Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Geronimo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Gerónimo, ang pinuno ng mga Apache na Chiricahua. Litratong kuha niFrank A. Rinehart noong 1898.

SiGerónimo (Chiricahua atMescalero-Chiricahua:Goyaałé o 'Isang Humihikab'; na karaniwang binabaybay bilangGoyathlayIPA[kòjàːɬɛ́] oGoyahkla[1][2]) (ipinanganak noong 16 Hunyo 1829 – namatay noong 17 Pebrero 1909) ay isang kilalang pinunongAmerikanong Katutubo, subalit hindi pinuno ng tribongApacheng Chiricahua, subalit isa siyang Apacheng Bedonkohe. Ipinanganak siya sa nakikilala sa kasalukuyan bilang ang estado ngNew Mexico (Bagong Mehiko) saEstados Unidos. Isa rin siyang iginagalang nataong manggagamot (isang uri ngsalamangkero). Ang pangalang "Geronimo" ay ibinigay sa kaniya ng mga sundalong Mehikano na maaaring tumawag kaySan Jeronimo habang nakikipaglaban sa kaniya o isinulat o isinalinwika ang kaniyang pangalan nang may kamalian papunta sawikang Kastila. Namuno si Geronimo ng 38 mga lalaki, mga babae, at mga batang Apache upang tutulan ang mapapunta sa mgareserbasyon ngpamahalaan ng Estados Unidos o ang madakip ng Hukbong Mehikano. Nilabanan niya ang pagpapalawak ng Estados Unidos na sasaklaw sa mga lupain ng mga tribong Apache sa loob ng maraming mga dekada, isang kapanahunang tinawag naMga Digmaang Apache. Pagkaraan ng isang paglusob ng isang kompanya ng mga sundalo ng Mehiko na naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ina, asawa at tatlong mga anak noong 1858, sumali si Geronimo sa mga paglusob nang paghihiganti laban sa mga Mehikano.[3] Noong panahon ng kaniyang larangan bilang isang pinuno ng digmaan, kilalang-kilala siya sa walang tigil na panghihikayat ng biglaang paglusob sa mga Lalawigan ng Mehiko at sa kanilang mga bayan, at sa pagdaka ay laban sa mga lugar na Amerikano (mga pook ng Estados Unidos) sa kahabaang patawid saArizona, New Mexico at kanlurangTexas.[4]

Sumuko siya sa mga may-kapangyarihan ng Estados Unidos noong 1886 pagkalipas ng matagal na pagtugis. Pagkalipas nito, inilipat siya sa maraming iba't ibang mgakuta sa Estados Unidos. Bilang isangbilanggo ng digmaan na nasa kaniya nang katandaan, naging bantog siya at lumitaw sa ilang mga pagtatanghal o mga "perya"[5]. Noong 1904, noong panahon ngpagtatanghal na pandaigdigan (Eksposisyon ng Pagbili sa Louisiana) na ginanap saSt. Louis, Missouri, Estados Unidos, ay nagbenta siya ng mgasouvenir at mga litrato ng kaniyang sarili. Hindi siya kailanman pinayagan magbalik sa lupain ng kaniyang kapanganakan. Sa lumaon, pinagsisihan niya ang kaniyang pagsuko at nagreklamo na ang mga kondisyong ginawa niya ay binalewala ng pamahalaan ng Estados Unidos. Namatay siya noong 1909 dahil sa mga kumplikasyon ngpulmonya habang nasa Fort Sill, Oklahoma.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Mike Campbell."Meaning, Origin and History of the Name Geronimo". Behind the Name. Nakuha noongApril 19, 2012.
  2. "Geronimo".National Geographic Magazine.182: 52. 1992.{{cite journal}}:Unknown parameter|month= ignored (tulong)
  3. S.M. Barrett, pat. (1909,1915). "Kas-Ki-Yeh".Geronimo's story of his life. New York: Duffield & Company. Inarkibo mula saorihinal(Google Books) noong Abril 4, 2012. Nakuha noongMay 10, 2011.{{cite book}}:Check date values in:|date= (tulong)
  4. Ball, Eve "Indeh: An Apache Odyssey". University of Oklahoma Press. 1988.ISBN 0-8061-2165-3
  5. S.M. Barrett, pat. (1909,1915). "At the World's Fair".Geronimo's story of his life. New York: Duffield & Company. Inarkibo mula saorihinal(Google Books) noong Abril 4, 2012. Nakuha noongMay 10, 2011.{{cite book}}:Check date values in:|date= (tulong)
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Geronimo&oldid=2109821"
Mga kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp