Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Florida

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Florida
Watawat ng
Watawat
BansaEstados Unidos
Bago naging estadoFlorida Territory
Sumali sa UnyonMarch 3, 1845 (27th)
KabiseraTallahassee
Pinakamalaking lungsodJacksonville
Pinakamalaking kalakhan at urbanong lugarMiami metro area
Pamahalaan
  GobernadorRon deSantis (Republican)
  Gobernador TinyenteCarlos López-Cantera (Republican)
LehislaturaFlorida Legislature
  Mataas na kapulunganSenate
  [Mababang kapulunganHouse of Representatives
Mga senador ng Estados UnidosMarco Rubio (Republican)
Rick Scott (Republican)
Delegasyon sa Kamara ng Estados Unidos17 Republicans, 10 Democrats
Populasyon
  Kabuuan20,271,272 (2,015 est)[1]
  Kapal353.4/milya kuwadrado (136.4/km2)
Wika
  Opisyal na wikaEnglish[2]
  Sinasalitang wikaPredominantly English and Spanish[3]
Tradisyunal na pagdadaglatFla.
Latitud24° 27' N to 31° 00' N
Longhitud80° 02' W to 87° 38' W

AngFlorida (bigkas: /fló·ri·dä/; Espanyol: "lupain ng mga bulaklak") ay isangestado na matatagpuan sa timog-silangang rehiyon ngEstados Unidos. Ang estado ay pinapaikutan ng Golpo ng Mehiko sa kanluran,Alabama atGeorgia sa hilaga,Karagatang Atlantic sa silangan, at ngStraits of Florida at Cuba sa timog. Ang Florida ay ang ika-22 pinakamalawak, ang ika-3 pinakamatao,[4] at ang ika-8 pinakamakapal ang populasyon naEstado ng Estados Unidos. Ang Jacksonville ay ang pinakamataong lungsod sa Florida, at ang pinakamalaking lungsod ayon sa sukat sa Kalupaang Estados Unidos. AngMiami metropolitan area ay ang ikawalong pinakamalakingmetropolitan area sa Estados Unidos. Ang Tallahassee ay ang kabisera ng estado.

Isangtangway sa pagitan ng Golpo ng Mexico, ng Karagatang Atlantiko, at ngStraits of Florida, ito ay ang may pinakamahabang baybayin saKalupaang Estados Unidos, humigit-kumulang1,350 milya (2,170 km), at ito ay ang tanging estado na kapuwa hinangganan ng Golpo ng Mexico at ng Karagatang Atlantiko. Malaking bahagi ng estado ay nasa o malapit sa pantay-dagat (sea level) at may latak (sedimentary) na lupa. Ang klima ay nag-iiba mula sasubtropikal sa hilaga hanggang tropikal sa timog.[5] AngAmerican alligator,American crocodile,Florida panther, atmanati ay matatagpuan saEverglades National Park.

Mula nang unang madayo ng mga Europeo ang pook noong 1513 sa katauhan ni Kastilang eksplorador Juan Ponce de León– na pinangalanan ang pook na La Florida ([la floˈɾiða] "lupain ng mga bulaklak") sa landing doon sa panahon ng pasko ng Pagkabuhay,Pascua Florida[6]– ang Florida ay isang hamon para sa Europeong mananakop bago makuha nito ang pagiging estado ng Estados Unidos noong 1845. Ito ay isang pangunahing lokasyon ngDigmaang Seminole laban samga Katutubong Amerikano, at racial segregation pagkatapos ngDigmaang Sibil ng Estados Unidos.

Ngayon, ang Florida ay katangi-tangi para sa malaking pamayanan ng expatriate mula Cuba at mataas na paglago ng populasyon, pati na rin ng pagtaas ng mga isyu sa kapaligiran. Ang ekonomiya ng estado ay nakasalalay higit sa lahat sa turismo, agrikultura, at transportasyon, na umunlad sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Ang Florida ay kilala rin sa mgaamusement park, pananim na dalandan, angKennedy Space Center, at isang popular na destinasyon para sa mga magreretiro.

Ang kultura ng Florida ay salamin ng mga impluwensya at maraming pamana; mga pamanangKatutubong Amerikano,Europeong Amerikano,Hispanico, atAprikanong Amerikano ay matatagpuan sa arkitektura at lutuin. Ang Florida ay nakaakit ng maraming manunulat tulad nina Marjorie Kinnan Rawlings,Ernest Hemingway atTennessee Williams, at ay patuloy na nag-aakit ng mga sikat na artista at atleta. Ito ay kilala sa daigdig para sa golf, tennis,auto racing at water sports.

Mga pinakamalaking lungsod

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Tingnan din:Talaan ng mga munisipalidad sa Florida
 
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan saFlorida
Pinagmulan:[7]
RanggoKondadoPop.
Jacksonville
Jacksonville
Miami
Miami
1JacksonvilleDuval853,382Tampa
Tampa
Orlando
Orlando
2MiamiMiami-Dade430,332
3TampaHillsborough358,699
4OrlandoOrange262,372
5St. PetersburgPinellas253,693
6HialeahMiami-Dade235,563
7TallahasseeLeon188,107
8Fort LauderdaleBroward176,013
9Port St. LucieSt. Lucie174,110
10Cape CoralLee169,854

Kapatid na estado

[baguhin |baguhin ang wikitext]
HurisdiksyonBansaTaon[8]
Languedoc-RoussillonPransiyaFrance1989
Taiwan ProvinceTaiwanTaiwan, R. O. C.1992
Wakayama PrefectureHapon Japan1995
Western CapeSouth AfricaSouth Africa1995
Nueva EspartaVenezuelaVenezuela1999
KyonggiTimog KoreaSouth Korea2000

Tingnan din

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Maling banggit (Hindi tamang<ref>tag;walang binigay na teksto para sarefs na may pangalangPopEstUS); $2
  2. "Article 2, Section 9, Constitution of the State of Florida". State of Florida.Inarkibo mula sa orihinal noong November 20, 2010. Nakuha noongDecember 8, 2008.
  3. "Florida". Modern Language Association. Inarkibo mula saorihinal noong Disyembre 25, 2018. Nakuha noongJune 29, 2014.
  4. "Florida Passes New York to Become Nation's Third Most Populous State" (Pahayag para sa midya).United States Census Bureau. December 23, 2014. Nakuha noongDecember 23, 2014.
  5. "Köppen Climate Classification Map"Naka-arkibo 2011-07-06 saWayback Machine..
  6. "Historic Feature: Juan Ponce de Leon Landing – Brevard County Parks and Recreation Department on Florida's Beautiful Space Coast"Naka-arkibo 2010-12-21 saWayback Machine..
  7. "2014 Census population". Inarkibo mula saorihinal noong 18 Mayo 2016. Nakuha noong8 Pebrero 2016.
  8. "Florida Sister City/Sister State Directory 2001" (PDF).
Mga Estado
Distritong Pederal
Mga Lugar na Insular
Mga Malalayong Pulo
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Florida&oldid=2143808"
Mga kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp