Anghenetikong pag-agos (tinatawag saIngles bilanggenetic drift,allelic drift, o angWright effect)[1] ay ang pagbabago sa kadalasan ng isang mayroon nang baryantenghene oallele sa isang populasyon dahil sa tsansangrandom (nangyari na lamang).[2]
Maaring idulot ng henetikong pag-agos na mawala ng tuluyan ang mga baryenteng hene at sa gayon, binabawasan ang baryasong henetiko.[3] Maaring idulot din nito ang inisyal na bihirang alelo na maging mas madalas at nakapirmi.
Kapag may iilang kopya ng alelo na mayroon na, mas napapansin ang epekto ng henetikong pag-agos, at kapag marami nang kopya, hindi na napapansin ang epekto. Sa kalagitnaan ngika-20 dantaon, nangyari ang mga malalakas na debate sa relatibong kahalagaan nglikas na pagpili laban sa nyutral na proseso, na kabilang ang henetikong pag-agos. Pinanghawakan ni Ronald Fisher, na ipinaliwanag ang likas na pagpili gamit anghenetikong Mendeliyano,[4] ang pananaw na maliit ang ginagampanan ng henetikong pag-agos saebolusyon, at namayani ang pananaw nito sa ilang mga dekada. Noong 1968, muling pinag-alab ng populasyong henetistang si Motoo Kimura ang pagtatalo sa pamamagitan ng kanyang teoriyang nyutral ng ebolusyong molekular, na nagsasabi na ang karamihan sa mga halimbawa kung saan kumakalat ang isang henetikong pagbabago sa isang populasyon (bagaman, hindi kinakailangan ang mga pagbabago sa mgapenotipo) ay idinulot ng henetikong pag-agos na gumaganap sa mga nyutral namutasyon.[5][6] Noong dekada 1990, iminungkahi ang konstruktibong nyutral na ebolusyon na naglalayong ipaliwanag kung papaano umusbong ang komplikadong mga sistema sa pamamagitan ng nyutral na mga paglipat.[7][8]