Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Gapan

Mga koordinado:15°18′44″N120°56′56″E / 15.3122°N 120.9489°E /15.3122; 120.9489
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gapan

Lungsod ng Gapan
Mapa ng Nueva Ecija na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Gapan.
Mapa ngNueva Ecija na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Gapan.
Map
Gapan is located in Pilipinas
Gapan
Gapan
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado:15°18′44″N120°56′56″E / 15.3122°N 120.9489°E /15.3122; 120.9489
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon(Rehiyong III)
LalawiganNueva Ecija
DistritoPang-apat na Distrito ng Nueva Ecija
Mgabarangay23 (alamin)
Pagkatatag1732
Ganap na Lungsod25 Agosto 2001
Pamahalaan
 • Punong LungsodChristian Tinio
 • Manghalalal96,721 botante (2025)
Lawak
[1]
 • Kabuuan118.00 km2 (45.56 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2024)
 • Kabuuan129,610
 • Kapal1,100/km2 (2,800/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
30,186
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-4 na klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan12.26% (2021)[2]
 • Kita₱ 1,059 million (2022)
 • Aset₱ 1,988 million (2022)
 • Pananagutan₱ 227 million (2022)
 • Paggasta₱ 916.7 million (2022)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
3105
PSGC
034908000
Kodigong pantawag44
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Kapampangan
Tagalog
Wikang Iloko
Websaytcityofgapan.gov.ph

AngGapan (pagbigkas: ga•pán) ay isang ika-4 na klase nalungsod saprobinsiya ngNueva Ecija. Ang Gapan ay pinamagatang "Kabisera ng Sapin sa Paa ng Hilaga" at ito ay isang mahalagang bahagi ng Granaryo ng Kanin ng Pilipinas. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 129,610 sa may 30,186 na kabahayan. Ito ay may laki na 185.68 km².

Ang lungsod ay nasa katimugang bahagi ng probinsiya. Katabi nito angPeñaranda atSan Leonardo sa hilaga,Gen. Tinio sa silangan, ang bayan ngSan Miguel naman sa timog na nasa katabing probinsiya ngBulacan at sa kanluran naman angSan Isidro.

Mga Barangay

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang lungsod ng Gapan ay may 23 na mga barangay.

  • Balante
  • Bayanihan
  • Bulak
  • Bungo
  • Kapalangan
  • Mabuga
  • Maburak
  • Macabaklay
  • Mahipon
  • Malimba
  • Mangino
  • Marelo
  • Pambuan
  • Parcutela
  • Puting Tubig
  • San Lorenzo (Poblacion)
  • San Vicente (Poblacion)
  • San Nicholas
  • San Roque/Baluarte
  • Sta Cruz
  • Sto. Cristo Sur
  • Sto. Cristo Norte
  • Sto. Nino

Kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ayon sa mga lumang tala, ang dating tawag sa Gapan ayIbon. Kung paano ito naging Gapan ay isang interesanteng alamat: Noong mga panahon na ang lugar ay kahuyan pa, ang mga Kastila ay dumating sa isang misyon nang may nakita silang mga taga-roon at gumagapang. Pinahinto sila at dahil hindi alam kung paano magsalita ng lokal nadiyalekto ay tinanong sila sa wikang Kastila. Ang mga taga-roon ay walang alam sa wikang Kastila at sa pag-aakalang tinatanong kung ano ang ginagawa nila, sumagot sila sa Tagalog, "Gumagapang gapang kami." Kinuha itong pangalan ng mga Kastila at sa paglipas ng panahon, nawala ang "g" at nanatili ang pangalan na Gapan hanggang ngayon. Ayon sa isa pang alamat, ang pangalan ay nanggaling sa umaakyat at gumagapang na mga halaman na sagana sa lugar.

Ang Gapan ay itinatag ng mga curato at opisyales na mga Kastila, na sa simula pa lang, ay may malawak na kapangyarihan sa mga tao at sa mga gawain nila. Ang kasaysayan ay naglagay Gapan bilang isa sa mga unang bayan ngPampanga na itinatag noong kalagitnaan ng ika-16 na dantaon. Ang mga unang tala tungkol sa unang misyong Katoliko samalayong silangan ay nagsasaad na noong 1595, sina Padre Contres Tendilla, Caballo at Salazar ay ang mga responsable sa pagtatanggal ng kakahuyan na kinalaunang naging pueblo. Sa pueblong ito, ang simbahan, presendencia at ang mga kabahayan na gawa sa mga limo at bloke ay itinayo na ngayon ay mga ilang daang taon na ang edad.

Nang dahil sa itinatag ang Gapan noong 1595, ang Gapan ang naging pinakamatandang bayan sa Nueva Ecija at isa sa mga pinakamamatanda sa Pilipinas. Ito ay isang malaking pueblo na ang sakop ay napakalaki, sapat upang isaklaw ang lungsod ngCabanatuan sa hilaga. Noong 1942, sinakop ng mga Hapon sa Gapan, Nueva Ecija. Noong 1945, ang mga papasok na mga hukbong Pilipino kasama ng mga gerilya ay binawi ang Gapan.

Sa pamamagitan ng Republic Act 9022 at ang ratipikasyon nito sa isang plebisito na isinagawa noong ika-25 ng Agosto 2001 ang bayan ng Gapan ay naging isangbahaging lungsod ng Nueva Ecija. Si Ernesto L. Natividad ang naging unang alkalde ng lungsod ng Gapan.

Ekonomiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang mga pangunahing pinagkukunan ng kita ng lungsod ay ang pagsasaka, paggawa ngtsinelas, palaisdaan, manukan at babuyan at mga establisimentong pangkalakalan(commercial).

Ang lungsod ng Gapan ay may pangako hindi lamang sa mga likas na yamat nito kundi pati sa mga potensiyal nito sa mga agrikulturang industriya at ang mga industriyang tsinelas na nakakatulong na panatilihin ang papel nito sa agrikultural at industriyal na produksiyon. Ang mga pangkalakalan(commercial) at mga kalakalan sa lungsod ay napapabilis pa lalo dahil sa pagdating ng mga bangko at mga bagong negosyo.[kailangang linawin]

Demograpiko

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Senso ng populasyon ng
Gapan
TaonPop.±% p.a.
190311,278—    
191813,617+1.26%
193923,324+2.60%
194825,719+1.09%
196032,514+1.97%
197045,426+3.40%
197550,506+2.15%
198060,014+3.51%
199070,489+1.62%
199577,735+1.85%
200089,199+2.99%
200798,795+1.42%
2010101,488+0.98%
2015110,303+1.60%
2020122,968+2.16%
Sanggunian:PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Nueva Ecija".PSGC Interactive. Quezon City, Philippines:Philippine Statistics Authority. Nakuha noong12 Nobyembre 2016.
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong28 Abril 2024.
  3. Census of Population (2015)."Region III (Central Luzon)".Total Population by Province, City, Municipality and Barangay.PSA. Nakuha noong20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  4. Census of Population and Housing (2010)."Region III (Central Luzon)".Total Population by Province, City, Municipality and Barangay.NSO. Nakuha noong29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007)."Region III (Central Luzon)".Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007.NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Nueva Ecija".Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noongDisyembre 17, 2016.

Mga Kawing Panlabas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Lalawigan ngNueva Ecija
Palayan (kabisera)
Mga bayan
Mga bahaging lungsod
Ibang mga paksa
Mga lubos na urbanisadong
lungsod
Mga malayang nakapaloob
na lungsod
Mga nakapaloob na lungsod
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Gapan&oldid=2137749"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp