
AngGawad sa Manlilikha ng Bayan (National Living Treasures) o GAMABA ay naitatag sa bisa ng Batas Republika Bilang 7355 na naaprubahan noong April 3, 1992 upang kilalanin ang kahalagahan ng tradisyunal na manlilikhang pangbayan bilang natatanging daluyan ng kasanayan ng nakaraan at ng panghinaharap, mapanumbalik ang masining na tradisyon ng isang komunidad nang sa gayon ay protektahan ang mahalagang katotohanan ng Pilipinong kultura, magbigay ng mekanismo para kilalanin at matulungan ang mga kwalipikadong tradisyunal na manlilikhang pangbayan na mailipat ang kanilang mga kasanayan sa komunidad at lumikha ng mga oportunidad para mapasikat ang kanilang mga gawa sa lokal at internasyonal.[1] Ang ahensiya na nangangasiwa at nagpapatupad ng parangal na ito ay ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining.[2][3]
Nagmula ang Gawad sa Manlilikha ng Bayan sa 1988National Folk Artists Award na inorganisa ngRotary Club ng Makati-Ayala.[2]
Nagsimulang igawad ang Manlilikha ng Bayan noong 1993.[2]
Ang idinedeklarang Manlilikha ng Bayan ay nararapat maging dalubhasa sa paggamit ng mga materyales at kasangkapan na ginagamit sa paggawa ng tradisyunal na sining at nagagawa niya ang tradisyunal na sining na pambihira ang kalidad na pang-teknikal, nakagagawa ng tradisyunal na sining sa mahabang panahon nang tuloy-tuloy at may nakatataas na kalidad, nakagagawa ng tradisyunal na sining na umiiral at dokumentado sa 50 taon o higit pa, iginagalang at hinahangan ng bansa dahil sa kanyang pagkatao at dignidad, nagsasalin o may kagustuhang magsalin ng kanyang kasanayan sa tradisyunal na sining sa iba pang kasapi ng kanyang komunidad at kung saan naging kilala sa buong bansa ang kanyang komunidad. Subalit, maaari pa rin igawad ang pagiging Manlilikha ng Bayan kahit na hindi na niya maisasalin ang kanyang mga kasanayan sanhi ng kanyang gulang o kahinaan sa kondisyon na nagtataglay siya ng iba pang katangian ng pagiging Manlilikha ng Bayan.[4]
Ilan sa mga pribilehiyong matatanggap ng mga gagawaran ng parangal bilang Manlilikha ng Bayan ay ang pagkakaroon ng ranggo at titulo ng Manlilikha ng Bayan gaya ng nasasaad saExecutive Order No. 236 oHonors Code of the Philippines, pagtanggap ng medalyon ng GAMABA na nababalot ng ginto na gawa ngBangko Sentral ng Pilipinas, pagkakamit ng gantimpala na nagkahahalaga ng PhP200,000.00, pagkakaroon ng buwanang pensiyon na nagkakahalagang PhP50,000.00 at benepisyong pang-medikal na nagkakahalaga ng hindi hihigit sa PhP750,000.00 kada taon.[4]
| Manlilikha ng Bayan | Taon ng Paggawad | Sining/Kasanayan | Komunidad | Lugar |
|---|---|---|---|---|
| 1993 | makata | HanunooMangyan | Panaytayan,Oriental Mindoro | |
| Masino Intaray[6] | 1993 | musikero at gumagawa ng katha | Pala’wan | Brookes Point,Palawan |
| Samaon Sulaiman[7] | 1993 | musikero | Magindanao | Mama sa Pano,Maguindanao |
| Lang Dulay[8] | 1998 | manghahabi ng tela | T’boli | Lake Sebu,Timog Cotabato |
| 1998 | manghahabi ng tela | Tagabawa Bagobo | Bansalan,Davao del Sur | |
![]() | 2000 | musikero at mananayaw | Kalinga | Lubuagan,Kalinga |
![]() | 2000 | umaawit ngepiko | Sulod-Bukidnon | Calinog,Iloilo |
![]() | 2000 | musikero | Yakan | Lamitan,Basilan |
| Darhata Sawabi[13] | 2004 | manghahabi ng tela | Tausug | Parang,Sulu |
| 2004 | panday (metalsmith) | Kapampangan | Apalit,Pampanga | |
| Haja Amina Appi[15] | 2004 | manghahabi ng banig | Sama | Tandubas,Tawi-Tawi |
![]() | 2012 | gumagawa ngcasque | Ilocano | San Quintin,Abra |
![]() | 2012 | manghahabi ng tela | Ilocano | Pinili,Ilocos Norte |
![]() | 2016 | manghahabi ng tela | Yakan | Lamitan,Basilan |
| Estelita Bantilan[19] | 2016 | manghahabi ng banig | Blaan | Malapatan,Sarangani |
![]() | 2016 | manghahabi ng ikat | Blaan | Landan, Polomolok,Timog Cotabato |
| Adelita Romualdo Bagcal[21] | 2023 | dalubhasa sa mgatradisyong pasalita (kabilang angdallot) | Ilocano | Banna, Ilocos Norte |
| 2023 | pagbuburda (suyam) | Agusan Manobo | La Paz, Agusan del Sur | |
| Sakinur-ain Mugong Delasas[21] | 2023 | pagsasayaw ngigal | Sama | Bongao, Tawi-Tawi |
{{citation}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)