Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Gas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saGaas)
Ang mga partikulo ng gas (mgaatomo, mgamolekula, o mgaiono) ay malayang kumikilos sa palibot kapag walang nilapat nahanay ng kuryente.

Anggas ogaas ay isa sa apat na mga saligan o pundamental at pinaka pangkaraniwan na mga katayuan o kalagayan ng materya (ang iba pa ay ang pagigingsolido,likido, atplasma). Ang gas na puro ay maaaring binubuo ng indibidwal na mga atomo, (halimbawa na ang isangnoble gas o gas na atomiko, katulad ngneon), mga molekulangelemental na gawa mula sa isang uri ng atomo (halimbawa na angoksiheno), o mga molekulanglangkapan na yari mula sa sari-saring mga atomo (halimbawa na angcarbon dioxide). Ang isang kahaluan ng mga gas ay maglalaman ng samot-saring mga purong gas na katulad nghangin.

Ang isang kahaluan ng gas ay maglalaman ng iba't ibang mga uri ng gas. Halimbawa na anghangin na mayroong 78% ngnitroheno, 20% ngoksiheno at 2% ngargon atcarbon dioxide.[1]

Ang ipinagkakaiba ng isang gas mula sa mga likido at mga solido ay ang malawak na pagkakahiwalay ng mga partikulo ng indibidwal na gas. Ang pagkakahiwalay na ito ay karaniwang nakapagbibigay dito ng katangiang hindi nakikita ng mga mata ng gas na walang kulay. Ang interaksiyon ng mga partikulo ng gas habang mayroong mga hanay ofield na elektriko (may kuryente) at grabitasyunal (may grabidad) ay itinuturing na bale-wala na ipinapakita ng mgavector ng hindi nagbabagong belosidad na nasa larawan (nasa kanan ng tekstong ito).

Sa loob ng isang gas, ang isangmolekula ay malayang nakakagalaw at hindi umaasa sa iba pang mga molekula. Kaya't kakaiba ang gas mula sa isanglikido na kung saan ang mga molekula ay maluwag na magkakadikit, at kaiba rin sa isangsolido kung saan ang pagdirikit ay matibay at madiin ang pagkakasama-sama.

Mga katangiang pisikal

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang lahat ng mga gas ay maaaring dumaloy (flux) o kumilos, katulad ng mga likido, na nagsasarili ang bawat molekulo. Ang karamihan sa mga gas ay walang kulay, katulad ng hidroheno.[2] Ang mga partikulo ng gas ay kumakalat o lumalaganap (dipusyon,diffusion) upang mapuno ang puwang o espasyo na nasa loob ng anumang sisidlan na katulad ng isang bote o isang silid. Kapag inihambing sa mga likido at mga solido, ang mga gas ay mayroong napakababangdensidad (kasiksikan) atbiskosidad (kalaputan o kalagkitan). Hindi maaaring tuwirang mapagmasdan ng tao ang karamihan sa mga gas sapagkat walang kulay ang mga ito, subalit posibleng masukat ang kanilang densidad,bolyum,temperatura, atpresyon

Presyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Presyon

Ang presyon ay ang sukat ng kung gaanongpuwersa ng pagtulak ang inilalagay ng isang bagay sa isa pang bagay. Sa isang gay, karaniwang ang gas ang tumutulak sa lalagyan ng bagay o, kapag mabigat ang gas, ang isang bagay na nasa loob ng gas. Ang gas ay sinusukat sa pamamagitan ng mga yunit naPascal. Dahil saikatlong batas ni Newton, maaaring baguhin ang presyon ng isang gas sa pamamagitan ng paglalagay ng puwersa sa ibabaw ng bagay na naglalaman ng nasabing gas. Halimbawa, ang pagpiga sa isang bote na mayroong hangin sa loob ay nakapagbibigay ng mas maraming presyon sa hangin na nasa loob.

Ang presyon, kapag gas ang pinag-uusapan, ay madalas na may kaugnayan sa isang lalagyan. Ang maraming gas na nasa loob ng isang maliit na sisidlan ay magkakaroon ng isang napakataas na presyon. Ang isang maliit na dami ng gas na nasa isang malaking lalagyan ay magkakaroon ng isang mababang presyon. Ang gas mismo ay maaaring makalikha ng presyon kapag marami ito. Angbigat ng lahat ng mga gas na nabanggit ay nakakalikha ng mataas na presyon sa ibabaw ng anumang bagay na nasa ilalim nito. Sa ibabaw ng isangplaneta, ito ay tinatawag napresyong atmosperiko.

Temperatura

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Temperatura

Ang temperatura ng isang gas ay ang kung gaano kainit o kalamig ito. Sa agham, malimit na sinusukat ito sa pamamagitan ng yunit naKelvin bagaman sa pang-araw-araw ang yunit nadegree oCelsius ay mas pangkaraniwan. Sa isang gas, ang karaniwang belosidad ng mga molekula ay may kaugnayan sa temperatura. Kapag mas mabilis na kumikilos ang mga molekula, mas nagbabanggaan ang mga ito. Ang mga pagbabanggaang ito ay nakakalikha ngenerhiya, na sa isang gas ay nagiginginit. Sa kabaligtaran, kapag ang temperatura na nasa paligid ng gas ay naging mas mainit, ang mga partikulo ng gas ay makakasanhi na angenerhiyang termal ay magingenerhiyang kinetiko, na nakapagpapabilis sa mga ito at mas nakapagpapainit ng gas.[3]

Mga pagbabago sa kalagayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang isang gas ay maaaring dumaan sa dalawang mga pagbabago ng katayuan. Kapag ang temperatura ay may sapat na kababaan, ang gas ay maaaring lumapot (kondensasyon) at maging isang likido. Kung minsan, kapag ang temperatura ay may sapat na kababaan, maaari itong dumaan sadeposisyon, kung saan ang gas tuwirang nagiging isangsolido. Sa karaniwan o normal na proseso, ang gas ay dapat na lumapot muna (maging kondensada), at pagdaka ay namumuong malamig (freezing) upang maging isang solido o buo, ngunit kapag ang temperatura ay napakababa, maaari nitong lagtawan ang yugto ng pagiging likido at kaagad na maging solido. Angfrost o hamog na nagyelo sa lupa tuwing panahon ng tagniyebe (taglamig, tagyelo) ay dahil dito. Angsingaw ng tubig (na isang gas) ay pumupunta sa hangin o himpapawid na napakalamig at kaagad na nagigingyelo dahil sa deposisyon (literal na "pagtiwalag", sa diwa na "tumiwalag upang mamuo").

Tingnan din

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Wiktionary
Wiktionary
Tingnan angGas sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Composition of Air".
  2. "Colours of Gases". Inarkibo mula saorihinal noong 2009-10-19. Nakuha noong2014-09-01.
  3. "Heat and temperature". Inarkibo mula saorihinal noong 2010-02-10. Nakuha noong2014-09-01.
Katayuan
Mababang enerhiya
Mataas na enerhiya
Mga ibang katayuan
Transisyon
Mga kantidad
Mga konsepto
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Gas&oldid=2034673"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp