Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Gabriela Silang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gabriela Silang
Gabriela Silang
Kapanganakan19 Marso 1731
Kamatayan20 Setyembre 1763(1763-09-20) (edad 32)
TrabahoMay-bahay
Kilala saUnang babae na namuno ng himagsikan laban sa pamahalaang maniniil ng Espanya

SiGabriela Silang (19 Marso 1731 – 20 Setyembre 1763) ang unang Pilipina na namuno sa isang paghihimagsik noong naniniil ang mgaKastila saPilipinas. Nang namatay ang asawa nyang siDiego Silang, ipinagpatuloy nya ang pinaglalaban ng asawa.

Talambuhay

[baguhin |baguhin ang wikitext]

SiMaria Josefa Gabriela Cariño Silang ay isinilang noong 19 Marso 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur (Santa,Ilocos Sur).[1] Ipinakasal sya lihis sa kanyang sariling nais nang sya ay isang menor de edad pa lamang.[2] Ang lahat ng mga pangyayaring iyon ay pawang nais lamang ng kanyang ama. Natupad ang nais ng ama ni Gabriela nang nagtungo kay Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa nang ito ay namatay at sya ay maagang nabyuda.

Lumipas ng ilang taon na napangasawa ni Gabriela siDiego Silang noong 1757.[3] Magiting na lumaban si Diego sa mga Kastila at napalaya angVigan. Sila ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa mamatay si Diego at muli nyang pagkabyuda.[4]

Ang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong-giting nyang ipinagpatuloy. Subalit sa kasamaang-palad, ang kanyang lakas ay nawalan ng laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila at kawalan ng pansin ng mga Ingles pagkatapos ng paglagda ngkasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan saParis noong Pebrero 1763. Si Gabriela ay dinakip at binitay noong 20 Setyembre 1763. Tinaguriang syang angUnang Babaeng Heneral atUnang Babaeng Martir dahil sa kanyang katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng bayan.

Ang kanyang katapangan ang naging udyok sa pagkatatag ng partidong pambatasan naGABRIELA.

Isang kapansin-pansing bahagi ng buhay ni Gabriela Silang ang pagpapalaki sa kanya ng isang kura paroko, na kalaunan ay nag-ayos ng kanyang kasal sa isang mayamang mangangalakal na nagngangalang Don Tomas Millan.[5]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. https://philippineculturaleducation.com.ph/silang-gabriela/#:~:text=Gabriela%20Silang&text=Ipinanganak%20siy%C3%A1%20noong%2019%20Marso,siy%C3%A1%20ay%2020%20ta%C3%B3ng%20gulang.
  2. https://asinatsuka.wordpress.com/page/6/#:~:text=Siya%20ay%20nagpapakasal%20laban%20sa%20kanyang%20kagustuhan%20nang%20siya%20ay%20isa%20pa%20lamang%20menor%20de%20edad.
  3. https://philippineculturaleducation.com.ph/silang-gabriela/#:~:text=Maaga%20siy%C3%A1ng%20nabiyuda%20sa%20unang%20asawa%20at%20napangasawa%20niy%C3%A1%20si%20Diego%20noong%201757.
  4. https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Diego_Silang#:~:text=Si%20Diego%20Silang%20y%20Andaya,pamamahalang%20Kastila%20sa%20hilagaing%20Pilipinas.
  5. Freelancer, Worksheet (2021-02-18)."Gabriela Silang Facts, Worksheets, Early Life & Diego Silang For Kids".KidsKonnect (sa wikang Ingles). Nakuha noong2024-11-10.

PilipinasAng lathalaing ito na tungkol saPilipinas ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Gabriela_Silang&oldid=2183222"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp