Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Dalasan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saFrequency)
Dalasan
Isangpendulo na gumagawa ng 25 kumpletong mgaosilasyon sa 60s, isang dalasan na6 Hz
Mga kadalasang simbulo
f,ν
Yunit SIhertz (Hz)
Ibang yunit
SaBatayang yunit SIs−1
Pagkahango mula sa
ibang kantidad
  • f = 1 / T
DimensiyonT1{\displaystyle {\mathsf {T}}^{-1}}

Angdálásan[1] (Ingles:frequency) ay ang bilang ng ulit ng pagbalik-balik, pagkakaulit-ulit, o repetisyon ng iisang pangyayari sa loob ng nakalaang dami ng panahon o oras, tulad ng bilang ng mga siklo o pag-inog ng isang segundo. Sapisika, ang kadalasan ng isang alon ay ang bilang ng tuktok o rurok ng alon na dumaraan sa isang tuldok o punto sa loob ng isangsegundo. Ang tuktok ng alon ay ang tugatog o kasidhian ng alon. AngHertz (sinasagisag ngHz) ay ang yunit ng kadalasan.

Ang ugnayan o relasyon ng kadalasan at nghaba ng alon ay isinasaad ng pormulang:

f=v/λ{\displaystyle f=v/\lambda }

kung saan ang v ay ang tulin atλ{\displaystyle \lambda } (Lambda) ay ang haba ng alon. Ang pormula para sa kadalasan ng alon ng liwanag ayf=c/λ{\displaystyle f=c/\lambda } kung saan ang c ay angtulin ng liwanag.[2]

Ang lahat ng mgaelektromagnetikong alon ay naglalakbay sa tulin ng liwanag sa loob ng isangbakyum (kawalan okahungkagan)subalit naglalakbay silang mas mabagal na tulin kapag naglalakbay sila sa isang midyum na hindi isang bakyum. Ang ibang mga alon, katulad ng mga alon ngtunog, ay naglalakbay sa mas mababagal pa lalong mga tulin at hindi makapaglalakbay sa pamamagitan ng pagdaan o paglagos sa isang bakyum. Mga halimbawa ng mgaalong elektromagnetiko ang mga alon ng liwanag, mga along radyo, radyasyon inpra-pula, mgamikro-alon, at mgaalong gamma orayong gamma (silahis na gamma osinag na gamma).

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. https://diksiyonaryo.ph/search/dalasan
  2. ""Frequency of a wave"". Science Scope. Inarkibo mula saorihinal noong 2009-02-25. Nakuha noong2009-03-04.

UsbongAng lathalaing ito ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Dalasan&oldid=2084376"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp