperyong Ruso mula sa hilaga ang sumunod na pinakamalakas na puwersa sa lugar. Mula 1700s hanggang 1870s, isa-isa nitong sinako ang mga maliliit na estado sa lugar. Nagsimulang maimpluwensyahan ang mga naninirahan sa rehiyon simula sa puntong ito. Gayunpaman, matapos ngRebolusyong Ruso noong 1917 na nagpabagsak sa imperyo at nagbigay-daan sa mgakomunistangSobyet upang manungkulan sa lugar, ang impluwensiyang ito ay lalo pang napabilis. Angekonomiyang planado sa ilalim ng sistemang komunismo ang naging modelo ng ekonomiya sa rehiyon sa halos kabuuan ng ika-20 siglo.[3]

Noong 1920s, hinati ngUnyong Sobyet ang rehiyon sa limang republika:Kasakistan,Usbekistan,Kirgistan,Tayikistan, atTurkmenistan. Mataposbumagsak ng Unyong Sobyet noong 1991, kabilang ang limang republikang ito sa mga naging malayang estado.[3]

Sa ika-21 siglo, unti-unting lumipat ang mga republika sa Gitnang Asya samalayang merkado bilang modelo ng kani-kanilang bansa. Gayunpaman, nananatili pa ring isyu sa lugar ang pagbabago ng klima at pag-init ng mundo, bukod pa sa mga isyung politikal at panlipunan na nananatili sa lugar.

Mga bansa

[baguhin |baguhin ang wikitext]
BansaLawak
km2
Populasyon

[22][23]
(2021)

Densidad
per km2
GDP (nominal) (2017)
GDP (kada kapita)
(2017)
HDI (2017)KabiseraOpisyal na wika
 Kasakistan2,724,900

19,196,465

6.3$160.839 bilyon$8,8410.788AstanaKazakh,Ruso
 Kirgistan199,950

6,527,743

29.7$7.061 bilyon$1,1440.655BishkekKyrgyz,Ruso
 Tayikistan142,550

9,750,064

60.4$7.146 bilyon$8240.624DushanbeTajik,Ruso
 Turkmenistan488,100

6,341,855

11.1$37.926 bilyon$6,6430.688AshgabatTurkmen
 Usbekistan448,97833,905,800[24]69.1$47.883 bilyon$1,4910.701TashkentUzbek

Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.1"Population of Central Asia (2019 and historical)" [Populasyon ng Gitnang Asya (2019 at historikal)].Worldometers (sa wikang Ingles). Nakuha noong5 Abril 2023.
  2. 2.02.12.22.3"International Monetary Fund: 5. Report for Selected Countries and Subjects" [Pandaigdigang Pondong Pananalapi: 5. Ulat para sa mga Piling Bansa at Paksa].imf.org (sa wikang Ingles). IMF. Outlook Database, Oktubre 2019
  3. 3.003.013.023.033.043.053.063.073.083.093.10"Central Asia" [Gitnang Asya].Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong6 Abril 2023.
  4. 4.04.14.24.34.44.5Berglee, Royal."8.7 Central Asia and Afghanistan" [8.7 Gitnang Asya at Apganistan] (sa wikang Ingles).University of Minnesota. Inarkibo mula saorihinal noong 5 Abril 2023. Nakuha noong5 Abril 2023.
  5. Iakupbaeva, Zukhra (28 Agosto 2019)."Central Asia's Koreans in Korea: There and (Mostly) Back Again" [Mga Koreano ng Gitnang Asya sa Korea: Doon at (Madalas) Balik Uli].Open Democracy (sa wikang Ingles). Nakuha noong5 Abril 2023.
  6. Akif Okur, Mehmet (2014)."Classical Texts of the Geopolitics and the "Heart of Eurasia"" [Mga Klasikal na Teksto ng Heopolitika at ang "Puso ng Eurasya"](PDF).Journal of Turkish World Studies (sa wikang Ingles).XIV (2): 73–104.
  7. 7.07.1Dani, A. H. (1993).History of Civilizations of Central Asia: The Dawn of Civilization: Earliest Times to 700 B.C. [Kasaysayan ng mga Sibilisasyon ng Gitnang Asya: Ang Simula ng Sibilisasyon: Sinaunang Panahon hanggang 700 BKP] (sa wikang Ingles). UNESCO.ISBN 978-92-3-102719-2.
  8. von Humboldt, Alexander (1843).Asie centrale [Gitnang Asya] (sa wikang Pranses). Paris, Gide. p. 17.
  9. Cummings, Sally N. (2013).Understanding Central Asia: Politics and Contested Transformations [Pag-unawa sa Gitnang Asya: Politika at Pinagtatalunang Pagbabago] (sa wikang Ingles). Routledge.ISBN 978-1-134-43319-3.
  10. Saez, Lawrence (2012).The South Asian Association for Regional Cooperation (SAARC): An emerging collaboration architecture [Ang Asosasyon ng Timog Asya para sa Kooperasyong Panrehiyon (SAARC): Isang sumisibol na arkitektura sa kolaborasyon] (sa wikang Ingles). Routledge.ISBN 978-1-136-67108-1.
  11. 11.011.1Cornell, Svante E.Modernization and Regional Cooperation in Central Asia: A New Spring? [Modernisasyon at Kooperasyong Panrehiyon sa Gitnang Asya: Isang Bagong Tagsibol?](PDF) (sa wikang Ingles). Central Asia-Caucasus Institute and the Silk Road Studies.
  12. Scarborough, Isaac (31 Agosto 2021)."Central Asia in the Soviet Command Economy" [Gitnang Asya sa Ekonomiyang Minamando ng mga Sobyet].Oxford University Research (sa wikang Ingles).doi:10.1093/acrefore/9780190277727.013.504. Nakuha noong6 Abril 2023.
  13. Polo, Marco; Smethurst, Paul (2005).The Travels of Marco Polo [Mga Paglalakbay ni Marco Polo] (sa wikang Ingles). p. 676.ISBN 978-0-7607-6589-0.
  14. Ferrand, Gabriel (1913)."Ibn Batūtā", Relations de voyages et textes géographiques arabes, persans et turks relatifs à l'Extrème-Orient du 8e au 18e siècles ["Ibn Batuta, Mga ulat sa paglalakbay at tekstong pangheograpiya ng mga Arabo, Persyano, at Turkiko ukol sa Malayong Silangan mula ika-8 hanggang ika-18 siglo] (sa wikang Pranses).Paris,Pransiya: Ernest Laroux. pp. 426–458.
  15. Andrea, Bernadette. "Ibn Fadlan's Journey to Russia: A Tenth‐Century Traveler from Baghdad to the Volga River by Richard N. Frye: Review by Bernadette Andrea" [Ang Paglalakbay ni Ibn Fadlan sa Rusya: Isang Manlalakbay ng Ikasampung Siglo mula Baghdad papuntang Ilog Volga ni Richard N. Frye: Rebyu ni Bernadette Andrea].Middle East Studies Association Bulletin (sa wikang Ingles).41 (2): 201–202.doi:10.1017/S0026318400050744.S2CID 164228130.
  16. 16.016.1Liu, Haijun; Chen, Yaning; Ye, Zhaoxia; Li, Yupeng; Zhang, Qifei (7 Nobyembre 2019)."Recent Lake Area Changes in Central Asia" [Mga Kamakailang Pagbabago sa Lawak ng mga Lawa sa Gitnang Asya].Scientific Reports (sa wikang Ingles).9. Nakuha noong7 Abril 2023.
  17. Howard, Bryan Clark (2 Oktubre 2014)."Aral Sea's Eastern Basin Is Dry for First Time in 600 Years" [Natuyo na ang Silangang Saluhan ng Dagat Aral sa Kauna-unahang Pagkakataon sa loob ng 600 taon].National Geographic (sa wikang Ingles). Nakuha noong7 Abril 2023.
  18. "Climate change is turning more of Central Asia into desert" [Lalo pang nagiging disyerto ang Gitnang Asya].Nature (sa wikang Ingles). 16 Hunyo 2022. Nakuha noong7 Abril 2023.
  19. Magin, Chris (Agosto 2005)."World Heritage Thematic Study for Central Asia" [Tematikong Pag-aaral sa Pandaigdigang Pamana para sa Gitnang Asya](PDF) (sa wikang Ingles).IUCN. Nakuha noong7 Abril 2023.
  20. Talant, Bermet (1 Hulyo 2022)."How Is Climate Change Affecting Central Asia?" [Paano Nakakaapekto ang Pagbabago ng Klima sa Gitnang Asya?].Radio Free Europe (sa wikang Ingles). Nakuha noong7 Abril 2023.
  21. 21.021.121.221.3"Central Asia: A Historical Overview" [Gitnang Asya: Isang Pangkasaysayang Pagtingin].Asia Society (sa wikang Ingles). Nakuha noong12 Abril 2023.
  22. "World Population Prospects 2022".population.un.org.United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. Nakuha noong17 July 2022.
  23. "World Population Prospects 2022: Demographic indicators by region, subregion and country, annually for 1950-2100" [World Population Prospects 2022: Mga panukoy pang-demograpiko batay sa rehiyon, subrehiyon, at bansa, taunan mula 1950-2100](XSLX).population.un.org ("Kabuuang populasyon, tumpak noong ika-1 ng Hulyo (libo)") (sa wikang Ingles).United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. Nakuha noongJuly 17, 2022.
  24. "Demographic situation (January–December 2019)" [Sitwasyong demograpiko (Enero-Disyembre 2019)] (sa wikang Ruso). stat.uz. 25 Enero 2020.Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Oktubre 2020. Nakuha noong12 Abril 2023.

Link sa labas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Gitnang Asya mula sa mgakapatid na proyekto ng Wikipedia
International
National
Artists
Other
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Gitnang_Asya&oldid=2145617"
Mga kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp