AngFlandes sa madilim berde (hilagang kalahati ng Belhika). Ang KalakhangBruselas ay kung minsan itinuturing bilang bahagi ng Flandes at kung minsan ay hiwalay.Watawat ng Flandes
AngRehiyong Flamenco (Olandes:Vlaams Gewest) o sa maigsing kataga,Flandes (Olandes:Vlaanderen;Ingles:Flanders)[1] ay isa sa mga rehiyon ngBelhika at dito matatagpuan ang mga mamamayan nitong nag-o-Olandes (kilala bilang wikang Flamenco, oFlemish).
Sa loob ng maraming siglo, ang Flandes ay nagsilbing tawiran sa pagitan ng mga kabihasnang Pranses, Aleman at Britaniko. Sa paningin ng mga sinaunang Ingles, ang Flandes ay (simula bandang 1000 AD) ang lupaing matatagpuan sa pampang ngHilagang Dagat mula saKipot ng Dover hanggang sa bibig ngIlog Escalda. Ang wastong hangganan nito sa timog ay karaniwang di gaanong malinaw.[2] Nitong nakaraang milenyo, ang lupang sakop nito sa timog at kanluran lamang ang lumiit ng kaunti upang itaguyod ang mga kasalukuyang hangganan nito sa hilagang Belhika.
Ang KalakhangBruselas ay bahagi ng Pamayanang Flamenco.