SiFlorence Nightingale,OM (12 Mayo 1820 – 13 Agosto 1910) ay isangInglesang nakilala bilang Ang Babaeng may Lampara (The Lady with the Lamp) at ang tagapagtatag ng makabagongnarsing.[1][2] Isa rin siyang dalubhasa saestadistika.
Ipinanganak si Nightingale saFlorencia,Italya. Nagbuhat siya sa isang mayaman at artistokratikong mag-anak.[1] Pinangalanan siya mula lungsod ng kanyang kapangakan. Bago sapitin ang gulang na labingdalawa, nadama na niyang mali ang pamumuhay na may karangyaan at luho. Noong 1837, isinulat niya sa kanyang talaarawan na tinatawag siya ng Diyos para maglingkod sa kapwa. Pagkalipas ng pito pang mga taon, natiyak na niyang nararapat siyang maging tagapag-alaga ng mga may sakit.[2]
Isang ginuhit na larawan ng anyo ni Florence Nightingale noong nasa kanyang kabataan pa. Mula sa aklat naGreat Britain and Her Queen o "Ang Dakilang Britanya at ang Kanyang Reyna" niAnne E. Keeling, pangalawang edisyon, 1897.[3]
Dahil isang maganda at matalinong babae si Nightingale, niligawan siya niRichard Monckton Milnes (kilala rin bilangPanginoong Houghton). Maraming ulit na hinikayat ni Milnes si Nightingale na magpakasal na sa kanya. Ngunit bagaman umiibig din si Nightingale kay Milnes, tinanggihan niyang magpakasal dito dahil sa kanyang bokasyon, na isang buhay nawalang asawa.[2]
Nagpasiyang magingnars si Nightingale noong 1845, isang panahon kung kailan itinuturing ang pagnanarsing bilang isang hindi marangal na hanap-buhay o karera sa "lupain ng mga Protestante" (Inglatera), sapagkat dating kinukuha ang mga tauhang pangnarsing mula sa mga tinatawag na "bahay ng mga mahihirap" at mula rin sa mga bilangguan.[1][4] Karamihan din sa mga nars noong mga panahong iyon ang nilalarawan bilang namumuhay ng imoral at mga lasenggera.[2] Isa rin itong panahon na iilang sa mga kababaihan ang may trabaho. Nabigla ang kanyang mag-anak dahil sa kanyang desisyong ito.[4]
Noong 1851, nagpunta siya saKaiserwerth,Alemanya upang makatamo ng karanasan sa pagnanars sa ilalim ng mga madre. Bukod sa Alemanya, nakilahok din si Nightingale sa mga gawain ng mga madreng narsPransiya. Noong 1853, lumipat siya saLondon,Inglatera upang mamahala ng isangospital[4] na nasa Kalye Harely, isang maliit na pagamutang sinundan ng kilala ngayon sa tawag na Ospital ni Florence Nightingale para sa Mararangal na mga Kababaihan (Florence Nightingale Hospital for Gentlewoman).[2]
Nagsimula angDigmaang Krimeano (Digmaang Krimeo) noong 1854.[2] Noong 15 Oktubre 1854, sinulatan si Nightingale niSidney Herbert, ang Kalihim ng Digmaan ngBritanya, upang hilingin ang paglilingkod ni Nightingale bilang nars para sa Digmaang Krimeano (Digmaan saRusongKrimea). Noong araw ding iyon, sumulat na rin si Nightingale kay Herbert upang ialok ang kanyang serbisyo, kaya't nagsasabayan lamang ang kanilang mga sulat sa daanan ng mga ipinadadalang mga liham sa koreo.[1]
Naglayag si Nightingale, kasama ang 38 mga nars, patungo sa Krimea noong 21 Oktubre 1854.[2] Noong taon din ng 1854, inalagaan ni Nightingale ang mga sundalong sugatan saScutari saTurkiya. Natuklasan niya ang hindi kaaya-ayang mga kalagayan sa mga ospital doon, kung kaya't muli niyang isinaayos ang mga pamamaraan ng pag-aalaga para sa mga may karamdaman.[4] Bago dumating sa Krimea si Nigthingale, pito lamang na mgakamisadentro o ng mga sundalo ang nalalabhan ng mga namamahala, subalit nakapagpamudmod si Nightingale ng 10,000 malilinis na mgakamiseta ng siya na ang kumilos. Binigyang tugon niya ang mga pangangailangang pang-panggagamot, nagbukas ng mga kusina at labahan, at naglunsad ng mga klase at mga kubong-basahan. Dahil rin sa kaniya, nagkaroon ng liwanag sa bahay-tsarnel (charnel-house) o ang gusali o silid na lagayan ng mga bangkay, at napalitan angpolusyon ngsanitasyon.[1]
Sa pagdating ng mga nars ni Nightingale – tinaguriangNightingale nurses – , napasailalim ng pangangasiwa at pag-aaruga ni Nightingale – ang Babaeng-Hepe (Lady-in-Chief) na namumuno mula sa kanyang Tore ng mga Narses – ang libu-libong mga may sakit na kawal. Dahil kay Nightingale, bumaba ang antas ng mortalidad sa hukbong Britaniko mula 42% patungong 2%.[1] Personal na sinisiyasat o iniinspiksiyon ni Nightingale ang mga silid ng may sakit bawat araw.[2] Ang mga sundalong inalagaan niya ang tumawag sa kanya bilang "Ang Babaeng may Lampara" bilang pasasalamat.[4]
Isang litograpo noong 1856 na naglalarawan sa anyo ng malaking silid na pangpasyenteng pinaghanap-buhayan ni Nightingale sa ospital ng Scutari.
Noong 1856, nagbalik si Nightingale sa Inglatera. Nagsagawa siya ng mga paraan upang mapabuti ang mga pagkain, silid-tulugan, at kalusugan ng mga pribadong kawal ng Britanya. Itinaguyod siya niReyna Victoria at tinulungan ni Sidney Herbert. Noong 1858, naglathala siya ng isang aklat hinggil sa mga ospital ng hukbong katihan. Noong 1863, hiniling ng isang komisyon ng pamahalaan ng Inglatera ang kanyang pagsusuri at kritisismo para sa ulat ng sanitasyon sa hukbong nasaIndiya.[2]
Naging isang imbalido si Nightingale ngunit nagpatuloy pa rin siya sa kanyang gawain habang nasa higaan. Ganap na nanghina siya noong 1872. Unti-unti rin siyang nabulag.[2]
Sumakabilang-buhay si Nightingale habang natutulog noong 1910 sa edad na 90, noong nasa loob ng kanyang silid sa 10 South Street, Park Lane.[2][5] Tinanggihan ng kanyang mga kamag-anak ang alok na ilibing siya saMonasteryo ng Westminster. Sa halip, inihimlay ang kanyang bangkay sa libingan ng mga patay ng Simbahan ng Santa Margarita ng Silangang Wellow ngWellow,Hampshire.[6]
Maraming mga panitikang naisulat hinggil sa talambuhay ni Nightingale. Isa sa itinuturing na pinakamainam angEminent Victorians na isinulat niLytton Strachey at nalathala noong 1918. Sa aklat na ito, inilarawan ni Strachey na hindi isang "puting anghel" si Nightingale.[1] Isa pa ring halimbawa ang aklat na pinamagatangFlorence Nightingale niCecil Woodham-Smith.[2]
↑4.04.14.24.34.44.5Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Known as "The Lady with the Lamp"".Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York,ISBN0671604767., pahina 70.
↑"Miss Nightingale Dies, Aged Ninety".The New York Times. 1910-08-15. Nakuha noong2007-07-21.Siping nasa Ingles: (...)Florence Nightingale, the famous nurse of the Crimean war, and the only woman who ever received the Order of Merit, died yesterday afternoon at her London home. Although she had been an invalid for a long time, rarely leaving her room, where she passed the time in a half-recumbent position, and was under the constant care of a physician, her death was somewhat unexpected. A week ago she was quite sick, but then improved, and on Friday was cheerful. During that night alarming symptoms developed, and she gradually sank until 2 o'clock Saturday afternoon, when the end came. (...)