Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Mga Ghaznavid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saGhaznavid)

Angdinastiyang Ghaznavid (Persia:غزنویانġaznaviyān) ay isangPersyanisadong[1] dinastiyangMuslim na may pinagmulang Turkong mamluk,[2][a][3] sa kanilang pinakamalawak na lawak, pinamunuan ang malaking bahagi ngIran,Afghanistan, at karamihan ng Transoxiana at ang hilagang-kanlurangsubkontinenteng Indiyano mula 977 hanggang 1186.[4] Itinatag ang dinastiya ni Sabuktigin sa paghalili niya upang pamunuan ang Ghazna pagkatapos mamamatay ng kanyang biyenang si Alp Tigin, na isang datingheneral ng Imperyong Samanid mula sa Balkh, hilaga ngHindu Kush sa Kalakhang Khorasan.

Bagaman nagmula ang dinastiya saGitnang Asya na Turko, lubusan itong na-Persyanisado na nakita sawika,kalinangan,panitikan at ugali[b][5][c][6] at kaya dito, tinatawag itong "dinastyiang Persiyano."[7]

Idineklara ang kalayaan ng anak ni Sabuktigin na si Mahmud ng Ghazni mula sa Imperyong Samanid[8] at pinalawak ang Imperyong Ghaznavid saAmu Darya, angIlog Indus at angKaragatang Indiyano sa silangan at sa Rey atHamadan sa kanluran. Sa ilalim ng pamumuno ni Mas'ud I, nagsimula nawala ang kontrol ng dinastiyang Ghaznavid sa mga kanlurang teritoryo nito sadinastiyang Selyusida pagkatapos ng Labanan ng Dandanaqan, na nagresulta sa isang restriksyon ng mga ari-arian nito sa mga lugar sa ngayon na Afghanistan, atPakistan (Punjab atBalochistan).[9][10] Noong 1151, nawala kay Sultan Bahram Shah ang Ghazni sa hari ng Ghurid na si Ala al-Din Husayn.

Pagbangon sa kapangyarihan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Laban sa pagitan nina Mahmud ng Ghazni at Abu 'Ali Simjuri.

Bumangon ang dalawang pamilyang militar mula sa Turkong aliping-guwardiya ng Imperyong Samanid, ang mga Simjurid at mga Ghaznavid, na napatunayan sa huli na nakakapinsala sa mga Samanid. Nakatanggap ang mga Simjurid ng isangappanage (o lupaing ibinigay upang pakinabangan ng kaanak) sa rehiyong Kohistan ng silangang Khorasan. Nakipagkumpitensya ang mga heneral na Samanid na sina Alp Tigin at Abu al-Hasan Simjuri para sa pagiging gobernador ng Khorasan at kontrol ng Imperyong Samanid sa pamamagitan ng paglalagay sa trono ng mgaemir na kanilang madodomina pagkatapos mamatay ni Abd al-Malik I noong 961. Nakalikha ng krisis sa paghalili ang kanyang kamatayan sa pagitan ng kanyang mga kapatid. Sinulsol ang isang partidong korte ng mga lalaki ng pang-eskribang uri — mga sibilyang ministro imbis na mga Turkong heneral — na tinanggihan ang kandidatura ni Alp Tigin para sa trono ng Samanid. Nailuklok si Mansur I sa halip, at maingat na nagretiro si Alp Tigin sa timog ngHindu Kush, kung saan binihag niya ang Ghazna at naging pinuno ng lungsod bilang isang awtoridad na Samanid.[4] Natamasa ng mga Simjurid ang kontrol ng Khorasan sa timog ng Amu Darya pero pilit na pinipili ng isang pangatlong malaking dinastiyangIraniyano, ang dinastiyang Buyid, at hindi nanatili sa pagbagsak ng mga Samanid at sa sumunod na pagbangon ng mga Ghaznavid.

Mga pananda

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Ang mga Ghaznavid ay isang dinastiya ng Turkong aliping-sundalo...[2]
  2. "Namana ng mga Ghaznavid ang administratibo, pampolitika, at pangkalinangang tradisyon ng Samanid at nilatag ang pundasyon para sa isang estadong Persyanisado sa hilang Indya. ..."[5]
  3. Sinubok din Nizam al-Mulk ang iorganisa ang administrasyong Selyusida sang-ayon sa Persyanisadong modelong Ghaznavid.[6]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Arjomand 2012, p. 410-411. harv error: no target: CITEREFArjomand2012 (help)
  2. 2.02.1Levi & Sela 2010, p. 83. harv error: no target: CITEREFLeviSela2010 (help)
  3. Bosworth 1963, p. 4. harv error: no target: CITEREFBosworth1963 (help)
  4. 4.04.1Bosworth 2006. harv error: no target: CITEREFBosworth2006 (help)
  5. 5.05.1Ziad 2006, p. 294. harv error: no target: CITEREFZiad2006 (help)
  6. 6.06.1Meisami 1999, p. 143. harv error: no target: CITEREFMeisami1999 (help)
  7. Spuler 1970, p. 147. harv error: no target: CITEREFSpuler1970 (help)
  8. Bosworth 1975, p. 170. harv error: no target: CITEREFBosworth1975 (help)
  9. Amirsoleimani 1999, p. 243. harv error: no target: CITEREFAmirsoleimani1999 (help)
  10. Spuler 1991, p. 1051. harv error: no target: CITEREFSpuler1991 (help)
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Mga_Ghaznavid&oldid=2135659"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp