Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Gasolinahan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang gasolinahan ngPetron saPateros,Kalakhang Maynila.

Ang isanggasolinahan oestasyon ng gasolina ay isang pasilidad na nagtitinda ngpanggatong atlubrikante para sa mgasasakyang de-makina. Sa kasalukuyan, ang pinakakaraniwan na itinitindang panggatong ay anggasolina (o petrolyo) atdiesel. Para sa mgasasakyang de-kuryente, ang katapat na pasilidad ay isangkargahan o estasyon ng pagkarga.

May mga nakalagay nabomba ng gasolina (gasoline pump) ang isang gasolinahan na maaaring magdispensa ng iba't-ibang panggatong sa tangke ng mga sasakayan, tulad ng gasolina, diesel,kerosina ("gaas"),CNG,LPG, mgabiyoalkohol tulad ngetanol, atbp., at itinatala into ang halaga ng panggatong na idinispensa sa tangke ng isang sasakyan. Higit pa sa panggatong, karaniwan din sa isang gasolinahan angkompresor ng hangin, na karaniwang ginagamit para sa pamimintog nggulong ng sasakyan kung kinakailangan ito.

Marami ring pasilidad ang umiiral sa isang gasolinahan na walang kinalaman sa paggatong ng sasakyan. May mgatindahan din ang maraming mga gasolinahan, kung saan maaaring bumili ng sari-saring bagay tulad ngpagkain (karaniwa'ysitsirya,kendi, atbp.),inumin,langis para sa makina, at ibang mga bagay para sa mga sasakyan at sa kaginhawaan ng mga tsuper at mananakay.

SasakyanAng lathalaing ito na tungkol saSasakyan ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Gasolinahan&oldid=1653396"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp