| Flame of Recca Rekka no Honō | |
| 烈火の炎 | |
|---|---|
| Dyanra | Pakikipagsapalaran,[1]Sining pandigma,[2]supernatural[3] |
| Manga | |
| Kuwento | Nobuyuki Anzai |
| Naglathala | Shogakukan |
| Imprenta | Shōnen Sunday Comics |
| Magasin | Weekly Shōnen Sunday |
| Demograpiko | Shōnen |
| Takbo | Abril 5, 1995 –Pebrero 13, 2002 |
| Bolyum | 33 |
| Teleseryeng anime | |
| Direktor | Noriyuki Abe |
| Iskrip | Hiroshi Hashimoto |
| Musika | Yusuke Honma |
| Estudyo | Pierrot |
| Lisensiya | |
| Inere sa | Fuji TV |
| Takbo | Hulyo 19, 1997 – Hulyo 10, 1998 |
| Bilang | 42 |
| Laro | |
| Flame of Recca: The Game | |
| Tagapamanihala | Konami |
| Tagalathala | Konami |
| Genre | Labanan |
| Platform | Game Boy Advance |
| Inilabas noong | Disyembre 20, 2001 |
| Laro | |
| Flame of Recca: Final Burning | |
| Tagapamanihala | Konami |
| Tagalathala | Konami |
| Genre | Pakikipagsapalaran, labanan |
| Platform | PlayStation 2 |
| Inilabas noong | Hunyo 10, 2004 |
AngFlame of Recca(Hapones:烈火の炎,Hepburn:Rekka no Honō) ay isang seryngmanga na sinulat at ginuhit ni Nobuyuki Anzai. Nilathala ito ng baha-bahagi saWeekly Shōnen Sunday ng Shogakukan mula Abril 1995 hanggang Pebrero 2002. Ang 329 indibiduwal na mga kabanata ay tinipon sa 33tankōbon na bolyum ng Shogakukan. Nagkaroon ang serye ng 42 kabanata na seryenganime ngStudio Pierrot, na umere sa Fuji TV mula Hulyo 1997 hanggang Hulyo 1998. Lumawak ang serye sa dalawa panglarong bidyo at mga paninda omerchandise.
Nailisensya sa Viz Media ang parehong anime at manga para sa pamamahagi saHilagang Amerika na nasawikang Ingles. Kinuha ng Discotek Media ang anime at muling nilabas ang serye saDVD noong 2015.
Noong 2013, mayroon ang manga sa higit sa 25 milyong sirkulasyon.