SiGeorge Westinghouse (6 Oktubre 1846 - 12 Marso 1914) ay isang kilalangimbentor at tagapag-yari ng mga produktong-pangkalakalan(commercial) saEstados Unidos.[1]
Isinilang si Westinghouse saCentral Bridge, New York, bilang ika-walo sa walong magkakapatid. Dahil sa mga karanasan niya sa loob ng tindahang pang-makinaryang pang-pagsasaka, nakabuo si Westinghouse ng isangmakinang de-singaw atde-rotaryo. Mayroon siyang mahigit sa 400 mga patenteng pang-imbensiyon. Kabilang sa mga ambag niya sa larangan ng industriyang makabago ang mga sumusunod: isang linya ng mga tubong daluyan ng mga hanging-likas, ang naghahalin-hinang daloy ng kuryente para sa mgailaw atenerhiya, at mga eksperimento hinggil sa mga turbinang pasingaw-hangin at mga paluksong de-hangin (o mga muwelyeng de hangin). Kinandili rin niya ang pagpapabuti ng imbensiyon niNikola Tesla: ang motor na gumagana sa pamamagitan nginduksiyon. Itinitag ni Westinghouse angbahay-kalakal naWestinghouse Electric Company. Ang pinakamahalaga niyang likhain ay ang prenong de-hangin para sa mgatren.[1]