Fernando Amorsolo | |
|---|---|
![]() | |
| Kapanganakan | Fernando Cueto Amorsolo 30 Mayo 1892 |
| Kamatayan | 24 Abril 1972(1972-04-24) (edad 79) |
| Nasyonalidad | Pilipino |
| Larangan | Pagpipinta |
| Pinag-aralan/Kasanayan | Liseo ng Maynila, Pamantasan ng Pilipinas, Akademya ng San Fernando |
| Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Sining Biswal 1972 | |
SiFernando Cueto Amorsolo (30 Mayo 1892 – 24 Abril 1972) ay isa sa mga pinakamahalagang artista ng sining saPilipinas.[1] Si Amorsolo aypintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining. Ipinanganak saPaco,Maynila, nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909.[2][3]
Bagaman nakapaglakbay sa ibang mgabansa, kung saan namulat ang mga mata ni Amorsolo sa mga dayuhang pamamaraan ng pagguhit at pagpinta, naging adhikain niya ang makalikha ng mga larawang makabayan at puno ngkasaysayan.[4] Sa panahon man ng kapayapaan o digmaan,[5] nanatili ang diwang ito sa isipan ni Amorsolo, na nagbunga naman ng mga dibuhong may pagpapahalaga sa paghubog, pag-unlad, at pagtatala ng tunay at natatanging katauhan, ngiti, damdamin at kaluluwa ng mgamamamayang Pilipino.[6][7] Dahil sa mga gawa at gawain ng kaniyang malikhaing mga kamay, sa tulong ng pinsel at pintura, tinagurian si Amorsolo bilang unangPambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas.[1]
Isinilang si Fernando Amorsolo noong 30 Mayo 1892 sa Paco, Maynila kina Pedro Amorsolo, isang tenedor de libro, at Bonifacia Cueto.[3][4] Lumaki si Amorsolo saDaet, Camarines Norte, kung saan nakapag-aral siya sa isang paaralang pampubliko at tinuruang bumasa at sumulat ngwikang Kastila sa bahay.[6] Pagkaraang mamamatay ng kaniyang ama, lumipat si Amorsolo at ang kaniyang pamilya saMaynila upang manirahan kasama ni DonFabian de la Rosa, ang pinsan ng kaniyang ina at isang pintor sa Pilipinas.[4] Sa gulang na 13, naging katulong si Amorsolo ni De la Rosa. Sa kalaunan, si De la Rosa ang magiging tagapag-udyok at gabay ni Amorsolo sa karera at sining ng pagpipinta.[4] Nang mga panahong iyon, nanahi ang ina ni Amorsolo para kumita ng salapi, habang tumutulong naman si Amorsolo sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga kinulayang tarhetang pangkoreo na nagkakahalagang sampungsentimo bawat isa.[4] Pintor din siPablo, ang kapatid ni Amorsolo.[4]
Dumating ang unang tagumpay ni Amorsolo bilang pintor noong 1908, nang ang kaniyang larawangLevendo Periodico ay tumanggap ng ikalawang premyo sa Bazar Escolta, isang patimpalak na isinagawaAsociación Internacional de Artistas (Samahang Pandaigdigan ng mga Artista).[6] Sa pagitan ng 1909 at 1914, nag-aral si Amorsolo sa Paaralan ng Sining ng Liseo ng Maynila, kung saan tumanggap siya ng maraming mga parangal dahil sa kaniyang mga larawang iginuhit.[4]
Pagkaraang magtapos mula sa Liseo, nag-aral si Amorsolo sa Paaralan ng Pinong Sining ng Pamantasan ng Pilipinas, kung saan nagtatrabaho si Dela Rosa.[4] Habang nag-aaral sa kolehiyo, ang mga pangunahing impluwensiya kay Fernando Amorsolo ay ang mga pintor na sina Diego Velazquez, John Singer Sargent, Anders Zorn, Joaquín Sorolla y Bastida, Claude Monet, Pierre-Auguste Renoir, at Ignacio Zuloaga.[8] Habang nag-aaral sa Liceo, itinuturing na ang isa sa pinakanatatanging gawa ni Amorsolo ay ang larawan ng isang binata at ng isang dalaga na nasa isang hardin, na ikinapanalo niya ng isang gantimpala nang magkaroon ng isang ekshibisyon ng sining sa paaralan bago siya magtapos at magkamit ng diploma.[6] Upang kumita ng salapi, sumali si Amorsolo sa mga paligsahan at gumawa rin siya ng mga guhit para sa mga palimbagan sa Pilipinas,[9] kabilang ang isang larawan para sa pabalat ng pinakunang nobelang isinulat ni Severino Reyes sawikang Tagalog, na angParusa ng Diyos. Gumuhit din siya ng larawan para saMadaling Araw ni Iñigo Ed. Regalado,[10] at para sa mga aklat ngPasyon.[10] Nagtapos si Amorsolo mula sa Pamantasan ng Pilipinas noong 1914, na nakatanggap ng maraming mga medalya.[4]

Pagkaraang makatapos si Amorsolo ng pag-aaral mula sa Pamantasan ng Pilipinas, naglingkod siya bilang isang dibuhista para sa Kawanihan ng mga Pagawaing Bayan, bilang punong artista ng sining saPacific Commercial Company, at bilang isang guro sa Pamantasan ng Pilipinas (kung saan nagtrabaho siya ng may 38 mga taon).[4] Pagkatapos magtrabaho bilang guro at artistang pangkumersiyal, nabigyan si Amorsolo ng kaloob upang makapag-aral saAcademia de San Fernando saMadrid,Espanya, sa kagandahang-loob ng Pilipinong mangangalakal na si Enrique Zobel de Ayala.[4] Sa loob ng pitong buwan sa Espanya, gumuhit siya ng mga larawan habang nasa mga museo at mga kalye ng Madrid, para magsanay sa paggamit ng mga katangian ng liwanag at kulay.[3] Sa pamamagitan ng kaloob ni De Ayala, nakarating rin si Amorsolo saLungsod ng New York, kung saan nagkaroon siya ng kaalaman sa impresyonismo at kubismo, na magiging mga pangunahing impluho sa kaniyang mga gawa.
Sa pagbalik niya sa Maynila ay nagbukas siya ng sariling estudyo at puminta nang puminta sa kapanahunan ng mga dekada ng 1920 at 1930.[3] AngPagtatanim ng Palay (1922) ang unang mahalagang akdang-pinta niya, na lumitaw sa mga kartelon at mga babasahing pangturista, kaya't naging isa sa mga pinakakilalang larawan ng kapanahunan ngPagsasamang-Yaman ng Pilipinas.[8] Sa simula ng dekada ng 1930, malawakang naitanghal ang mga gawa ni Amorsolo sa loob ng Pilipinas at maging sa ibang mga bansa.[8] Ang mga larawan niyang nagbibigay ng diwa ng pag-asa at makakabukiran ang nagsimula sa takbo at gawi ng mga pintahin sa Pilipinas bago dumating angIkalawang Digmaang Pandaigdig.[11] Maliban sa mga larawang may mga madirilim na pangitain, na ipininta niya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, puminta si Amorsolo ng mga tahimik at payapang mga tagpuan sa kabuuan ng kaniyang larangang napili.[5]
Pinuntuhan si Amorsolo ng mga maimpluhong mga Pilipino na kabilang sina Luis Araneta, Antonia Araneta at Jorge B. Vargas.[12] Naging paboritong artistang pansining din si Amorsolo ng mga opisyal ngEstados Unidos at ng mga turista sa Pilipinas. Dahil sa kaniyang kabantugan, nangailan si Amorsolo na kuhanan ng mga litrato ang kaniyang mga gawa para idikit sa mga pahina ng isangtalalarawanan. Sa pamamagitan ng album ng mga retrato, maaaring pumili ang bibili mula sa piliian ng kaniyang mga gawa. Hindi lumikha si Amorsolo ng mga ganap na magkakawangis na larawan; muli niyang nilikha ang mga larawan na binabago ang ibang mga bahagi ng mga ito.
Nang lumaon, lumitaw ang mga gawa ni Amorsolo sa mga pabalat at pahina ng mga araling-aklat na pambata, sa mga nobela, sa mga disenyong pampatalastas, sa mga akdang mayguhit-larawan at mgamagasin sa Pilipinas katulad ngThe Independent,Philippine Magazine,Telembang,Renacimiento Filipino, atExcelsior.[8] Siya ang tagapangasiwa sa Kolehiyo ng mga Pinong Sining sa Pamantasan ng Pilipinas mula 1938 hanggang 1952.

Noong mga dekada ng 1950 hanggang sa kaniyang pagyao noong 1972, karaniwang nakatatapos ng sampung larawang ipininta si Amorsolo bawat buwan..[13] Subalit, noong mga huling taon niya, naapektuhan ng diabetes, katarata, rayuma, pananakit ng ulo, pagkahilo at ng kamatayan ng dalawang anak ang pagsasagawa ng kaniyang mga gawa.[13] Napasailalim siya sa pagtatanggal ng katarata noong nasa gulang na 70, isang operasyon na hindi naging balakid sa kaniyang pagguhit at pagpinta.[6] Dalawang buwan matapos na maospital sa Pagamutan niSan Lukas sa Maynila,[12] namatay si Amorsolo dahil sa sakit sapuso noongika-24 ng Abril, 1972 sa gulang na 79.[4]
Apat na araw makaraan ang kaniyang kamatayan, pinarangalan si Amorsolo bilang Pinakaunang Pambansang Artista para sa Pagpipinta ng Pilipinas sa Sentrong Pangkalinangan ng Pilipinas niFerdinand E. Marcos.[6]
Sa kaniyang kapanahunan, dalawang beses nakapag-asawa si Amorsolo at nagkaroon ng 14 na mga anak. Sa kanyang "commom law wife" ay nagkaruon naman siya ng 6 na anak.[1] Noong 1916, ikinasal siya kay Salud Jorge, kung kanino siya nagkaroon ng anim na supling. Namatay si Jorge noong 1931.[1] Nagkaruon din ng anim na anak si Amorsolo kay Virginia Guevarra Santos. Nagsama sila at nagkaruon ng tatlong supling na si Manuel (na sumunod sa kanyang mga yapak at nag aral ng Fine Arts sa University of the Philippines), si Jorge at Norma. Sa gitna ng kanilang pagsasama ay dumating sa buhay ni Amorsolo si Maria del Carmen Zaragoza. Isang araw nakita ni Virginia ang nakatagong "engagement ring" sa kahon ni Amorsolo. Alam niya ang intensiyon ni Maria, kaya't minabuti niya ng iniwan si Amorsolo; kasama ang kaniyang tatlong anak. Naging pangalawang asawa si Maria nuong 1935, at sila man ay nagkaroon nang walo pang mga anak. [1] Kabilang sa kaniyang mga anak na babae sina Sylvia Amorsolo Lazo at Luz Amorsolo. Nagkaruon pa din ng tatlo pang mga anak si Amorsolo kay Virginia, sina Benita, Rosalia at Ikoy. [2] Naging pintor din ang anim sa mga naging anak ni Amorsolo.[3] Malapit na kaibigan ni Amorsolo ang mang-uukit na si Guillermo Tolentino, ang lumikha ng bantayog para sa bayaning Pilipinong si Andres Bonifacio, na nasa Lungsod ng Caloocan.[4]
Kilalang-kilala si Amorsolo dahil sa kaniyang pagpinta ng mga kababaihan mula sa kabukiran at maging sa kaniyang mga maliliwanag na mga larawang may tanawin,[14] na karaniwang naglalarawan ng mga nakaugaliang gawi, gawain, kalinangan, pagdirawang, at hanap-buhay. Nagpakita ng "diwang may damdaming makabayan na kaiba sa pagkakaroon ng mga namamalakad na Amerikano" ang mga gawa niyang makakabukiran, na naging mahahalaga para sa paghubog ng pambansang katauhan ng Pilipino.[1]
Natuto si Amorsolo mula sa isinaunang kaugalian at may adhikaing "makamit ang pagkakalikha niya ng isang Pilipinong katumbas ng huwarang hubog pantao ng mgaGriyego."[7] Sa mga paglalarawan niya ng mga kababaihang Pilipino, tinanggihan ni Amorsolo ang mga huwarang Kanluranin ng kagandahan upang yakapin ang mga huwarang Pilipino.[15] at nakahiligan niyang gamiting batayan para sa mga mukha ng kaniyang mga paksa ang mga kasapi ng kaniyang mag-anak.[12] Kayumanggi, may banayad na kutis, may kabataan, maganda, at balingkinitan ang mga kababaihang karaniwang iginuguhit ni Amorsolo.[13] Sinabi ni Amorsolo na ang mga kababaihang ipininta niya ay kailangang may
bilugang mukha, hindi yung bilog-haba na karaniwang ipinapakita sa atin ng mga larawan sa mga pahayagan at babasahin. Dapat na ang mga mata ay sadyang may buhay, hindi mapungay at antukin na katangian ng isangMongolian. Dapat na pulpol ang ilong ngunit matatag at madiin ang pagkakaguhit. ... kaya ang kagandahan ng babaeng Pilipina ay sadyang hindi nararapat na may puting balat, o madilim ang pagkakayumanggi katulad ng sa karaniwang Malay, subalit dapat na may maliwanag na kulay ng balat o sariwang uri ng kulay na palagian nating nakikita kapag nakakatagpo tayo ng isang namumulang mukha ng nahihiyang batang babae.[15]

Gumamit si Amorsolo ng likas na liwanag para sa kaniyang mga ipinintang larawan at pinaunlad ang paggamit ng pamamaraang pagpapakalat ng liwanag mula sa tanawing-panlikuran (ang pamamaraanglikod-bigay-liwanag obacklighting technique), na naging tatak niyang pansining at pinakanatatanging handog sa larangan ng pagpipinta sa Pilipinas.[2][3][4] Sa isang karaniwang larawang ginawa ni Amorsolo, ang mga hubog ay nakabalangkas na napaliligiran ng makikilalang maaliwalas na pangingintab, at ng matinding liwanag sa isang bahagi ng mga pamukaw-pansin ng kanbas na malapit sa mga detalye.[3] Palagiang kasangkapan sa mga gawa ni Amorsolo ang sinag ng araw sa Pilipinas; pinaniniwalaang iisa lamang ang ipininta niyang may pangyayaring umuulan.[3]
Masipag kumatha si Amorsolo ng mga paunang larawang-guhit[15], na kadalasang ginagawa niya sa bahay, saLiwasan ng Luneta, at sa mga kabukiran.[12] Iginuhit niya ang mga taong nasa paligid niya, mula sa mga magsasakang Pilipino hanggang sa mga taga-lungsod na nagbabata ng paghihirap sa ilalim ng mga lumusob naHapones.[15] Makikita sa mga paunang larawang-guhit ni Amorsolo ang kaniyang gawi at kakayahan sa pagpinta ng mga larawang nakakikintal. Maaaninag ang kakayahan at gawing ito ni Amorsolo mula sa kaniyang mga larawang may pintura, kung saan ang mga wangis ng tao ay mga "mungkahi" lamang ng mga taong naipinta.[15]
Puminta rin si Amorsolo ng mga sunud-sunod na mga larawan na may mga paksa sa kasaysayan: bago dumating ang mgKastila at mga kaganapan noong panahon ng mga Kastila. Nalimbag ang maraming mga kopya ngMaking of the Philippine Flag (Ang Paggawa ngBandila ng Pilipinas) ni Amorsolo. Nangailangan ng maraming detalyadong paunang-hagod na guhit at pag-aaral ng kulay ang mga bahagi ngThe First Baptism in the Philippines (Ang Unang Pagbibinyag sa Pilipinas). Masinop at maingat na pinagtugma-tugma ng pintor ang mga bahagi nito bago inilipat sa panghuling kanbas. Para sa kaniyang mga larawang may mga kaganapan bago dumating ang mga dayuhang Kastila at noong ika-16 dantaon sa Pilipinas, bumatay si Amorsolo sa mga isinulat ni Antonio Pigafetta, iba pang mga mababasa at may mga larawang sanggunian. Humingi siya ng tulong mula sa mga dalubhasa sa Pilipinas noong mga panahong iyon, mula sa mga katulad nina H. Pardo de Tavera at Epifanio de los Santos.[5]
Pininta rin ni Amorsolo ang larawan ni HeneralEmilio Aguinaldo, mgapangulo ng Pilipinas, at iba pang mga kilalang Pilipino.
Matapos ang simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga karaniwang paksa sa pagpipinta ni Amorsolo - ang buhay sa baryo - ay napalitan ng mga paglalarawan sa isang bansang nalugmok sa panahon ng digmaan.[16] Noong kapanahunan ng pamamalakad sa Pilipinas ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, araw-araw na namalagi si Amorsolo sa kaniyang bahay na malapit sa kampo ng mga Hapon, kung saan gumuhit siya ng mga unang-hagod na guhit mula sa bubungan o mga bintana ng kabahayan.[12]
Noong panahon ng digmaan, itinala ni Amorsolo - sa pamamagitan ng pagguhit - ang pagkawasak ng maraming mga mapagkakakilanlang mga pook sa Maynila[16], kasama ang pasakit, kasawian at kamatayang naranasan ng mga mamamayang Pilipino. Kabilang sa mga paksa niya ang mga "nagluluksang babae dahil sa pagkamatay ng kanilang mga asawa, ang prusisyon ng mga taong may tinutulak na mga kareta at may dalang mga buslo habang papaalis mula sa isang madilim at natutupok na lungsod, na nabahiran ng pula ng apoy at dugo."[5] Madalas na nilalarawan ni Amorsolo ang mga buhay at pasakit ng mga kababaihang Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig: kabilang sa kaniyang mga ipininta ang "mga inang tangan ang kanilang mga anak habang lumilikas sa mga nasusunog na mga" pook, "isang babaeng sinaksak ng isang sundalong Hapon habang tumatangis ang isang bata na nasa lupa", at "isang babaeng umiiyak sa ibabaw ng walang-buhay na katawan ng kaniyang anak na lalaki."[16]Kabilang sa iba pang mga larawang iginuhit ni Amorsolo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang larawan ni HeneralDouglas MacArthur, maging mga larawan ng mga sundalong Hapon.[3] Noong 1948, ang mga larawang ginuhit ni Amorsolo noong panahon ng digmaan ay itinanghal sa Palasyo ng Pangulo saMalakanyang.[3]
Isang kinatawan ng mga ipinintang larawan ni Amorsolo noong panahon ng digmaan angDefense of a Filipina Woman's Honor (Pagtatanggol sa Karangalan ng Babaeng Pilipino [1945]). Sa larawang ito, ipinagtatanggol ng isang lalaki ang kaniyang asawa o anak na babae upang hindi magahasa o mapatay ng isang hindi nakikitang sundalong Hapon. Ayon kay John Silva, ipinapahayag ng larawan ang "pagtanggi sa paniniil".[16]

Ang mga gawa ni Amorsolo - na may mga paksang buhay-sa-kabukiran - ay itinuturing ng mga tagapagtangkilik ni Amorsolo bilang "tunay na paglalarawan ng kaluluwa ng mga Pilipino."[7]
Subalit, may mga tumutuya at nagsasabing nagpadala si Amorsolo sa takbo ng komersiyalismo, at gumagawa lamang siya ng mga larawang pang-alaala (mgasouvenir) para sa mga sundalong Amerikano.[7] Noong 1948, isinulat ng manunuring siFrancisco Arcellana na ang mga gawang larawan ni Amorsolo ay "walang masasabi" at hindi mahirap unawain sapagkat "wala namang dapat unawain."[7] Sinuri ng mga manunuri ang mga paglalarawan ni Amorsolo ng mga katauhan noong kapanahunan ngMagkakasamang-Yaman ng Pilipinas, ang may malaking bilang na mga gawain ni Amorsolo noong nasa mga gitnang-gulang pa lamang siya, at ang may malaking bilang na mga larawang pangkasaysayan.[7] Kaugnay ng huli, sinabi ng mga manunuri na ang "ugaling pansining ay sadyang hindi bagay sa pagpapasibol ng damdaming lubhang makaaantig at nauukol para sa ganiyang mga gawa."[7]
Subalit, may isang manunuri ang nagsabi na bagaman ang karamihan sa mga may sampung libong mga gawa ni Amorsolo ay hindi karapatdapat para sa isang katulad ni Amorsolo at sa kaniyang likas na kakayahang pansining, ipinagdiinan ng manunuring ito na mas nararapat lamang na husgahan si Amorsolo batay sa mga pinakamakahulugang obra niya imbis na batay sa mga pinakapangit o walang sapat na halaga.[7] Tinuturing na ang mga maliliit na larawang tanawin ni Amorsolo, lalo na yung nalikha noong nagsisimula pa lamang siya sa larangan ng pagpinta, bilang pinakamahahalagang mga gawa ni Amorsolo.[7] Maituturing si Amorsolo bilang isang dalubhasa sa pagpinta ng mga tanawin sa Pilipinas, isang dalubhasang higit pa kinaJuan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo na gumawa rin ng mga larawang tanawin ng Pilipinas na may katulad na mga sukat.[7]

Ang bilang ng mga ipininta at mga iginuhit na larawan ni Amorsolo ay pinaniniwalaang umabot sa higit sa 10,000 piraso. Isang mahalagang impluwensiya si Amorsolo sa pangkasalukuyang sining at mga artista ng sining sa Pilipinas, maging sa tinatawag na mga maka-Amorsolong pamamaraan ng pagpipinta.[7] Makikita ang impluho ni Amorsolo sa maraming mga larawang tanawin ng mga artistang Pilipino, kabilang ang mga naunang larawang tanawin ng pintor ng mgaabstract - mga larawang walang tiyak na anyo - na si Federico Aguilar Alcuaz.[7]
Noong 2003, itinatag ng mga anak ni Amorsolo angFernando C. Amorsolo Art Foundation, na nakatalaga para sa pagpapanatili ng pamana ni Fernando Amorsolo sa larangan ng sining sa pamamagitan ng pagpapamudmod ng estilo at pananaw ni Amorsolo, at sa pagpapanatili ng pamanang pambansa sa pamamagitan ng pagsagip at pagpapakilala ng mga gawa ni Amorsolo.[17]
Sa isang subasta sa Wellesley,Massachusetts noong 2001, dalawang orihinal na mga larawang iginuhit ni Amorsolo noong dekada ng 1950 -The Cockfight (Ang Sabong) atResting Under the Trees (Pamamahinga sa Ilalim ng mga Puno) - ay nabili ng isang kolektor mula saNew Jersey,Estados Unidos sa halagang $36,000 at $31,500, bawat isa.[18] Sa isang palabas pantelebisyon ngAntiques Roadshow noong 2002, isang tagapaghusga at tagapagbigay ng halaga sa mga antigo (mula saSotheby) ang nagsabi na ang isang larawang may tanawing pambaryo na ipininta ni Amorsolo noong 1945 ay makalilikom mula $30,000 at $50,000 sa subasta.[19] Sa isang subasta ngChristie noong 1996, ang halaga ng larawangThe Marketplace (Ang Pamilihan) ni Amorsolo ay umabot sa $174,000.[20]
Kabilang sa mga pangunahing gawa ni Amorsolo ang mga sumusunod:[4][13]
Noong 1972, si Fernando Amorsolo ang naging pinakaunang Pilipino na ginawaran ng karangalan bilang Pambansang Artista ng Pilipinas para saPagpipinta. Tinawag siyang "Magiting na Matandang Tao sa Larangan ng Sining sa Pilipinas" (Grand Old Man of Philippine Art) noong araw ng pagbubukas ng sentrong pansining ngManila Hilton, kung saan nagdaos ng eksihibit ng mga larawang ipininta ni Amorsolo noong 23 Enero 1969.
Sa labas ng Pilipinas, ginawa ang kaniyang mga eksibisyon saBelgium, saExposición dePanama noong 1914, sa solong palabas saGrand Central Gallery ngLungsod ng New York noong 1925, at saMuseong Pambansa ng Herran noong 6 Nobyembre 1948. Nang itinanghal ang isang eksposisyon saParis noong 1931, ipinakita ni Amorsolo ang isa sa kaniyang mga natatanging mga larawan,The Conversion of the Filipinos (Pagbabagongloob ng mga Pilipino). Kasama sa pinasang gawa ni Amorsolo saExposición sa Panama ang isang larawan niWoodrow Wilson, pangulo ng Estados Unidos at ang obrangLa Muerte de Socrates (Ang Kamatayan ni Socrates). Sa Museong Pambansa ng Herran noong 1948, ang eksibisyon ni Amorsolo ay ginugulan ng pananalapi ngArt Association of the Philippines (Asosasyong Pansining ng Pilipinas). Noong 1950, nagkaroon uli ng isa pang ekshibisyon si Amorsolo kung saan ipinakita niya sa madla ang dalawa pang larawang pangkasaysayan, angFaith Among the Ruins (Pananampalataya sa Gitna ng mga Guho) at angBaptism ofRajah Humabon (Pagbibinyag kay Raha Humabon), na ginawad saMissionary Art Exhibit saRoma. Noong 1979, ipinagdiwang ang pamana ni Fernando Amorsolo bilang pintor sa pamamagitan ng isang ekshibisyon ng kaniyang mga gawa saArt Center of the Manila Hilton (Sentrong Pansining ng Manila Hilton).[6] Nagkaroon din ng isang ekshibisyon ng mga gawa ni Amorsolo saHavana,Cuba noong 2007.[21]
{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)